Planado na sana ang kanyang paglalayas mula sa malaking bahay ngunit bigla siyang nagdalawang-isip o mas tamang sabihin na nahumaling siya sa mga ginagawa ni Juan sa kanyang katawan. Masakit man isipin pero ganoon na nga ang nangyari. Isa pa, parang nagbabago na rin ang pagtingin niya sa lalaki. Lately kasi, legit ang kaba tuwing lumalapit si Juan sa kanya. Noong una ay nahiya pa siyang umamin na kinilig na nga siya sa presensya ng lalaki kahit may mga oras na mapanakit ito. Tuwing hapon ay excited siyang salubungin ang pag-uwi ni Juan. Alas kwatro pa lang ng hapon ay maliligo na siya upang hindi masyadong halata para sa lalaki na pinaghandaan talaga niya ang pag-uwi nito pero ganoon naman talaga ang kanyang ginagawa. Tuwing alas-singko ng hapon ay nasa labas na siya ng bahay at nagdid