CHAPTER 4

1943 Words
RAMM SCOTT Lahat nang madadaanan na cubicle ng mga tauhan ni Ramm ay napapayuko na lang dahil takot ang mga itong mabulyawan niya. Simula nang umalis si Shannera nang hindi nagpapaalam sa kanya ay hindi niya alam kung bakit hindi niya ma-control ang kanyang sarili. Kahit sa maliit lang na pagkakamali ng mga tauhan niya ay bigla na lang siyang magagalit at nabubulyawan niya ang mga ito. Hindi niya maintindihan, kung bakit ganito ang reaksyon niya dahil lang sa hindi pagpapaalam sa kanya si Shannera. Nahihibang na ba siya? Simula ng siya ang itinalagang CEO ng Scott Island Resort ay bigla na lang daw siyang nagbago nang makilala niya si Shannera. Naging madaldal na siya kapag kausap niya si Shannera. Shannera lang talaga ang nagpapabago ng mood niya. He has a reserved demeanor. Kung hindi siya kakausapin ay hindi talaga siya magsasalita. Nagmamasid lang siya, nakikinig at tahimik lang sa tabi. Sabi nga ng kaibigan niya na kapag nagsalita siya ay hindi siya magdadalawang-isip na sabihin kung ano ang nasa isip niya. Wala siyang pakialam, kung makasakit siya ng ibang tao. Hindi naman niya pwedeng baguhin ang kanyang sarili dahil lang sa mga sinasabi ng mga tao sa kanya. He doesn't care anymore of what people say. Kung hindi siya tanggap ng ibang tao ay problema na lang nila iyon dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya. Kaya para sa kanya ignore it and accept the life that God has given us, which we must treasure. Napapikit na lang siya nang biglang sumagi na naman sa kanyang isipan ang dalaga. Ipinilig na lang ang kanyang ulo para mawala sa kanyang isipan si Shannera. Sinubsob na lang ang sarili sa pagbabasa ng mga papeles na kadarating lang at ang iba naman ay inaaprobahan na niya ang mga nabasa niya. "Sir, the board of directors is waiting for you." Tumayo na kaagad siya at lumabas na. Alam niyang nakasunod na ang kanyang secretary na si Poly. Hindi na niya kailangang sabihin dito, kung ano ang mga dadalhin nito. Alam niyang memoryado na nito lahat na dapat dalhin para pag-usapan sa meeting nila. "Good Morning, Mr. Scott!" Bungad sa kanya ng mga board of director at mga investor sa resort nila. Tumango lang siya sa mga ito na bilang pagbati. "Let's get to the point. As we all know, we all agreed on the new building.pero kulang na lang ang perma ko," seryosong saad niya na kaagad namang tumango ang mga ito. Napakunot ang noo niya nang makitang nakangisi ito sa kanya. Tumayo ito sa harapan nila na para bang kampante ito na aaprobahan niya ang ipapatayo nitong gusali sa resort niya. "Yes, Mr. Scott. Ang perma mo na lang ang kailangan para masimulan na ang bagong building." He mischievously smiled at him. "Ibig sabihin na pinagplanohan niyo na ito at hindi ko man lang alam? Kanina ko pa nalaman nang mabasa ko ang dokumento, Mr.Perez. What are you all thinking?" "Mr. Scott—" Napahampas siya sa mesa at tinititigan niya ang mga tao sa loob ng conference room. Napansin niya sa mga mata ng mga ito ang takot at kaba. "Don't talk nonsense to me, Mr. Perez. Sinong may sabi sa inyo na magplano kayo nang hindi ko man lang alam! If I were you, I would not do anything stupid in my resort because you have no idea what I'm capable of!" bulyaw niya sa mga ito. Nakapaglano na hindi man lang siya tinanong kung papayag siya o hindi. Kusa lang nagplano ang mga tauhan niya. Nalaman na lang niya kanina na magpapatayo ang mga ito ng bagong casino na katabi nila. Oh common! huwag nilang sagarin ang pasensya niya. Baka hindi nila makilala kapag sagad na sagad na talaga siya. "Kung ang iba makakaya niyong ipatalsik ng madalian, ako hindi. Madali naman akong kausap. Kapag maulit na naman itong pinaplano ninyo na hindi ako kasali ay maaari kayong lumabas at huwag kayong tatapak dito sa resort. Huwag na rin kayong magpapakita