Episode 7

1147 Words
Alas kwatro na nang hapon at naisipan niyang maglakad-lakad sa dalampasigan. Tulog ang anak niyang si Zeki dahil napagod sa halos maghapon nitong pagligo sa dagat. Ang mga magulang niya ay ganon din, nasa sarili nilang suit sa villa at nagpapahinga. Si Callie ay hindi niya alam kung nasaan, siguro ay busy na iyon ngayon sa pambababae. Nang makontento sa suot niyang shorts na hanggang hita at crop top na nude color ay nagpasya na siyang lumabas. Nakasuot lang din siya nang havaianas na tsinelas sa paa. Balak niyang bitbitin iyon kapag nasa buhanginan na siya. Ang buhok niyang nililipad nang hangin ay tumatabing sa kanyang mukha pero hindi na niya pinansin iyon. Nawili siyang sipatin ang mga magagandang parte nang beach. Malinis at puti ang kulay nang buhangin kaya nakayapak lang nalang siya. May mga rock formation din sa gilid na isa sa mga nagbibigay nang ganda sa paligid. Hindi na nga niya namalayan na malayo na pala ang nalakad niya at may kalsada na siyang nakikita. May mga beach house parin naman siyang nakikita pero hindi katulad noong sa villa na tinutuluyan nila. Mas maganda at malaki ang mga beach house sa bandang iyon, halatang mayayaman ang may-ari. Sa kanyang harapan nga ay may villa na halatang walang tao dahil tahimik. May nakita din siyang duyan sa katabi nang bakod nang beach house. Dahil medyo nakaramdam siya nang sakit nang paa ay naisip niyang baka pwede muna siyang makiupo roon. Wala namang tao at sandali lang naman siya. Naglakad siya palapit sa duyan at napabuga nang hangin dahil sa sarap nang pakiramdam na makaupo. Bahagya pa siyang humiga at tinulak ang duyan gamit ang isang paa. Hanggang hindi niya namalayan na nakatulog na siya doon sa duyan at may taong nagbukas nang pinto sa harap ng villa na iyon. Sa panaginip ni Sasa ay may lumapit na lalaki sa duyan kung saan siya nakahiga. Dahan-dahan niyang minulat ang mata dahil naramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya. Ngunit dahil sa sinag nang araw ay napapikit siya ulit. Kinusot niya at pinilit idilat ang mata. Una niyang napansin ang katawan nang taong nakatayo sa harap niya. Base sa katawan nito ay lalaki. Matangkad at kayumanggi ang balat. Malabo ang parte nang mukha nito kaya't hindi niya masyadong makita. Tinaas niya ang kamay at nilagay sa itaas nang noo, nais niyang maaninag nang mabuti ang lalaki kayat pinasingkit pa niya ang mata. Nananaginip pa ba ako? Bakit pamilyar ang mukha nang lalaking nakatayo sa harap ko? Bumaba sa leeg nang lalaki ang titig niya. Ngayon lang siya na sexyhan sa adams apple nang isang lalaki. Napalunok din tuloy siya nang rumolyo ang bukol niyon sa leeg nito. Napansin din niya ang malapad nitong balikat at malalaking braso. Wari ni Sasa ay natuyo ang lalamunan niya. Ngayon lang ulit siya nakaramdam nang ganito sa isang lalaki. Parang bigla ay ayaw na na niyang magising sa panaginip na iyon. "Miss? Ms Guevarra? Sasa Hey! Are you okay?" Para siyang binuhusan nang malamig na tubig nang marealized na hindi siya nananaginip! Holyshit! Napatuwid siya bigla nang tayo at humarap sa lalaking kanina pa pala siya ginigising. Para lang mapahinto nang makilala ang lalaki na akala niya ay nasa kanyang panaginip. Kaya pala mukhang pamilyar ito sa kanya! "S-sir.. a-ahm, Sorry po, nakatulog po ako." Hinawakan niya nang dalawang kamay ang mukha at yumuko dahil sa hiya. "What are you doing here?" Seryoso nitong tanong. "A-ano, nag outing kami nang pamilya ko sir, naglakad-lakad kasi ako at hindi ko namalayang napalayo na pala ako." Pinilit niyang maging kaswal ang boses. Tinanong din niya kung bakit ito narito at napag alaman niyang pag mamay-ari nang lalaki ang bahay sa harap nila at naisipan din nitong magrelax, at 'yon nga naabutan siya nitong natutulog sa duyan sa labas nang beach house nito. Coincidence talaga at may bahay bakasyonan pala ito malapit din sa kanila. "I supposed your husband is looking for you right now." Parang mapakla ang pagkakasambit nito nang husband. