AT TAMA AKO, mahaba nga ang pila. Buti na lang at si Mang Carding ay saktong dumaan. Aarkilahin ko na nga siya tuwing umaga dahil mahirap umasa sa pagsabay kay Jelay. Katulad ngayon, sino ba ang mag-aakala na magkakasakit ito. Tapos nataon pang nagising akong tanghali na pala. Malamang si Amanda ay nakapasok na rin kanina pa. Nang sa wakas ay nakasakay na ako ng jeep, inasahan ko na ang siksikan. Kay aga-aga pa lang ay ligo na sa pawis ang ibang pasahero. Ang iba naman ay mukhang hindi pa naliligo at gusto ko nang maglagay ng vicks sa ilong para hindi ko maamoy ang asim ng katawan nila. Finally, nakarating din ako sa Concordia. Kumakalam ang sikmura ko at dahil may bente minutos pa bago magsimula ang klase ay nagpunta ako sa cafeteria. Bumili ako ng isang kape. The parfait was tempting