Kabanata 01
Prologue
Halos maligo na ako sa pawis at kulang na lang lumawit ang dila ko dahil sa matinding pagod. Patuloy lang akong naglalakad dito sa kahabaan ng highway kahit hingal kabayo na ako.
Ngayong araw ay mukhang sinalo ko na yata ang lahat ng kamalasan. Katatapos lang kasi ng night ship ko sa trabaho, subalit pagdating sa kalagitnaan ng highway ay tumirik ang scooter ko. Pumutok kasi ang mga gulong nito.
Kaya heto ako ngayon, ilang metro ang nilalakad habang tulak-tulak ang kulay pink kong scooter. Second hand lang kasi ito nung nabili ko, kaya mababa ang kalidad nito at talagang hindi pangmatagalan. Parang pag-ibig lang ‘yan, eh, walang forever.
Sa edad na kinse ay marunong na akong dumiskarte sa buhay. Marami akong alam na raket dahil isa akong working student, kailangan kong magsikap, ikanga para sa ekonomiya.
Siguro kung nabubuhay lang ang aking ina ay hindi ko mararanasan ang ganitong klase ng buhay. Baka hanggang ngayon ay buhay prinsesa pa rin ako tulad ng dati.
Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko na naman ang aking ina. Saglit akong huminto sa paglalakad upang magpahinga. Ibinaba ko muna ang stand ng motor at hinihingal na umupo sa upuan nito. Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng takot dahil mag-isa lang ako dito sa highway. Tanging ang mga ilaw mula sa poste ng meralco ang nagbibigay liwanag sa daan. Napaka tahimik ng buong paligid at tanging ang mga tunog ng mga pang gabing hayop ang aking naririnig.
Tahimik na pinagmasdan ko ang malawak na kalangitan na halos hindi mahulugan ng karayom dahil sa dami ng mga bituin nito. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng kuminang ang isang bituin, iniisip ko kasi na iyon ang aking ina.
“Mommy! Bantayan mo ‘ko, ha? Itaboy mo yung mga pangit na pinagnanasaan ang ganda, na minana ko mula sayo.” Ani ko bago parang tanga na natawa sa sarili kong biro. Ayoko ng maglakad pa dahil masakit na ang mga binti ko, alas dos na ng madaling araw kaya wala ng masyadong sasakyan. Hindi ko naman matawagan ang ate ko para magpa-sundo sa kanya dahil lowbat ang cellphone ko.
Ilang minuto akong naghintay sa gilid ng kalsada, nagbabakasakali na may dumaang sasakyan. Napangiti ako ng wala sa oras ng makita ko ang isang truck na paparating. Kaagad akong naghanda upang parahin ito, Subalit, naudlot ang tangkang pag-angat ng kamay ko sa ere ng makita ko na isa pala itong truck na nagdedeliver ng mga buhay na baboy dito sa Siyudad.
Muli, Ilang minuto pa ang lumipas na halos umabot na ng two thirty o’clock ay muling may dumating na isa pang sasakyan. Nang tuluyang kong maaninaw kung anong klaseng sasakyan ito ay halos manindig ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ako nangahas na parahin ito, dahil isa itong karo at may kabaong na sakay sa likuran nito. Napa antada tuloy ako ng wala sa oras. Oo, matapang ako, pero kung ito naman ang maghahatid sa akin sa bahay ay baka mapatay ako ng ate Miles ko.
Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Parang gusto ko ng sumuko pero ayaw naman ng utak ko, iniisip ko kasi si ate Miles. Bukod sa kapatid ko siya ay nag-iisang babae na labis kong hinahangaan dito sa mundo.
Siya ang motivation ko kaya sa murang edad ay natuto akong magsumikap. Paglaki ko gusto kong maging matapang na tulad niya, Isa ito sa dahilan kung bakit mas pinili ko ang maging working student. Para na rin makaipon at matulungan ko ang ate ko na muling maibangon ang nalugi naming kumpanya.
Simula kasi ng mamatay ang aming ina ay hindi lang ang kumpanya ang napabayaan ni Daddy kundi maging ang sarili nito. Gustuhin ko mang magalit sa aking ama, pero hindi ko magawa dahil wala namang may gusto na mamatay si Mommy. May time pa nga na nagtangkang magpakamatay si daddy, mabuti na lang at kaagad itong naagapan ni ate Miles. Laking pasalamat na lang namin na hindi na ito naulit pa.
Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ang paparating na itim na kotse hindi lang isa kundi tatlong magarang sasakyan. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na tumakbo ako sa gitna ng kalsada. Malayo pa naman sila sa kinaroroonan ko kaya siguradong hindi ako nito sasagasaan. Depende na lang siguro kung halang ang kaluluwa ng driver nito at tuluyan akong banggain. Malaki ang tiwala ko sa guardian angel ko kaya alam ko na hindi ako mapapahamak.
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko ng huminto sa mismong tapat ko ang mamahaling sasakyan. Subalit nawindang ako ng biglang bumaba ang may nasa pitong armadong lalaki. Ang masaklap pa ay mabilis nila akong tinutukan ng baril. “Taas ang kamay!” Malakas na sigaw ng lalaking pangit na may hawak na baril. Oo, pangit sya para sa akin dahil balbas sarado ang mukha nito.
Mabilis pa sa kidlat na naitaas ko ang aking mga kamay sa ere habang panay ang lunok ko, epekto ito ng matinding takot. Maging ang mga kamay ko ay parang biglang naging pasmado dahil sa lakas ng panginginig nito.
“T-Teka, h-hindi po ako kalaban, nais ko lang na humingi ng tulong. S-Sumabog po kasi ang gulong ng motor ko.” Kandautal kong sabi na halos pigil ko na ang aking hininga. Pagkatapos kong magsalita ay gamit ang nguso ko na itinuro ang nakaparada kong motor sa gilid ng kalsada. Sabay pa na napalingon ang mga ito sa direksyon ng motor ko na nakaparada sa gilid ng kalsada.
“Let her, come here, young lady.” Anya ng isang makapangyarihang tinig, nahawi ang dalawang lalaki na nasa harapan ko. Nakadama ako ng kasiyahan at mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo palapit dito. Pagdating ko sa tapat ng pintuan ng kotse ay walang hiya-hiya na binuksan ko ito. Ngunit, napatda ako sa aking kinatatayuan dahil sa mukha ng lalaking tumambad sa paningin ko.
“S**t! Ang gwapo!” Natitilihang bulalas ng malanding tinig mula sa aking isipan. Ewan ko ba kung bakit parang tinambol ang dibdib ko. Mukhang nakalimutan ko yatang huminga dahil napahugot ako ng malalim na buntong hininga.
Kita ko na maging siya ay nagulat din, at nang mga oras na ito ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Nang mahimasmasan ay walang paalam na pumasok ako sa loob ng kanyang kotse.
Tinanong naman niya ako kung anong tulong ang kailangan ko di ‘ba? Kaya kahit hindi ko na sabihin ay batid ko na naunawaan niya kung anong tulong ang kailangan ko. Bahagya pa nga siyang itinulak ng balakang ko kaya napilitan siyang umurong upang makaupo ako ng maayos sa tabi.
“Lord, binabawi ko na ang sinabi ko kanina, at ngayon ay nagpapasalamat ako na nasira ang motor ko. Swerte ko pala dahil makakasakay pa ako sa mamahaling kotse ng gwapong ito!” Anya ng pilyang tinig mula sa isip ko habang inaayos ang upo ko. Ngunit, bigla akong natigilan ng maalala ko ang motor ko. Nag-alinlangan akong bumaba, baka kasi mamaya ay magbago ang isip ng lalaking ito at hindi na ako pasakayin.
Bubuka pa lang sana ang bibig ko ng makita ko na sumenyas ang lalaki sa mga tauhan nito kaya naman mas lalong lumapad ang ngiti ko. Napakabait ng taong ito kaya natutuwa na pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
Nang humarap sa akin ang mukha nito ay natigilan ako at labis na nabigla lalo na ng masilayan ko ang asul nitong mga mata. Hindi, hindi ako pwedeng magkamali!
