Nasa kalagitnaan ng laro si Juan, nang tumunog ang kanyang telepono. Ito ang lalaking kinuha niya upang manmanan sina Andrew Cespon at Amber Chua. “Yes, Mr. Ortega? Ano? Anong ibig mong sabihin wala na siya? At ang babae din?" Minasahe niya ang likod ng ulo nang ipaalam sa kanya na si Andrew at Amber ay nawala nang walang anumang bakas. "Maaari mo bang suriin muli ang tungkol kay Andrew?" Hindi aalis ang kaibigan niya nang hindi nagpapaalam sa kanya dahil may deal sila. Pagkatapos niyang makipag-usap sa detective ay naisipan niyang puntahan si Natalie sa kusina dahil gusto niya itong makita. Sa kasamaang palad, hindi niya nadatnan ang babae sa kusina. Nang tiningnan niya ang oras sa kanyang relo ay kaagad na siyang sumimangot dahil malapit na ang tanghalian ngunit hindi pa rin nagluto ang