Chapter Eight ❤️ Rinig na rinig kaagad ni Brandy ang tugtog nang bumungad sya sa pintuan ng bar. Sa hindi inaasahang Pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong, Damang dama na ang ugong nito Nahawi ang mga lalaki nang pumasok siya sa loob. She's known as the most beautiful b***h sa Sasha Bar and Grill. Mapanakit siya sa taong ayaw niya na lumalapit sa kanya. Naupo kaagad sya sa isang bakanteng mesa at kaagad naman na may lumapit sa kanyang waiter dala ang alak nyang palaging iniinom. Di naman sya nagpapakalasing, just enough to make herself calm and peaceful para pag-uwi nya diretso tulog na sya. Dagdag na rin na pampaantok ang mga senti songs na tinutugtog ng live band doon kapag ganoon na medyo late na. Nagsasayawan na lang ang mga naroon na magkakayakap at ang iba ng