sa akin, baka hindi lang tanggal sa trabaho pati ang buhay ninyo papahirapan ko. Ayoko sa mga traydor na kasamahan. I'm warning you guys. Hindi ako katulad ni Papa na madali ninyong makakausap tungkol sa ganyan, pero ako hindi,” napatiimbagang niyang sabi sabay tayo. “Meeting adjourned!" Nauna na siyang lumabas sa conference room at tuloy-tuloy na lumabas sa resort niya. He needs to speak with someone who can assist him right now because he is unsure what to do with his mind. Puro Shannera na lang ang palaging sumasagi sa isipan niya. Kailangan niyang makita ngayon si Shannera. Hindi naman niya alam kung bakit, basta gusto lang niya makita ito. Kinuha niya sa bulsa ang kanyang personal cellphone at tinawagan niya ang kaibigan niyang si Trail. Mga ilang minuto lang ay sinagot naman nito ang tawag niya. "Trail, I need your help." [What is it?] "I need you to track down Shannera Coronel." [Give me 1 minute to find your girl.] Hindi na lang siya umangal sa sinabi ng kaibigan dahil baka tuksuhin na naman siya nito at sabihin sa kanyang baliw na baliw siya sa babaeng iyon. Hindi niya nga alam kung bakit gusto niya pang makita ito. Kung magkita naman sila ay palagi niya itong pinapahiya sa harap ng mga kasamahan nito. Napabuntong-hininga na lang siya at napatingala sa langit. [Do you like her?] Napamaang siya sa sinabi ng kabilang linya. "What are you trying to say, Trail?" [Sus, alam ko na iyan dahil pinagdadaanan ko na iyan, Scott. Kaya huwag kang magpaka-inosente diyan dahil alam kong may naramdaman ka na sa financial manager mo.] Napamura siya sa sinabi ng kanyang kaibigan kaya natawa ito sa inasta niya. Wala siyang naramdaman sa financial manager niya. Gusto niya ang child sweetheart niyang si Sandra. Walang makakapagpigil sa damdamin niya kay Sandra kahit pa si Shannera pa iyon. [If I were you, tell Shannera na gusto mo siya. Hindi iyong sisigawan mo na lang siya palagi at pinapahiya mo pa talaga siya sa harap ng mga tauhan ni Driego at pati na diyan.]- natatawang sabi nito sa kanya kaya agad na napakunot ang kanyang noo dito. Bakit nito alam ang tungkol sa pagpapahiya niya kay Shannera sa jewelry shop? Don't tell me… "Huwag mong sabihin na sinabi ni Driego iyan sa inyo?" napasimangot niyang tanong dito. [Dude, lahat kami alam na niyan dahil hindi mapipigilan ang bibig ni Driego. Kaya huwag ka nang magtaka sa pagkamatabil ng bibig no’n. Pero dude, seryoso nga tayo…bakit mo naman siya hinahanap? Bubulyawan mo naman siya at ipahiya sa iba. Kaya hayaan mo na siya.] Umiiling siya dito kahit hindi siya nito nakita. "No! Actually not! Hindi ko siya pinahiya sa harap ng mga tauhan ni Driego," tanggol niya sa kanyang sarili. Hindi naman talaga niya ginawa iyong pagpapahiya sa dalaga. Talagang nag-assumed ito na sa kanya iyon. [Hindi ba talaga?] may himig na pagdududa sa boses ng kaibigan niya kaya natahimik siya sa sinabi nito. Napaisip siya sa sinabi nito. Bakit nga ba niya parating sinisigawan si Shannera? Dahil sa gusto niyang mapansin siya nito o di kaya wala lang? [Napatahimik ka? Dahil totoo ang mga sinasabi ko sa’yo?] He heaved a sighed and say, "I don't know. Naguguluhan ako, Trail. Hindi ko alam kung bakit ko siya palaging nasa isipan ko at gusto ko siyang palaging nakikita. Pati ako ay nagtataka sa sarili ko. " Natawa ito sa kabilang linya. [Ang sabihin mo in love ka na sa kanya kaya gan’yan ang pakiramdam mo ngayon.] Napailing siya sa sinabi nito. "Mahal ko si Sandra, Trail. Kaya malaking pagkakamali na magkagusto ako kay Shannera." Rinig niyang napabuga ito ng hininga. [It’s up to you, Ramm. Ikaw lang ang makakaalam sa naramdaman mo at please lang huwag kang magsasalita ng masasakit sa kanya. Baka bigla na lang iyan aalis sa kompanya mo at hindi na magpapakita pa sa’yo. Anyway, nahanap ko na siya kung saan siya nagmamalagi