“WALA NG DUGO. Okay na ’yan.” Tinanggal niya sa kaniyang bibig ang daliri ko. I didn’t know whether to say thank you or not. Hindi ko tuloy alam kung blessing ang balatong at danggit dahil kahit hindi mga labi ko ang lumapat sa labi niya ay puwede na rin. “Are you okay? Malayo sa bituka ’yan,” sabi niya sa akin at ipinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari. Sa takot na makapagsalita ako nang wala sa hulog ay pinili ko na lang tumahimik at bumalik sa pagkain. Parang nalalasahan ko pa tuloy ang laway niya sa daliri ko. Wala siyang imik habang kumakain kami at parang malalim ang iniisip. Nang matapos akong kumain ay tumayo ako para maghugas ng kamay at pagbalik ko ay didiretso na sana ako sa hagdan nang tawagin niya ako. “Where do you think you’re going, Astrid?” tanong niya