CHAPTER 14 Tinignan niya ang kaniyang orasan. Alas-nuebe na ng gabi. Hindi man lang niya namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras kasama si Culver. “Panay ang tingin mo na sa orasan mo ah,” tanong ni Culver. Ngumiti lang si Echo. Napabuntong-hininga siya. Pinagmasdan niya ang mukha ni Echo. Napakatagal na panahong gusto niyang mahagkan ang labing iyon. Matagal niyang pinangarap n asana balang araw, mayakap niya ang katawan ni Echo. Gusto niyang angkinin ito ng buum-buo. Kung may magagawa lang sana siya para mabago ang damdamin nito. Hindi man niya gustong isipin na may katatagpuin si Echo ngunit anong karapatan niyang mangialam. Sa kanilang pag-uusap, sumisibol ang matagal na niyang pinatay na damdamin. Mabilis nangibabaw ang akala niya dati ay nakalimutan na niyang damdamin. Lal