SHANNERA Napangiti si Shannera nang makitang maganda ang sikat ng araw ngayon. Kahit hapon na ay hindi siya nakaramdam ng init sa labas. Masarap din ang simoy ng hangin. Natigilan na lang siya sa paglalakad patungong barn nang makita niya ito. Hindi niya inaasahan na nandito ito sa mismong lugar nila na nagsisibak ng kahoy. Bigla na lang siyang nakaramdam ng inis nang makita niya ito. "Manang!" tawag niya kay Manang Cecelia. Alam niyang ito lang ang pwedeng magpapasok sa lalaking ito. "Ma'am!” Humahangos na dumating ito. "Manang, sinong nagsabi sa inyo na magpapasok kayo nang hindi kilalang tao?" salubong niyang kilay na tanong. "Ah Ma'am kasi…si sir po ang nagsabi dahil kilala raw niyo siya." Napapikit siya sa inis na nararamdaman niya ngayon. Akala niya ay umalis na ito sa baha