CHAPTER TWENTY FIVE

1513 Words
WALA man siyang relasyon kay Ivann ay alam niya sa kanyang puso na mahalaga na sa kanya ang lalaki. Masaya siya kapag ito ang kanyang kasama at lalong masaya siya kapag nagsasanib na ang kanilang mga dibdib. Nararamdaman niyang mahalaga siya sa lalaki lalo na ngayon na nasa panganib ang kanyang buhay. Itinaya ni Ivann ang sarili para sa kanyang kaligtasan na kung titingnan mo ay wala naman itong pakialam sa kanya lalo pa at isa siyang kabit-----pag-aari ng isang lalaking may asawa na. Hinatid ng tanaw ni Candice si Ivann na pumasok sa sasakyan nito. Madaling araw na itong nakaalis lalo na at tulog na ang mga kasama niya sa bahay. Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti habang inaalala ang matamis na nangyari sa kanilang dalawa ni Ivann----kung paano nila pasayahin ang isa't isa at wala siyang pinagsisisihan kahit pa ilang beses niya nang ibinigay ang sarili sa lalaki. Nagiging masaya siya kapag kasama niya ito pakiramdam niya ay kumpleto ang kanyang p********e kapag ito ang kanyang kaniig. Ibang-iba kay Frank. Ang ngiti sa labi niya ay nawala rin lalo na at naisip niya na hindi pwede maging sila ni Ivann. Hindi siya ang babaeng nararapat dito. Nadumihan na siya ni Frank---dumi na hindi na maalis-alis pa kahit pa ilang beses siyang maligo. Pabalik na sana siya sa kanyang kwarto upang matulog nang bigla niyang makita si Nimfa. Nagulat pa siya rito. "Bakit gising ka pa?" tanong niya kay Nimfa. "Masama sayo ang nagpupuyat lalo na't buntis ka." "Sino ang kasama mong lalaki sa kwarto mo ate? Nakita ko kayo at nakita ko rin siyang lumabas ng bahay," tanong sa kanya ni Nimfa kung kaya hindi siya nakasagot. "Hindi ko alam ang tinutukoy mo Nimfa. Wala naman akong kasamang lalaki," pagsisinungaling niya pa. "Alam ko ang nakita ko ate. Boyfriend mo ba siya?" tanong pa nito kung kaya wala na sigang kawala pa. Buking na siya. "Hindi ko siya boyfriend. May pinag-usapan lang kaming dalawa. Ayoko lang kasi na makita siya ni tita, baka mamaya kung ano ang isipin." "Pero ate pinapasok mo siya sa kwarto mo... Ibig sabihin ay may relasyon kayong dalawa. Paano kapag nalaman ito ni Frank? Baka mapatay ka niya ate," ani pa ng kapatid niya na biglang nag-alala sa kanya. "Halika sa kwarto mo, dun tayo mag-usap," yaya niya sa kapatid kaya tumango ito at pumasok sa kwarto nito. Sumunod naman siya sa kapatid. Siguro naman ay maiintindihan nito kung ano ang kanyang pinagdadaanan. Isa pa hindi niya naman boyfriend si Frank...Wala lang siyang magawa kaya pinatulan niya ang lalaki. "Ang nakita mo kanina ay si Ivann. Wala kaming relasyon pero meron kaming unawaan---- yun nga lang ay hindi pwede. Alam niyang kabit ako ni Frank. Sa tingin mo sinong papatol sa akin? Mabait si Ivann, Nimfa at hindi ako nararapat para sa kanya," malungkot ang boses na dagdag niya pang wika. "Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo ate. Kung may magagawa lang sana ako ay hindi mo kailangan pagdaanan ang lahat ng ito. Alam ko naman na ginagawa mo lang ito dahil gusto mong makalaya si daddy at gusto mong mabuo ulit ang pamilya natin. Nalulungkot lang ako dahil hindi ko nakikita ang saya sa mga mata mo kapag si Frank ang kasama mo. Kung may paraan lang sana ate-- gusto kong lumayo na lang tayo rito sa Maynila... Malayo sa lahat lalo na't malayo kay Frank." "Bakit mo ba nasasabi ang lahat ng 'yan? Okay lang ako Nimfa. Lahat naman ay kakayanin ko. Wala akong hindi kakayanin para sa pamilya natin at lahat ay gagawin ko makalaya lang ang daddy. Kung lalayo tayo ng Maynila anong magiging buhay natin? Paano ang pag-aaral mo?" tanong niya pa. "Paano ka ate? Habang buhay kang magpapatali kay Frank? Hindi siya tao ate at habang buhay kang matatali sa kanya." Napatingin siya kay Nimfa. Ang takot at pag-aalala ay nakikita niya sa mga mata ng kapatid. "Okay lang ang ate. