Literal na napahiya si Juan nang harap-harapan siyang tanggihan ni Natalie. Napahiya siya kay Keith at mas lalong napahiya siya sa kanyang sarili. Isa siya sa mga pinipilahang mga lalaki dahil kanyang kayamanan at hitsura ngunit para kay Natalie ay nanatili pa rin siyang hardinero sa paningin nito kanina. Napatiimbagang siya nang maalala ang isang mapait na karanasan noong bata pa siya at harap-harapan din siyang itinanggi ni Carlota. Basta na lang ito tumalikod kahit na nakita siyang duguan noon. Biglang sumikip ang kanyang dibdib nang bumalik sa kanya ang nangyari noon na para bang kahapon lang ‘yon nangayari sa kanya. Gising pa siya ngunit wala siyang makita sa silid na kinaroroonan. Ganunpaman, kabisado na niya kung saan nakalagay ang mga lumang sapatos at tsinelas ng kanyang Nanay