Malawak ang ngiti ni Darwin habang buhat ang kambal na anak ng kapatid na si Danica. They are both giggling at napakasarap nong pakinggan at kahit sino ay hindi mapipigilan ang mapangiti kung sino man ang makarinig non. Nakakadala ang bawat hagikhik ng kambal na halos pumuno sa kwarto niya. He's really enjoying playing with the twins at hindi niya mapigilan ang sariling humalakhak sa bawat ngiti at tawa nga mga ito. Ang pagdating ng kambal ang naging lakas niya at ng kapatid na si Danica sa lahat ng pagsubok na dumaan sa buhay nila. Ang pagkawala ng Daddy nila at ng Lola nito na kinilala na rin n'yang Lola sa maiksing panahong nakasama niya ito.
At kahit papano nawala ang pighating nararamdaman nila ng dumating ang kambal. Lalo na para sa kapatid niyang si Danica. Dahil alam n'yang ito ang mas apektado sa lahat ng nangyari. Buhat sa pagkawala ng asawa nito buhat ng umalis ito sa isla, pagkamatay ng Dad nila at ng Lola nito. And he's proud to his sister dahil nakayanan nito lahat ng iyon. Syempre sa tulong na rin n'ya at gagawin n'ya ang lahat para sa kapatid. Lalo na pagdating sa buhay pag-ibig nito. S'ya ang nagsisilbing sekretong komunikasyon ni Christian kay Danica pero hindi n'ya dito ipinapaalam ang tungkol sa kambal. Gusto n'yang si Danica mismo ang magsabi non sa asawa at para na rin masurpresa nito si Christian lalo na at nalalapit na ang pagbabalik nila sa Isla Montellano.
Parehong nagdusa ang dalawa at sinubok ng panahon. At s'ya bilang nakatatandang kapatid ni Danica ang unang gumawa ng paraan para sa mag-asawa. Medyo natagalan nga lang dahil sa sitwasyon nila pare-pareho. And he's hoping na sana sapat na lahat ng nagawa n'yang tulong para muling magtagpo at magka-ayos ang mga ito. Malaki naman ang tiwala n'ya kay Christian at sobrang mahal naman nito ang kapatid n'ya. Sobrang nahalata n'ya iyon noong unang beses n'yang nakaharap ito. At isa pa, simula noong araw na 'yon hindi na s'ya nito tinigilan sa paghingi ng impormasyon tungkol kay Danica.
Muling bumalik ang atensyon niya sa kambal na kasalukuyang nakahiga sa kanyang kama. They are bubbling some baby words na tila nag-uusap ang mga ito. Parehas ang suot na damit ng kambal kung kaya't hindi n'ya mawari kung sino doon si Lester at Lexter. At pilyong napangiti na lang s'ya ng sobrang advance na agad ng tinakbo ng isip niya dahil tiyak s'yang kahit ang magiging girlfriend ng mga ito ay malilito kung sino doon ang bawat isa.
And he's also thinking, kung pareho lahat ng pisikal na anyo ng dalawa, posible din kayang pareho din o iisa ang mamahaling babae ng mga ito? Huwag naman sanang dumating ang panahon na mag-away ang dalawang pamangkin n'ya dahil lang sa iisang babae. Kung pwede naman paghatian na lang nila di'ba? Just kidding, haha! Napangiti na lang s'ya sa kalokohang naiisip. Bad Darwin, bad...
And speaking of kambal, s'ya kaya kailan kaya s'ya magkakaroon ng sariling anak? Yong matatawag na sarili n'yang pamilya. Naghahanap naman siya pero wala talaga siyang matagpuan/masumpungan. Inaamin niyang sa edad nyang twenty-five madami ng babaeng dumaan sa buhay niya pero wala kahit na isa sa mga 'yon ang nakapag-patibok ng puso niya. Sa halip ay puson n'ya ang napapatibok ng mga ito pero nagsasawa at napapagod na rin siya.
