Pangalawang araw na nila sa villa at uuwi na sila mamayang gabi, kaya't sinusulit nang pamilya niya ang natitirang oras. Balak na niyang maliho ngayon dahil naudlot ang pagligo niya kahapon. This time she would wear a two piece black bikini.
Kung dati ay hindi niya kayang magsuot nang ganito, ngunit sa paglipas nang ilang taon ay natubuan na din siya nang confident sa katawan. It's already 8 am at hindi masakit ang init sa balat.
Nakapagbihis na siya at may suot na cover up nang lumabas nang kwarto. Ang pamilya niya ay nauna sa dagat kasama si Zeki. Paglabas niya nang pinto at sa bakod nang beach house ay hindi niya akalain na maraming turistang naglalakad sa tabing dagat. Hindi na kasi sakop nang pribadong villa ang parte nang pinaka-tabing dagat kaya malaya ang mga taong maligo kahit saan part nito gusto.
Linggo nga pala ngayon kaya siguro maraming turista. Nag alangan pa siyang hubarin ang sarong niya, mukhang umatras paalis ang confident na sinasabi niya kanina.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa tabing dagat at kinawayan ang mama niya na busy sa pagbabantay kay Zeki.
"Maligo ka na ma. Ako na magtitingin kay Zeki. " aniya nang makalapit.
"Hindi naman ako marunong lumangoy e. Ako na dito, mag enjoy ka nalang diyan at uuwi na tayo mamaya. Kaya sulitin mo na." Sambit nito na sumenyas pa ang kamay sa dagat. Ang anak naman ay masayang naglalangoy sa mababaw na parte.
"Sige ho."
Huminga muna siya nang malalim at nag dive sa dagat. Hindi na niya hinubad ang suot na sarong at manipis naman iyon. Hindi sagabal sa kanyang paglangoy. Saktong pag ahon nang ulo niya sa dagat ay si Callie ang nakita niya. Nakalutang ito sa tubig at nakapikit ang mata. Napangisi siya dahil may kalokohan siyang naiisip. Pagkakataon na niyang gumanti sa kapatid.
Saktong may waterlily na lumulutang malapit sa kanya kaya inabot niya iyom. Lumangoy siya palayo kay Callie at naghanda, pagkatapos ay hinagis niya mismo sa mukha nito ang waterlily.
Napahagalpak siya nang tawa nang biglang sumigaw ang kapatid.
"What the f**k!" Gulat na gulat nitong bulalas. Nakakatawa ang hitsura nitong parang nilumutan ang mukha.
"Lintik lang ang walang ganti!" Nilabas pa niya ang dila at binilatan ito habang tawa siya nang tawa.
"Akala ko ahas! f**k!" Nakasimangot ang mukha nang kapatid habang isa-isang kinuha ang waterlily sa mukha na nagkahiwa-hiwalay nang ibato niya kanina.
"Ano ka ngayon? kala mo ah." ngisi-ngising saad niya.
Tumalikod siya sa kapatid at lumangoy patungo sa mababaw. Mahirap na baka gumanti na naman ito nang mas matindi kesa sa ginawa niya.
Saktong paahon na siya nang mahagip nang kanyang tingin ang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Nakasuot ito nang board shorts at walang pang itaas na damit. May kausap itong sexy na babae at ngiting-ngiti pa. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ang inis sa nakikita. Lalo na dahil panay ang haplos nang babae sa dibdib ni Keanno. Mukha itong hollywood model dahil sa ganda nang katawan. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila dati. Nahawakan at-- Napailing siya sa naiisip.
erase! erase!
Napansin niya din na may tao na pala sa katabing beach house nila. Mukhang ang babaeng kausap ni Keanno ang may-ari, kaya napadpad ito malapit dito.
Saktong lumingon ito sa kanyang gawi kaya nahuli nitong nakatingin siya. Mainit at mabigat ang tingin nito sa kanya kaya iniba niya agad ang tingin at nagpatay malisya. Nag init din amlng pisngi niya at biglang na concious sa suot. Ang sarong niya ay basang-basa at mas klaro ang suot niyang black two piece.
Si Zeki pala at ang mama at papa niya ay nauna nang pumasok sa villa. Siguro ay ginutom na naman ang anak kaya't umahon agad. Malamang ay mamaya pa iyon pababalikin nang ina dahil nagsimula nang sumakit ang sikat nang araw.
Mabuti naman at hindi niya kelangan kabahan. Akalain mong hanggang dito sa Batanggas ay sinusundan siya nang konsensya niya. Mukhang hindi kampi ang tadhana sa kanya na itagonang anak sa ama nito.
Ang kapatid naman ay hindi niya makita sa dagat kaya malamang umahon na iyon at baka na badtrip sa ginawa niya kanina.
Nilingon niya ulit si Keanno ngunit wala na ito roon. Pasimple siyang luminga-linga sa paligid at hinanap ito.
Saan naba yon?
"Are you looking for me? Sasa?" May biglang magsalita sa kanyang likod.
"Ay p*tang ina!" Napahawak siya sa dibdib sa sobrang gulat. Kahit hindi sanay magmura ay napamura talaga siya nang malutong.
"Watch your mouth woman."
"E kasi, kayo naman sir, bigla nalang kayong nanggugulat diyan."
"Where is your husband?" sa halip ay tanong nito.
"Why are you always looking for my husband in the first place?" Palagi kasi nitong tinatanong kung saan daw ba ang asawa niya, nakakarindi!
"If I were your husband, I won't let my wife alone in here wearing that skimpy bikini." Maaligasgas ang boses nitong sabi.
"Look at the men around you, sarap tusukin ang mga mata. Damn!"
Ang mukha nito ay mukhang problemado habang nakatinginsa suot niya.
Napatingin naman siya sa mga lalaking naroon. Ang iba nga ay iba ang titig sa kanya. Hindi niya napansin kanina dahil wala naman siyang pakialam.
Tsaka, as if naman na hindi niya ito nakita kanina na nakikipaglandian sa sexy'ng babae!
"Hindi naman seloso ang husband ko no!" Bahagya pa siyang umirap sa sinabi.
"But I am."
"Huh?"
Nangunot ang kanyang noo dahil hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.
"Pumasok kana sa loob Sasa. before I forget that you already owned by someone." Mahina nitong sabi. Ang kulay abo nitong mata ay parang tagos sa kaluluwa niya kung tumingin.
Mas lalong nalito ang utak niya sa sinabi nito.
Kahit labag sa loob ay tumalikod siya. Ang kakaibang t***k nang kanyang dibdib ay hindi niya mawari kung para saan.
Iniwan niya ang lalaki doon na nakatanaw sa kanyang paglalakad. Wala talaga siyang maintindihan sa sinasabi nito o mas tamang sabihin na ayaw niyang intindihin.
Kahit sarili nga niya ay naguguluhan siya. Kung bakit sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay nag iiba nang ritmo ang puso niya. Mas nadagdagan pa ata ang problema niya. Kung dati ay problema lang niya kung paano itatago ang anak, ngayon ay pati yata puso niya ay kelangan niyang rendahan.
Kung bakit ba kasi sa tuwing nagkikita sila ay napaka perpekto nito? Pati kulay abo nitong mga mata ay nilulunod siya.
Hay! Sasa, kumalma ka!
gagad niya sa sarili habang papasok sa bakod nang beach house.