ngayon. Nasa Hacienda Peligring sa Batanes.] Pabagsak siyang napaupo sa swivel niya nang binabaan na siya nito ng tawag. Kailangan na niyang makapunta roon ngayon din mismo. —--- SHANNERA Masayang nakikipag-usap si Shannera sa bago nilang mga tauhan sa Hacienda Peligring. Ngayon ay tinatawag na nilang Hacienda Coronel na pag-aari na nila. It’s been a week nang makuha na niya ang titulo dito sa hacienda. Masarap sa pakiramdam na umaasenso na ang kanilang negosyo at ito na ang pangalawang Hacienda ng pamilya nila. "Alam mo ma'am, kung hindi niyo pa binili ang hacienda na ito ay baka wala na po kaming trabaho dito. Akala nga po namin, kapag may bago ng nagmamay-ari ng Hacienda Peligring na ngayon ay tinawag ng Hacienda Coronel ay hindi kami makapagtrabaho sa Hacienda." Napangiti siya sa sinabi ni Aling Melinda. "Aling Melinda, hindi naman po pwedeng mawalan kayo ng trabaho dahil sabi ng dating pagmamay-ari ng Hacienda ay marami na kayong naitulong dito. Mga ala-ala na hindi ninyo kayang mabitawan katulad na lang po sa pagsasamahan ninyo. Naiintindihan ko ang naramdaman ninyo." Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda dahil sa sinabi niya at pati ang mga kasamahan nila sa hapagkainan ay nakangiti na rin. "Sige na, kumain na nga tayo baka magtampo pa ang grasya sa atin!" Nagsimula na silang kumain na hinanda pa ni Aling Melinda. "Masarap po pala kayong magluto, Aling Melinda." Hindi mapuknat ang ngiyi nito sa labi. "Kumain ka ng marami dahil para iyan sa’yo. Pasasalamat iyan sa kabutihan mo." Napangiti na lang siya dahil sa sinabi nito. "Huwag mo na akong tawaging Ma'am dahil nahihiya ako sa gan’yan. Tawagin niyo na lang akong Shanny." Napatango naman ito at kaagad namang pinagpatuloy ang pagkain nito ng alimango. "Shanny… " Napabaling ang atensyon niya kay Royce na isa sa may-ari ng malaking negosyo na tagagawa ng Fertilizer kaya nakilala niya ito. "Do you have boyfriend?" Natawa siya at pati ang mga kasamahan nila sa tanong ni Royce. "Wala, bakit mo naman naitanong iyan?" "Pwede bang manligaw sa’yo?" Akmang sasagot na sana siya nang biglang marinig niya ang boses ng boss niya. "She's not available," mariin na pagkakasabi nito kay Royce. "Sir Ramm, bakit po kayo naparito?" kaagad siyang napatayo at nanlalaki ang mga mata na napatitig siya rito. "Am I not welcome here?" Madilim ang mukha nito na ikinatigil niya. "Kaya ba nagmamadali kang umalis sa resort at hindi ka nagpapaalam sa akin ay dahil para makipaglandian sa lalaking ito?" Napapitlag siya sa pagbulyaw nito. Rinig na rinig niya na tinatawag siya nitong malandi. "Teka… maghinay-hinay ka sa pananalita mo. Nandito siya para—" "Shut up! Hindi ka kasali rito!" bulyaw nito kay Royce na masamang nakakatitig sa binata. Kung nakakamatay lang ang pagtitig baka nakabulagta na ngayon ang kakilala niya. "Pwede ba, Sir Ramm, kung pumunta lang kayo para insultuhin ako… pwede na po kayong makakaalis sa Hacienda ko," mahinang pagkakasabi niya, pero mariin. Napatigil ito at takang napatitig sa kanya. "What do you mean?" She sighed. Tinititigan niya ito nang mabuti. "Nandito ako para sa bagong Hacienda na binili ni Papa at mali kayo sa iniisip ninyo. Hindi ako pumunta dito at sayangin ang oras ko para makipaglandian. Ang pinunta ko dito sa Batanes ay para sa Paglipat ng pangalan sa amin at makuha ang titulo ng Hacienda Peligring. Hindi ko alam, kung ano ang pinagpuputok ng butse mo dahil sa totoo lang wala po kayong pakialam sa buhay ko, sir." Akmang lalapit na sana ito sa kanya nang umiiling siya. "No, sir. Huwag po kayong lalapit sa malanding babaeng katulad ko. Baka po madumihan ang malinis ninyong budhi." She can see the guilt in his eyes. Binabalewala lang niya iyon at tinalikuran na niya ang binata at pumasok na sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD