Tumingin si Sasa sa wall clock na nakasabit sa ibabaw nang wall ng opisina. Thirty minutes, before five o'clock in the afternoon. So meaning, malapit na yong out niya. Nagsimula na siyang magligpit nang kanyang gamit at sinalansan ang mga papel na nakalatag sa mesa niya. Maingay na ang ibang katrabaho at may kanya-kanyang tsismis. Hindi naman sa wala siyang ka-close na katrabaho, ayaw lang niyang maki-tsismis lalo na't ang topic madalas ay kung gaano ka gwapo ang chairman nila o iyong nagpuntang investor dito na si Keanno Valderama. Sakto pagtatak nang alas singko ay nagsipulasan ang mga ito at sabay dampot sa bag sa mga sariling cubicle. Tumayo narin siya mula sa kina-uupuan at naghanda nang umalis. Naglalakad siya sa hallway patungo sa elevator at nakipagsiksikan sa ibang empleyado