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito at napalaki naman bigla ang mata nang marealized ang ibig nitong sabihin. Ang akala pala nito ay may asawa na siya! Muntik na niyang makalimutan! "Ay! oo sir, kelangan ko nang bumalik doon at hinahanap na ako nang a-asawa ko. " Medyo pumiyok pa siya sa huling salitang binanggit. "Okay Mrs. Guevarra." Napangiwi pa siya sa tinawag nang lalaki sa kanya. Mrs Guevarra, kung alam lang nito ang totoo! "S-sige ho, alis na ako." Sinenyas pa niya ang kamay sa direksyon kung saan siya maglalakad pabalik. Hindi naman na ito sumagot kaya tumalikod na siya. Bahagya pa siyang yumuko sa buhanginan para kunin ang kanyang sapin sa paa. Mas komportable mas madaling makakarating pauwi. Nagmukha siyang may stiffneck sa klase nang kanyang lakad. Kahit kasi nakatalikod ay ramdam niya ang titig nang lalaki sa kanyang likod. Gusto niya sanang lumingon ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang panindigan ang desisyong ito, at isa ay nahihiya parin siya sa naabutan nito tulog sa duyang pag mamay-ari pala nang lakaki. Sa wakas ay nakarating na siya sa villa nila nang pamilya. Hindi siya napagod sa paglalakad mas tamang sabihing hinihingal siya dahil hanggang ngayon ay mabilis parin ang kabog nang kanyang dibdib. Kung sino pa iyong taong pilit niyang iniiwasang makita ay iyon naman palagi ang nakikita niya. Nyeta! Kahit dito sa batanggas ay hindi pinalagpas ni tadhana. Kasalukuyan siyang nag-iisip nang biglang may bumulaga sa kanyang likod. Hinawakan siya sa balikat at biglang sumigaw. " Aaaaaaahh! Bwesit ka!" Sigaw niya pabalik. Tinawanan lang siya nang lalaki na napahawak pa sa tiyan habang patuloy ang halakhak. Nang makabawi ay hinampas niya nang kanyang dalang tsinelas ang kapatid na walang habas siyang ginulat. Nagtatatakbo naman ang hudas papasok sa villa habang hinahabol niya ito. Parehas silang hingal nang makarating sa loob ngunit hindi niya parin ito naabutan. "Mukha kasing nalugi yong mukha mo kanina Sasa. May problema ba?" Sabi ni Callie habang nakaupo na siya sa sofa at nagpapahinga. Napalingon siya sa tanong nito at napakunot ang noo. "W-wala. Ba't mo naman nasabi?" Pagkakaila niya sa kapatid. Hindi naman niya pwedeng sabihin ang tungkol sa tatay nang anak niya, baka hindi ito makatiis at sugurin nito si Keanno Valderama at barilin. "Sigurado ka?" Pananantya ni Callie na hindi kumbinsido sa sagot niya. "Oo naman no. Tumigil ka nga, ang seryoso nito, paluin kita nang tsinelas diyan e." Nilangkapan niya nang mahinang tawa ang sinabi para ipakitang wala talaga. "Sabi mo e. Sige akyat mona ako at napagod ang powers ko sa chicks." Mayabang pa itong nag flex nang braso sa kanyang harapan. "Yuck! kadiri ka talaga kahit kailan Callie!" Tama nga ang sabi niya kanina na nambabae ito. Tsk! Kawawa talaga ang mga babae sa kapatid niya. Gwapo nga babaero naman! Napa-iling nalang siya at sumunod dito paakyat. Baka gising na Zeki at hinahanap na siya sigurado nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD