“And this project will not be possible and successful without this one and only person who conquered my whole being, who gave me motivation to do my best and prove myself worthy. The person who owns me, my heart, my mind, and my soul --- Ariston. I love you, my Aribebe!” ang walang habas na pagtapos ni Perry ng kanyang sagot sa tanong ng host sa isang live interview. Walang mababakas na hiya sa kabuuan ni Perry. Full of confidence pa siyang ngumiti nang napakalapad na halos umabot na sa magkabila niyang tenga ang bawat dulo ng kanyang mga labi.
For a moment, halos lahat ng nasa set ay natigilan. Kahit ang live audience ay natahimik sa ginawang pagtatapos ni Perry ng kanyang sagot. Ang host ng naturang show ay napatulala na lamang kay Perry na tila walang pakialam sa paligid.
Hindi pa man nakakabawi ang host at ang audience ay binaling ni Perry ang kanyang pansin sa harapan. He focused his eyes on the camera as if staring with the camera. Lumiwanag pa lalo ang mukha ni Perry kasabay nang paglawak pa lalo ng kanyang ngiti. Kitang-kita na ang sobrang puti at malinis na mga ngipin ni Perry. He lifted his right hand, slowly forming a heart. Bahagyang natatakpan ng kamay ni Perry ang right side ng kanyang mukha. Ngunit makikita pa rin ang ngumingiti niyang mga mata at mga labi. Perry then pouted his lips. He blew a kiss directly on the camera without breaking eye contact with the camera’s lens.
Narinig ni Perry ang pagtikhim ng host na babae na nakaupo sa tapat niya. Bumalik ang tingin ni Perry sa host na kasalukuyang inaayos ang sarili, binabalik ang composure nito’t ngumiti. “So, Perry, dahil nasabi mo na rin ang tungkol sa tao na naging dahilan ng pagiging successful mo. At matagal ko na rin napapansin na bukambibig mo ang taong ito na nagngangalang Ariston sa kahit saang interview ka man. There were no time na hindi mo nababanggit ang pangalan ni Ariston. If you don’t mind, maari ko bang itanong kung sino talaga si Ariston? Alam ko na alam mo na matagal na rin na gustong malaman ng fans mo kung sino talaga si Ariston dahil simula pa lang ng career mo ay walang interview na hindi mo sinasabi na mahal mo siya.”
Perry nodded lightly. He then replied, “Of course, you can ask me about Ariston but with limitations. Kung sa palagay ko ay masyado nang personal ang tanong, I will not answer your question. His privacy also important, and I gave that with atmost respect.” Perry slightly looked straight towards the camera. “And if someone will try to dig his personal information and expose him publicly, ngayon pa lang ay magpasensyahan na tayo, especially my fans. If you can’t respect his private life, then you don’t respect me as my fan or supporter,” kalmado ang boses na sambit ni Perry. He knew that because of him anyone who follows him is curious about Ariston. Hindi niya rin naman talaga masisisi ang fans niya dahil siya mismo ang walang hiya na pinagsisigawan ang pagkagusto niya kay Ariston.
“Understood, Perry,” panimula ng host. “So ito na nga… Hindi ka ba nangangamba na maaring masira ang career mo as an idol at celebrity dahil kung hindi ako nagkakamali ang pangalan na Ariston ay panlalaki at galing na mismo na gimamit ka ng his bilang pronoun?”
Pinigilan ni Perry ang matawa nang marinig ang tanong nito. He threw an are-you-seriously-asking-me-that look at the host. Nang mapansin ni Perry na hindi nagbabago ang expression ng mukha ng host ay hindi na napigilan pa ni Perry ang matawa nang tuluyan. “Sa tingin n’yo, mukha ba akong may pakialam? Kahit noong nagsisimula pa lang ako sa career ko few years ago, I am already vocal about myself that I am not straight, and I like Ariston since then. Hindi naman ito naging issue noon lalo pa na hindi ko tinago ang totoo kong pagkatao. Kaya sa tingin ko, if ever magiging issue ito ngayon, hindi ito magagamit laban sa ‘kin to drag myself down from stardom. In fact, everyone knows how open I am about my sexuality, including my family. At alam naman siguro na ng lahat kung ano ang pamilya pinanggalingan ko. Am I right?”
