Chapter 28 ❤️ Walang kagatol gatol na lumakad palapit si Brandy sa grupo ng mga lalaking yun na may mga kasamang babae, naghaharutan, naghahalikan. Nang malapit na sya ay eksaktong tumayo si Nyx mula sa kinauupuan habang hawak ang belt. Mukhang pupunta sa banyo ang taksil. Kinalabit niya ito nang hindi pa tumuloy sa banyo at nakipagdaldalan pa ng saglit, at nakipag halakhakan habang ang babae ay humawak sa braso nito kaya lalo syang nanggigil. Sasama yata sa banyo ang demonya! Pumihit ang binata. "Yes? Do I know you?" tanong nito nang bahagya syang matingnan. Ah! Do I know you pala? "Oo!" aniya. At hindi sapak ang inabot nito mula sa kanya kundi suntok. "Aray!" sigaw nito at nahawakan ang pisngi. Parang naalog pa ang ulo nito nang hindi napaghandaan ang suntok niya. Malamang kasi