Blurb

334 Words
Blurb "Bitawan niyo ako! Hindi ko naman kayo inaano ah," umiiyak na sambit ng batang si Quinn matapos siya hilahin ng mga pinsan papunta sa kagubatan. Tinulak ng mga ito si Quinn paupo sa lupa. "Huwag kang paiyak-iyak diyan! Dahil sa iyo pinagalitan kami ni lolo! Kalalaki mong tao iyakin!" "Ah! Iyakin ah! Iyakin!" Sunod-sunod ang pangangatyaw ng mga batang lalaki sa batang si Quinn. Tumayo si Quinn at sa inis ng bata binato niya ng lupa ang mga lalaki. Nagalit ang isa apat na pinsan at dahil doon malakas niyang tinulak ang batang lalaki. "Ahhh!" Nahulog sa bangin si Quinn at sa ilalim 'non ay isang lawa. Binalot naman ng takot amg mga batang lalaki matapos mahulog si Quinn. Tumakbo ang mga ito at umiiyak na bumalik sa rest house na malapit sa bangin para humingi ng tulong. "Tulong!" sigaw ng batang si Quinn habang nagpapasag. Ilang metro lang ang pagitan sa taas ng lawa at ng bangin ngunit sa height at sa edad ni Quinn. Masyadong malalim ang lawa para sa maliit niyang katawan. Nag-iiyak si Quinn hanggang sa tuluyan na siyang hilahin pailalim at hindi nagawang umahon ngunit bago pa siya maubusan ng hangin. May nakita siyang isang uri ng hayop sa itaas ng lawa. Nagliwanag iyon at mula doon lumabas ang isang batang lalaki na nasa sampung taon na gulang. Mahaba ang buhok nito at may berde na mga mata. Inabot nito ang batang si Quinn na kasalukuyang nanlalabo ang paningin. Nang tuluyan niyang maabot ang katawan ng batang lalaki niyakap niya ito at inahon sa tubig. Wala ng malay ang batang lalaki kaya dinala niya ito sa gilid ng lawa. Tinitigan nito ang mukha ng bata— dahan-dahan minulat ni Quinn ang mga mata at napako ang mata nito sa berdeng mga mata ng batang lalaki. "S-Sino ka? N-Nasa langit na ba ako?" bulong ni Quinn. Kumurap ang batang lalaki na na may berdeng mga mata hanggang sa mawalan ulit ng malay ang batang lalaki na niligtas niya. "Quinn!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD