“Baby, what’s taking you so long? C’mon.” Gusto ko na lang matawa nang marinig ko iyon. Sinundo ako ni Nick dahil mag a out of town kami kasama sila Jennica at ang parents nya for the Holy Week. Pupunta daw kami sa Balesin. Dalawang araw at dalawang gabi kami doon, kaya isang backpack at isang shoulder bag na naglalaman ng mga personal belongings ko lang ang dala ko. Kasalukuyan akong nagsusuot ng sapatos nang marinig ko ang pagrereklamo ni Nick sa labas ng pintuan ng apartment ko. “Sandali na lang. Mauna ka na sa sasakyan mo, dalhin mo na gamit ko and I’ll be there in a minute.” I assured him. Hindi na sumagot si Nick. Narinig ko na lang na nagsara ang pinto ng apartment ko. I giggled. Kung noong pagbalik nya galing Paris ay parang palagi syang tense, mas panatag na ako ngayon dahil