KINUHA KO ANG kamay niya at iginiya siya papasok ng mall. “Let’s go. I’ll think of something on how you can pay me back. Although, your idea is actually tempting.” Nakita ko ang paglunok niya na para bang sinasabihing pati ba namang Linggo? Kahit nga Diyos ay nagpapahinga kapag Linggo. But she just kept silent and looked ahead. Hindi rin niya binawi ang kamay niya na hawak ko. “Saan mo gustong magpunta muna?” tanong niya. “Shirts.” “White shirts? Ano’ng brand?” “White shirts, any brand basta malambot.” She took me to Ralph Lauren. Astrid’s got a taste. Tamang-tama at may mga shorts din dito kaya hindi na kami maglalakad nang malayo. I am not a fan of shopping. It’s just that she ruined my clothes at kaunti lang ang dala kong damit. Naupo ako sa couch habang si Astrid ay bumitaw sa