Nakita ni Perry ang pagngiti ng host. There was no judgment that he saw from her either it be on her eyes or small gestures of disgust. For Perry, why should he bother himself regarding these things when he kept nothing since from the start, especially about himself. The only thing he kept from public was Ariston’s identity.
“Sabagay. Tama ka rin. Hindi mo naman tinago ang sarili mo simula’t sapol kaya hindi rin talaga ito magagamit laban sa ‘yo para sa ikakasira mo, Perry. I admire the courage and bravery you have. Nagawa mo na ipaalam sa lahat ang tungkol sa bagay na ito. And I think it is a good move na unahan na ang ibang tao to out you.” Umayos nang upo ang host.
Sinundan din ni Perry ang tingin nito na papunta sa kung nasaan ang live audience. And Perry knew what the audience were waiting. Umiiling na lumingon si Perry sa host. “I think you should ask me already. No more chasing around the bush. We can already see the anticipation from the audience,” chuckling, Perry said.
Kahit naman kasi walang salita na lumalabas sa bibig ng mga tao sa audience ay mahahalata at hindi maipagkakaila sa mga mukha ng mga ito na nakaabang ang mga uto na tanungin si Perry patungkol kay Ariston. Perry already expected this to come. He was just not sure when will he be asked about it. And it seemed like this will be the time for that.
“Mukha ngang mas excited pa ang ating audience kesa sa akin na tanungin kita Perry.” Natatawa na ring sambit ng host. “Kaya hindi ko na ito patatagalin pa.” Tiningnan nito si Perry nang diretso. Katulad ng nakita ni Perry sa mga mata ng manunuod ay nakita niya rin sa host ang pigil na excitement. “So, Perry, puwede mo ba ikuwento kung paano mo nakilala si Ariston? Kung paano kayo nagkakilala? Kailan kayo naging mag-boyfriend? At paano ito tinanggap ng mga magulang ninyo?” sunod-sunod na tanong ng host. Hindi na nito napigilan pa ang sarili na magtanong nang diretsa at tinanong na ang mga tanong na magko-cover sa lahat ng information na gusto nitong malaman.
“As expected. . .” Mahinang tumawa si Perry. “Mahaba pa ba ang oras natin? Baka maubusan tayo ng oras kapag ikukuwento ko ang lahat para lang masagot ang lahat ng tanong.” Naghintay si Perry sa sagot ng host. Pero bago pa man makasagot ang host ay nakita niya ang teleprompter sa isang banda. Nakalagay doon ang timer ng show. Kasunod nito ang isang staff na sumisenyas na ipagpatuloy nila ang usapan.
“I guess we have enough time for a story,” Perry started. “Papaikliin ko na lang upang masagot ko lahat ng tanong.”
Sumandal si Perry sa sandalan ng upuan. Pagkatapos ay ipinatong ni Perry ang isang binti sa ibabaw ng isa pa niyang binti. Ang mga kamay naman niya ay ipinatong sa tuhod nang magkahawak. He sat comfortably as if he was just in their home.
“Well. . . Nakilala ko si Ariston because my dad brought me to an event na hindi ko na papangalanan dahil madali na ninyong malalaman ang katauhan ni Ariston.” Perry’s eyes went dreamy as he recalled the first time he met Ariston. A smile crept on his lips, an indication that he really cherished that moment. “Doon ko unang nakita si Ariston. And mas nagkakilala kami lalo dahil magkaibigan ang parents namin, especially our dads na masasabi ko na close friends.”
Perry sighed as the smile on his lips slightly faded out. “But he is still not my boyfriend.” Gasps filled Perry’s hearing. Pero tinawanan lamang niya ito. “Yes, you all heard it right. Ariston is still not my boyfriend as of the moment. Pero I know, for sure, he will be my boyfriend, and I will be his boyfriend sooner or later. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay para lahat sa kanya. And again, to prove myself worthy for his attention, love, and affection. Sabihin na lang natin na I am still pursuing him na maging akin. Alam ito ng pamilya at mga kaibigan namin kaya walang iba na nagtatangka na i-pursue rin siya. This is also the reason why I am confident to tell that sooner or later that we will accept my feelings for him and start our romantic relationship.”
Hindi na nagtanong pa muli ang host pagkatapos sumagot ni Perry. The studio was still in a state of shock. Ipinagkibit na lamang ito ni Perry ng balikat. He knew what the host and the viewers were thinking. He knew that they thought he is in a relationship with Ariston already as he was being interviewed. Kung sabagay, sino ba ang hindi mag-iisip na may official intimate relationship na silang dalawa sa paraan ng pag-express ni Perry ng pagmamahal niya sa publiko?
The show ended after a while. Perry was then ushered back to his dressing room. At habang hinihintay ni Perry ang manager niya na manager din ng mommy niya, ang Tito Carlos niya, ay nagbukas siya ng twittum. Agad-agad niyang tiningnan ang trending topics. At hindi nga siya nagkamali. Trending agad ang katatapos lamang na interview niya, lalo na ang pag-amin niya na hindi pa sila magjowa ni Ariston na lalo lamang nagpa-curious sa fans niya kung sino talaga si Ariston. Ang totoong pagkatao ni Ariston.
Perry was enjoying reading some twittum posts about his interview when the door of the dressing room abruptly opened, slamming against the wall. A very familiar, now frustrated, voice followed, loudly snapping, “Perry! Ano na naman itong ginawa mong kalokohan? Ilang beses na kita sinabihan na huwag na huwag mo na babanggitin si Ariston sa mga interview mo. And now, hindi lang pagbanggit kay Ariston ang ginawa mo, nagkwento ka pa.”
Pinindot ni Perry ang power button ng mobile phone niya at binalik niya ito sa loob ng bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nilingon niya ang kakarating lamang na tao. He shrugged his shoulders. “It’s already done, Ninong Carlos. At saka huwag ka masyado magpaka-stress sa bagay na ‘yon. Alam naman na ng lahat na may gusto ako kay Ariston. Sige ka. Kapag nagpapadala ka pa sa stress, baka maghanap na ng iba si Tito Prince at iwanan ka niya.”
Sasagot pa sana si Carlos ngunit hindi nito natuloy ang sasabihin nang magsalita ang isang tao muli sa likuran nito. “Ready na ang sasakyan. Tara na, Perry.” Napansin nito ang tila pagpipigil ni Carlos. “May nangyari ba rito? Bakit highblood na naman itong baby ko?” Inakbayan nito si Carlos. At bahagyang hinimas ang balikat ni Carlos.
“Wala naman, Tito Prince. Masyado lang ata iniisip ni ninong ang naging interview ko,” simpleng pagsagot ni Perry.
Tumayo na si Perry mula sa inuupuan niyang malambot na swivel chair. Hinablot niya ang jacket na nakasabit sa sandalan ng katabing upuan. Sinabit ni Perry ang jacket sa balikat niya at nagsimula nang maglakad papunta sa pintuan kung nasaan nakatayo si Carlos at Prince.
“By the way, Perry, napanoud ko ‘yong interview mo. Lalo na ‘yong part tungkol kay Ariston.” Ang pagputol ni Prince katahimikan na namamagitan sa kanilang tatlo.
“Ayos ba, tito?”
“Good job!” Nag-thumbs up si Prince. “Tama ‘yang ginagawa mo. Huwag ka gumaya sa Daddy Penny mo na napakatorpe kaya hindi agad nakaisa sa Mommy Cherry mo dati.”
AUTHOR'S NOTE:
Mababasa po ang whole story na to sa w******d. Doon ko na ipagpapatuloy story ni Perry.