“Saan ka namin ihahatid, young lady?” Ang malagom nitong boses ang gumising mula sa natutulog kong diwa. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala sa mukha nito. “Doon..” wala sa sarili kong sagot at parang tanga na nakaturo ang hintuturo sa unahan ng sasakyan. Hindi na mapuknat ang titig ko sa mukha ng lalaking ito.
Buong buhay ko ay siya na yata ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Mula sa makapal niyang mga kilay na bumagay sa mga mata nito na kung makatingin ay tila inaarok ang buong pagkatao ko. Ang asul niyang mga mata ay wari moy may mahika dahilan kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa mula dito. Bumaba ang tingin ko sa kanyang matangos na ilong na wari moy nililok ng isang pinakamagaling na manlililok dito sa mundo. Pakiramdam ko ay bigla akong nauhaw ng mapako ang mga mata ko sa namumula nitong mga labi.
“Syete! Bigla akong kinilig! Dahil pumasok sa makasalanan kong utak na bagay ang aming mga labi! Ano kayang pakiramdam ng mahalikan nito? Para na akong estatwa na hindi na gumagalaw sa aking kinauupuan. At mas lalo akong namangha ng gumalaw ang bibig nito. Napasinghap pa ako ng bigla siyang ngumiti sa akin.
“Oh my God, nakatitig din siya sa mukha ko!” Natitilihang wika ng isang malanding tinig sa isip ko. Pakiramdam ko tuloy at para akong isang bulate na binudburan ng asin.
“Ouch!” Parang bigla akong nahimasmasan ng pitikin niya ang noo ko. Sa isang iglap ay naglahong bigla ang lahat ng pantasya sa utak ko. “Okay na sana ang lahat, bakit ginising mo pa ako?” Naiinis na bulong ko sa hangin na sinagot niya nang “pardon?”
“I-I mean, Rayos compound Rosario, Sir.” Nakasimangot ko ng sagot, nakadama ako ng hiya ng makita ko na natatawa ang driver nito sa inis ko ay inirapan ko na lang ito habang nang hahaba ang nguso ko.
Pagkatapos ng twenty minutes ay humimpil ang kotse sa tapat ng inuupahan naming bahay. Ewan ko ba pero nakadama ako ng lungkot dahil sa napipintong paghihiwalay namin ngayong gabi.
“Mag-aral kang mabuti, iwasan mo ang mag boyfriend para makatapos ka ng pag-aaral.” Imbes na matuwa ay mas lalo lang yatang sumama ang loob ko. Dahil tinali pa niya ang isang tatay kung magpayo sa akin. Nakabukas na ang pintuan sa tapat ko at nakita ko na nasa loob na bg aming bakuran ang aking motor. Ngunit imbes na bumaba ng sasakyan ay matapang na pumihit ako paharap sa kanya habang nanatiling seryoso ang mukha ko.
Ilang segundo na nagpanagpo ang aming mga mata, at nakikita ko roon ang labis na pagtataka nito.
“Susundin ko ang lahat ng sinabi mo, pero mangako ka sa akin na hindi ka mag-aasawa at hihintayin mo akong lumaki. Kapag nakagraduate na ako, magpapakasal tayo.” Kita ko kung paanong umawang ang bibig nito sa labis na pagkabigla habang matamang nakatitig sa mukha ko. Bumaba na ako ng sasakyan pero hindi ako kaagad umalis, muli ko siyang hinarap bago inilahad sa harap nito ang aking hinliliit.
“Mangako ka.” Ani ko, akala ko ay hindi niya papansinin ang sinabi ko pero nagulat ako ng seryosong inangat niya ang kamay at nakipag pinky promise ito sa akin. Nagliwanag ang mukha ko habang nakatitig sa magkahugpong naming mga daliri. “Promise.” Seryoso ngunit nangangako niyang sagot.
"My name is MAURINE KAI RAMIREZ, and at the age of fifteen, I became the fiancée of the stranger man, Mr. Blue Eyes."