Nang marinig niya ang sinabi ni Juan ay kaagad na nagdilim ang paningin ni Natalie sa galit. Gusto niya niya itong sugurin ngunit natigilan siya nang bigla itong tumawa. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang masaya si Juan, iyong tawang iyon na ilang taon na niyang hindi nasilayan ay nagpataba sa kanyang puso. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasilayan niyang muli ang binatilyong hardinero sa mansion noong araw. “Napakamanyak mo na talaga, Juan. Paano kung magkakasakit ka niyan?” Nagtanong si Natalie at nang makita niyang umismid lang ang lalaki ay napaangat ang isa niyang kilay. “Bakit parang ipinagdasal mo pa yata na magkakasakit ako, Taling?” Masamang ugali ang hilingin magkakasakit ang isang tao ngunit kasalanan nito ang lahat kung sakaling makakuha siya ng sakit mula sa labis n