Nagbabasa siya ng aklat nang sumugod si Juan sa kanyang silid. Ikinagulat niya ang ginawa ng lalaki at kaagad na kumunot ang kanyang noo nang tumayo siya. “Hindi ka ba marunong kumatok, Juan? Alam kong wala akong karapatan sa bahay na ito, ngunit mangyaring iwasan mo sana ang biglang pagpasok dito sa silid!” Pinagalitan ni Natalie si Juan dahil kung umasta kasi ang lalaki ay para itong hari. “Pagkatapos ng ginawa mo? Inasahan mo pang maging kalmado ako ngayon? Pinayagan kitang kausapin sila, o kaibiganin sila, pero hindi para kumbinsihin sil na iwanan ako!” Sigaw ni Juan. “At sinong impakta naman ang nagsumbong sayo? Iyong babae na kung makakapit sayo ay parang tuko?” Tinukoy niya ang babae na palaging nag-aayos at laging nagpapaganda para kay Juan na si Melanie. “Porke’t paborito mo s