PAMBIHIRA! MAGPIPIRITO NA nga lang, nasunog pa. Akalaing pinagsabay ang longganisa at itlog para mas mabilis maluto? I am so hungry but even if it’s the last food on Earth, hindi ko kayang kainin ang niluto niya dahil kulang na lang ay maging abo ’yon sa sobrang pagkasunog. I bet she’s starving too. Naaawa akong naiinis sa kaniya. Mantakin mo, lahat ng gusto niyang gawin ay paspasan. Sure, there’s no point wasting time—but with cooking? Timing was everything. Hindi dapat madaliin ang proseso ng pagluluto. Otherwise, maalin sa hilaw o sunog ang ending ng niluto mo. I opened the door for her at alinlangan pa siya sa pagsakay. “Astrid, I am very hungry and I am sure that you are too. So please, be a good girl and get in.” Umupo naman siya sa loob at sa katarantahan ay hindi mailagay ang