BAKAS ANG GULAT sa mukha ni Astrid nang makita niya ako sa stall ni Aling Poncing. Did she think I wouldn’t know her? Suki niya ako noong estudyante pa lamang ako rito sa Concordia. Kapos sa baon at bawat sentimo ay mahalaga noon. Madalas nga ay may libre pa akong fishball kay Aling Poncing bukod sa kwek-kwek. Hindi ko afford ang pagkain sa canteen at kahit may pambili ako ay iniipon ko para karagdagan na namin ni Nanay sa upa. “What are you doing here?” tanong sa akin ni Astrid. Ang mga kaibigan niya ay nakatulala lang. I remembered Jelay and Carmina dahil kasa-kasama sila ni Astrid noon dito sa Concordia. Hindi na ako nagtaka na dito rin nila piniling pumasok. Hindi ko kilala ang isa nilang kasama pero mukhang hindi anak-mayaman ang isang ito. I am surprised that Astrid was socializin