THE MISTRESS HUNTERS---- iyon ay ang ipinangalan nila sa kanilang grupo dahil ang trabaho nila ay ang hanapin ang mga babaeng sumisira ng pamilya. Sa madaling salita ang hinahanap nila ay ang mga kabit.
Nang una ginagawa lamang nilang katatawanan. Gusto lang nilang maglaro ng mga kapatid niya at magpipinsan pero ng kalaunan ay naging seryosong trabaho na nila. Nagmistula mga detective na hinahanap ang mga kabit ng kanilang mga mister. Challenging ang kanilang trabaho dahil iba't ibang tao ang kanilang nai-encounter. Iba't- ibang problema ng pamilya at marami rin silang nakikilalang mga babaeng makakapal ang mukha na gustong-gustong manira ng pamilya. Sabagay, may pinaghuhugutan din naman siya dahil ang ama niya ay nahumaling sa kanyang kabit at nagpakamatay ang ina nila. Hindi nakaya ng ina nila ang lahat ng piliin ng ama nila ang kanyang babae kaya--- heto siya ngayon----- leader ng THE MISTRESS HUNTERS, at your service.
Ivan Villarica, tall, dark and handsome. Single and ready to mingle...Nakakalaglag panty kung tumingin. His look is ferocious and exciting. His eyes soften with a combination of desire and affection, creating a thrilling connection that sends goosebumps down your spine. Lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki ay makikita mo kay Ivan.
"Pulis ka ba? Dahil ang alam ko, hindi ito interrogation. Anong pakialam mo kung kabit ako? Nasasaktan ka ba o baka naman nagseselos ka?" tanong sa kanya ng babaeng kaharap niya kung kaya napaangat ang kanyang kilay.
Hindi niya talaga kinakaya na may mga ganitong klaseng babae. Masyadong mataas ang bilib sa sarili. Nakakalungkot lang talaga at may mga pamilyang nasisira dahil sa mga tulad nito...
Well, maganda naman ito. Mukha rin namang may pinag-aralan pero bakit kailangan pumatol ng mga ito sa mga lalaking pamilyado na? Sa lalaking may mga anak na?
"Kilabutan ka nga Miss sa mga pinagsasabi mo. Hindi ikaw ang babaeng pinapangarap kong iharap sa altar," sagot niya sa kaharap.
"Wow ha? Sakit non!"
"Bakit? Umaasa ka ba na pakakasalan ka ng lalaking nilalandi mo ngayon?" tanong niya pa. "Nakalimutan mo na yatang may asawa siya at mga anak."
"Kung inutusan ka ng asawa niya ay mabuti pang tumigil ka na. Hindi mo ba alam na maimpluwensyang tao si Anton at kapag nagsumbong ako sa kanya tungkol sa nangyayaring ito ay tiyak na malalagot ang asawa niya. Gusto mo bang mapahamak siya o baka gusto mo naman na mawalan ng ama ang mga anak niya? Kung ako sayo ay tumigil ka na at maghanap ka ng ibang mapagkikitaan mo dahil hindi mo kami mapeperahan ni Anton. Naintindihan mo?" pananakot pa sa kanya ng babae.
"Talagang matigas ka ano? Anong gusto mo? Ipadala ko ang mga larawan ninyo ni Anton sa pamilya mo para malaman nila na ang anak na inaakala nilang matino ang trabaho rito sa Maynila ay naninira ng pamilya. Gusto mong gawin ko yun?" tanong niya pa sa babae kung kaya natigilan ito. Bigla itong natakot.
"No! Don’t do that!" sagot sa kanya ng babae na biglang natakot. "Anong gusto mong gawin ko? You won!”
"Hiwalayan mo si Anton dahil may pamilya kang nasasaktan. Kawawa naman ang asawa niya na patalikod ninyong sinasaksak. Isa pa, may mga anak sila at ikaw---- bata ka pa. May bukas pa na naghihintay sayo. Hindi mo kailangan na maging parausan lamang."
"Pero mahal ko na si Anton."
"Maraming pwedeng mahalin. Pwede kang mamili ng mamahalin. Doon ka sa lalaking kaya kang panindigan at hindi itinatago lamang," pangaral niya pa rito nagulat na lamang siya ng umiyak na ang babae sa kanyang harapan. Hindi ko magawang maawa sa kanya. Hindi dapat kaawaan ang mga kabit.
"Ito ang tseke na pinabibigay ng Misis niya. Five hundred thousand 'yan. Sapat na para magbagong buhay ka," ani niya pang iniwan ang tseke sa upuan ng kotse nito. Aalis na sana siya ng tuluyan nang may naalala siya at muling hinarap ang babae. "Ayoko ng makita ka pa ulit. Naiintindihan mo?"
