Chapter Ten ❤️ Dahil sa mapagmahal na kamay ng yaya ni Brandy ay wala na ang pamamaga ng mukha niya. Wala itong tigil sa kaaasikaso sa kanya hanggat hindi humuhupa ang pisngi niya. She made herself to be the most beautiful daughter for the party, na kahit sikat sya sa mga halos hubad nyang litrato, at least ngayon makita naman ng tao na maganda pa rin sya kahit may damit. She chose to wear a decent cocktail dress, hindi iyong masyadong bold and daring. Pero mas may bold pa ba sa dibdib niyang naka expose pa rin sa heart shape cocktail dress na pinasadya niya? It's part of her. Di nya yun maitatago at di rin naman siguro nya kasalanan na binigyan sya ng Dios ng magandang katawan. Wala silang imikang mag-ama nang sumakay sila sa kotse. Magkatabi nga sila pero parang wala naman siya roon