Bumyahe na sila pauwi, Ilang oras nalang ay makakarating na sila nang bahay. Sa sasakyan ulit sila nang kapatid sumakay. Tulog na tulog ang anak niya sa tabi niya hindi katulad noong papunta palang sila na hindi ito mapakali at excited. Alas singko na nang hapon at papalubog na ang araw sa silangan. Medyo nakaramdam siya nang antok pero pilit niya iyong nilalabanan dahil nasa kandungan niya ang ulo nang anak. Tahimik lang ang kapatid niya habang nagmamaneho at wari may malalim na iniisip. "Okay ka lang?" Hindi nakatiis na tanong niya. Matagal itong sumagot at at tiningnan lang siya sa may salamin sa harap nang sasakyan. "Hoy! ang creepy mo. Bakit ka tahimik?" pangugulit niya. "Sasa, do you have plans on telling Zeki about his father?" Nabigla siya sa tanong nito at hindi agad