Tumango sa kanya ang babae bago nito pinaharurot ang sasakyan palayo. Napailing na lamang siya na bumalik sa kanyang sasakyan. Deretso siyang nagtungo sa opisina. May kaalaman naman silang lahat sa pagiging detective bago nila pinasok ang The Mistress Hunters. Lahat sila ay nagtapos ng criminology yun nga lang ay hindi sa presento ang kanilang tuloy kundi sarili nilang opisina.
"Mission accomplished," wika niya sa kapatid na si Gold. Ito ang nakatao ngayon sa office. Si Gold ang sumunod sa kanya. Apat silang magkakapatid at nag-iisa lang ang kapatid nilang babae na ngayon ay kasali na rin sa grupo nila. Criminology rin ang kinuha ng mga ito.
" Congrats! Akala ko ay aabutin na naman ng isang buwan yang kaso mong hawak," pang-aasar pa sa kanya ni Gold kaya natawa na lamang siya.
"Alam ko na ang technique para sa mga kabit na yan. Syempre takot din naman sila na makaladkad ang pangalan nila kaya ayun, tinanggap niya rin ang pera na inalos sa kanya ng legal na asawa pero alam mo------ bilib ako sa misis ng Anton ‘yun. Isipin mo ha? Nagbigay pa talaga ng pera sa kabit. Paano niya nasisikmura yun? Ano yun---- siya pa ang talo? Siya na ang niloko, siya pa ang nagmamakaawa at may pabuya kay kabit,” napapailing niyang kwento sa kapatid.
"Ganyan talaga ang nagmamahal, kung minsan bulag sa ginagawa ng partner nila."
"Whatever! Katangahan yan!"
"Magmahal ka na muna bago mo sabihin ‘yan okay?" wika pa ni Gold sa kanya.
"Kung magmamahal ako hindi ako tutulad kay Tatay. Hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko dahil sa mga babaeng bayaran na yan!" inis niyang sagot.
"Ewan ko sayo!"
"May bago ba tayong client?" tanong niya upang maiba ang usapan.
"Wala pa naman."
"Mabuti naman at napagod ako sa kakahunting dito sa huli kong trabaho. Gusto ko naman mag-unwind."
"Hindi pwede dahil ikaw ang magbabantay rito dahil may date ako!" sagot ni Gold sa kanya.
"Ano?"
"Oo kaya ikaw naman ang makipag-usap sa mga kliyente natin. Isang linggo na rin ako rito."
Napabuntong-hininga siya.
"Ngayon lang, okay?"
"Oo!" sagot pa ni Gold sa kanya sabay tayo at nagligpit ng mga gamit nito.
Wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ang kapatid niya. Mamayang gabi na lang siya aalis. Gusto niya naman bigyan ng award ang sarili lalo na at two hundred thousand din naman ang kinita niya sa asawa ng Anton na ‘yan. Gusto niyang magpakalunod sa alak at syempre sa babae na rin. Ang sarap kaya maging binata. Malaya sa lahat ng problema. Natigilan siya nang tumunog ang telepono kaya sinagot niya iyon.
“Good afternoon. This is TMH office may I help you?” bungad niya kaagad. Pinasosyal lang naman nila ang The Mistress Hunters.
“Pumapatay ba kayo ng kabit?” tanong ng kanyang kausap sa kabilang linya. Isang babaeng galit ang kanyang kausap.
“Po?”
“Pumapatay ba kayo ng kabit?” ulit pa nito.
“Sorry Maam pero hindi po kami mamamatay tao,” sagot niya kaagad.
“Five million kapalit ng buhay niya,” dagdag pa nito sa kabilang linya. Napalunok siya sa malaking pera na inalok ng kanyang kliyente. Bigla siyang kinabahan.
“Eh---hh Maam pasensya na po talaga kayo pero po hindi po kami mamamatay tayo. Ang ginagawa lang po namin ay ang alisin sa landas ng mga misis ang kabit ----
“Ten million!” sigaw ng kanyang kausap kaya natigilan siya. Napakalaking pera ang offer sa kanya. Kapalit ng ano? Buhay ng kabit? “Bibigyan kita ng isang linggo para pag-isipan ang offer ko sayo at tatawag ako ulit. Ipapadala ko rin sa email ninyo ang anay na sumisira sa buhay namin,” dagdag na wika ng kanyang kausap bago nito binaba ang tawag.
Sa kaba ay napasign of the cross na lamang siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi niya yata magawang pumatay ng tao dahil lamang sa ten million na inaalok sa kanya. Naisip niya bigla si Gold o di kaya ang mga kapatid niya at mga pinsan. Paano kung ito ang makasagot ng tawag ng babaeng yun? Hindi kaya matukso ang mga ito? Huwag naman. Hindi sila kriminal. Matitino silang tao at tumutulong lamang na hindi mawasak ang isang pamilya.