CHAPTER 7

1765 Words

SHANNERA Pagkagising niya ay kaagad siyang nagtungo sa banyo para magsipilyo at maghilamos. Napatingin siya sa kanyang sarili sa salamin. Parang panaginip o narinig niya lang na sinasabi ni Sir Ramm sa kanya na ayaw siya nitong mawala sa buhay nito. Imposible naman, kung ganoon nga dahil sa tingin niya ay hindi naman siya nito nagugustuhan. Sa halos dalawang-taon na siyang naninilbihan dito bilang Financial Manager ay kilalang-kilala na niya ang binata. Minsan hindi ito nagpapakita ng ganoon sa kanya katulad na lang nang pagpapakita nito ng motibo. Nakakapagtaka at naguguluhan siya sa kinikilos ng boss niya. Hindi kasi siya naniniwala rito na bigla na lang nagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Lumabas na kaagad siya sa kanyang silid nang matapos niyang gawin ang routine tuwing umaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD