Isang araw nalang at bukas na ang event gaganapin. Iniisip palang niya ay kinakabahan na siya. Bakit nga ba hindi? Naalala niya ang huling pag uusap nila ni Keanno noong isang araw tungkol sa pagiging date niya sa party. Noong gabing hinatid siya nang lalaki ay wala siyang naibigay na sagot dahil nagmamadali siyang makalabas nang sasakyan. Hindi-hindi niya makakalimutan ang pinag-usapan nila. Nang bigla nalang itong sumulpot sa canteen nang kompanya. FLASHBACK-- Kumakain siya nang matiwasay sa canteen nang pinagtatrabahuan, dahil wala siyang dalang baon. Gutom na gutom na ang mga bituka niya sa tiyan dahil hindi siya nakapag agahan sa bahay nila dahil late siyang nagising. Wala na din siyang oras mag breakfast kaya halos tumakbo siya palabas nang kanilang bahay para hindi ma late.