Sasa'SPOV-- Kulang ang sabihing, nanlaki ang mata ni Sasa sa ginawa ni Keanno, hindi niya napaghandaan ang gagawin nito. Hinalikan lang naman siya nang lalaki! Mabuti nalang ay wala sa bahay ang mga magulang niya dahil bumisita sa Bicol para salubungin ang kapatid nang kanyang ama na nakauwi galing Dubai, at kasama nang mga ito si Zeki. Dilat na dilat ang mata niya at parang nanigas sa kinauupuan. Hinawakan nang lalaki ang baba niya at pinag-igihan pa ang paghalik. Napanganga siya nang wala sa oras dahilan upang magkaroon ito nang pagkakataong galugarin pang mabuti ang loob nang bibig niya. Hindi niya malaman kung itutulak ito O hahawak sa dibdib nang lalaki. Feeling niya ay matutumba siya anumang oras. Nakakapang hina ang mga halik na ibinibigay nito. Nalalasahan din niya ang alak