Noong sinabi ni Juan na kailangan na niyang lumipat ng silid upang sa iisang silid lang sila matulog ay hindi siya pumayag. Bumalik pa rin siya sa kung saan una siyang natulog noong nakabalik siya sa Rivera. Nagkasagutan pa sila ni Juan noon ngunit hinayaan na lang niya ang lalaki na magalit ng husto. Mas maigi na rin iyon upang hindi na lumago pa ang kung anumang damdamin na namumuo sa kanyang dibdib para sa lalaki. Nagbilin na si Juan na kailangan niyang makapagluto ng pagkain sa tamang oras at umuo lang siya ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya iyon natupad. Sa tingin ni Natalie ay hindi gumana ang kanyang alarm clock at sumobra ang kanyang tulog. Nakalimutan pa niya ang kanilang usapan ni Juan na magkita sila sa kusina mamaya. Nang magising siya, lampas na ng tanghalian, at nata