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano pa. Kaya ko si Frank. Kaya ko siyang paikutin sa mga palad ko." "Wala namang ibang dapat sisihin kung bakit nakulong ang daddy. Kung hindi niya sinilaw si daddy sa pera at sa mga illegal nilang gawain sana kasama pa natin ang daddy ngayon. Isa pa,hindi naman natin kailangan ng pera. Kaya nating mabuhay ng simple lamang." Pinisil ko ang kamay ni Nimfa. Sana nga ay ganoon lang kadali ang lahat pero hindi. Hanggat baliw sa kanya si Frank ay hindi sila nito titigilan. "Aminin natin, ginusto rin ng daddy ang kanyang ginagawa 'yun ay para mabigyan tayo ng magandang buhay. Ginawa lahat ng daddy para sa akin---lalo na sa aking pag-aaral, but it's too late. Nakakulong siya ngayon dahil sa illegal niyang trabaho at ako naman nakakulong kay Frank. Wala ring nangyari sa kanyang paghihirap." "Galit ka kay daddy?" tanong pa ni Nimfa sa kanya. "Hindi, bakit?" "Ako, galit ako sa kanya ate. Kung hindi siya nagpasilaw kay Frank ay wala tayo sa sitwasyon natin ngayon. Pati sa school namin tinatawag nila akong anak ng kriminal, kahit nga mga kapitbahay natin ay pinagtatawanan tayo. Wala akong mukhang maiharap sa kanila dahil totoo naman lahat ng sinasabi nila. Ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi dapat kay daddy," ani pa ni Nimfa kung kaya natigilan siya. Hindi niya alam na may galit pala ito sa ama nila pero siya gustuhin niya nanng magalit sa ama ay hindi niya magawa. Hindi niya magawang sisihin ang ama kahit na marami itong ginagawa na mali. Hindi niya naman ito masisisi dahil alam niyang gustong gawin lahat ng ama para yumaman at para ipamukha sa tunay niyang ina ang lahat. Bigla niya tuloy naalala ang pag-aaway ng kanyang ama. "Ang mahirap sayo talunan ka!" sigaw ng kanyang ina na si Mercedes sa kanyang ama na si Arthur. "Puro ka asa sa mga kamag-anak mo. Anong gusto mong ipakain sa amin ng anak? Panumbat ng mga kamag-anak mo? Kung ikaw ay walang pakialam kahit na nilalait na ng mga kamag-anak mo ako ay meron.. May kahihiyan ako Arthur. Magkaiba tayo. Hindi ko iisa sa ibang tao ang kinabukasan ng pamilya ko. Kung may isa man akong pinagsisisihan yun ay ang pinakasalan kita!" sigaw pa ni Mama. Nang panahon kasi na 'yon ay walang trabaho si daddy pero hindi naman ito nagkulang sa amin kahit papaano may mga sideline rin ang daddy. Hindi lang talaga makuntento ang kanyang ina at palaging hinahanapan ng malaking kita ang ama. "Anong gusto mong gawin ko? Gumawa ako ng masama para magkapera at para maibigay ko ang mga gusto mo? Lahat ginagawa ko Mercedes." "Pero kulang pa rin. Ginagawa mo nga ang lahat pero kulang pa rin. Lahat ng ginagawa mo ay kulang! Sa anak mo pa lang ay hindi mo na maibigay ang kanyang mga pangangailangan paano kapag nagkolehiyo 'yan? Ang mahirap kasi sayo madali kang makuntento sa kung ano ang meron ka. Hindi ka marunong mangarap. Kailangan itulak kita para gawin mo ito at gawin 'yan!" "Lahat naman ay hindi sapat sayo Mercedes. Walang sapat sayo at palaging kulang. Kailan ba kita mapapasaya?" "Kapag nakahiga na tayo sa pera at kapag hindi na tayo nangungutang sa mga kamag-anak mong matapobre. Huwag mong hintayin ang magsawa ako sa lahat ng ito Arthur dahil pasensyahan tayo, ilang taon na akong nagtiis sa piling mo at hindi ko kayang magtiis ng ganito na lang tayo palagi," ani pa ni Mama. Kung hindi pa siya hinawakan sa kamay ni Nimfa ay hindi siya magigising mula sa pag-iisip. Napatingin siya sa kapatid. "Okay ka lang ate?" tanong pa ni Nimfa sa kanya. "Oo may naisip lang ako." "Ano yun?" "Tungkol sa nakaraan namin. Noong wala pa kayo ni Tita Carmen. Iniwan kami ni Mama dahil ang tingin niya sa daddy ay inutil. Walang silbi at pabigat kaya hindi ko magawang sisihin ng daddy kung bakit nakagawa siya ng masamang gawain. Kailangan niyang gawin ang lahat ng yun dahil yun ang makakabuti sa ating kalagayan at alam kong natatakot siyang maulit ang nakaraan---- ang maiwan siya ulit, Nimfa. Mabuting tao ang daddy natin at lahat gagawi niya para sa atin," paliwanag niya pa sa kapatid kaya hindi na ito kumibo. "Kung nagbago man siya, panahon ang nagtulak sa kanya para gawin yun." "Hindi ko alam ate...Hindi ko naman hiningi ang lahat ng ito. Hindi ko kailangan ng luho, makapag-aral sa private schools at kung ano pa." "Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo naranasan ang matulog na walang kain dahil walang pagkain. Kung naranasan mo lang ang buhay namin noon ay hindi mo sasabihin 'yan pero tama ka rin naman. Mali na gumawa ng illlegal na gawain lalo na kapag siningil ka na dahil sa masama mong ginawa. Mali pa rin ang daddy sa ginawa niya pero baliktarin man natin ang mundo, ama pa rin natin siya kagaya ng ama ng dinadala mo ngayon. Paulit-ulit mo man siyang itanggi ay hindi maikakailang ama pa rin siya ng anak mo," ani niya pa. "Sige na, ate. Matutulog na ako," pagtataboy sa kanya ni Nimfa dahil sa kanyang sinabi. Wala siyang nagawa ng tumalukbong ito ng kumot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD