Chapter 7 Hindi niya akalain na sobrang dami din pala ang Pilipino sa Riyadh. Sa Batha pa lamang na malapit sa kanilang accommodation ay naroon na ang mga hilera ng mga groceries at restaurant ng mga Pinoy. Parang hindi rin naman siya nag-Saudi dahil lahat naman ng pagkain maliban sa baboy at alak ay naroon na. Bukod sa pagkain, kahit ugali ay dinala din pala ng mga Pinoy ang gawi at ugali sa ibang bansa. May mga bakla ding nagkakairingan at nagkakasulutan. Mga may asawa sa Pilipinas ngunit nang nakapag-Saudi, binata’t dalaga uli. Lantarang ang pangangabit kahit gaano kaistrikto ang batas ng Saudi. Yung iba binibenta na ang katawan ng patago para mabilis makaipon. Ngayon na nasa ibang bansa na siya at napipinto ang kanyang pag-iisa, kailangan niyang magkaroon ng sandigan. Mukha nama