Tama ang kapatid n'yang si Danica na kailangang tigilan na n'ya ang kalandian n'yang taglay. Kailangan na rin niyang humanap ng magiging kapareha sa buhay na magbibigay sa kanya ng maraming anak. Yeah, gusto n'ya malaking pamilya. Kaya kailangan na niyang simulan ang gumawa, yon nga lang hahanapin pa n'ya ang babaeng magbibigay sa kanya. At sana matagpuan na n'ya kung sino man 'yon para masimulan na niya ang processing ng baby making. He smirked.
Kung sakali mang dumating ang babaeng sinasabi ng karamihan na magagawang patibukin ang mapaglaro n'yang puso, wala s'yang aaksayahing panahon pa. Gagawin n'ya ang lahat para mapasa-kamay n'ya agad ito at babanggain n'ya kung sino mang hahadlang. Ganoon s'ya ka-possessive sa pagmamay-ari n'ya at sigurado siyang pagdating sa salitang love ganon din s'ya kahit na hindi pa niya 'yon nararamdaman sa isang babae.
At sana swerte siya kung dumating man ang araw na iyon. Hindi naman kasi lahat ng nagmamahal nagtatagumpay agad sa simula, minsan hindi mo agad natatagpuan ang totoong pagmamahal sa umpisa, kaya ang kailangan humahanap ng iba. At doon nila napapatunayan na love is sweeter the second time around di'ba? At papano nila masasabi yon kung hindi sila nagmahal sa pangalawang pagkakataon? Hindi naman kasi lahat ng first love mo makakatuluyan mo hanggang dulo. Kadalasan nasa umpisa pa lang sumusuko na ang isa sa inyo lalo na kapag nakuha na ang gusto.
Bago humaba ang introduction niya, hayaan muna natin s'yang magpakilala. His name is Darwin Mendoza. Twenty five years old and a very healthy man. Mayroon s'yang business sa loob at labas ng bansa kaya kahit saan s'ya mag-stay ay ayos lang sa kanya. Napaka-aktibo n'ya sa lahat lalo na pagdating sa s*x life n'ya. Hindi lumilipas ang isang linggo ng wala s'yang nakakasiping na babae pero hindi naman s'ya babaerong matatawag, a slight of fuckboy lang dahil nga active sya pagdating sa ganong bagay.
Pero hindi naman n'ya kasalanan kung nakakasakit s'ya ng damdamin ng mga babae dahil first of all bago may mamagitan sa kanilang intimasyon, maliwanag pa sa sikat ng araw na it's just a pure pleasure. No string attached and no feelings involved. Just f**k at hindi s'ya pumapatol once na hindi ang mga ito pumayag sa ganoong set-up sa simula pa lang. Kaya hindi s'ya guilty sa mga babaeng naghahabol sa kanya dahil 'one woman, one f**k' lang s'ya.
Kasalanan na nila yon kung mahulog ang mga ito sa isang Darwin Mendoza. Dapat nga pasalamat pa sila dahil hinayaan n'yang madama ng mga ito kung ano ang mayroon s'ya na sigurado at alam naman n'yang hahanap-hanapin nila. Dahil kung s'ya ang nagluluto ng sinasabi nilang 'luto ng Dyos' s'ya na ang pinakamasarap mag-timpla. Ganoon s'ya ka-eksperto pagdating sa ibabaw ng kama. Dahil walang babaeng dumaan sa kanya ang hindi n'ya napasigaw at nabaliw pagdating sa pamamaraan ng pag-angkin n'ya.
Ginagawa naman n'ya ang lahat para maibalik sa mga babaeng dumaan sa kanya ang pansamantalang ligayang naibibigay ng mga ito kaya para sa kanya patas lang iyon. At isa pa he has needs at single naman s'ya kaya normal na sa kanyang pumatol sa mga 'palay' na lumalapit sa kanya. As long na wala syang nilolokong girlfriend o asawa para sa kanya hindi yon mali. Pinagbibigyan n'ya lang ang gusto ng kanyang katawan. Tawag ng laman ang sabi ng karamihan.
No girlfriend din s'ya since birth. Mga flings lang at hanggang one night stand lang ang mga babaeng dumaan sa buhay n'ya. Mga pampalipas init ng katawan. Wala siyang hinayaang pumasok sa buhay n'ya kahit na halos lahat ay sumusubok na alam naman n'yang yaman at katawan lang niya ang hangad.
Hindi na siya bago sa ganon dahil nang minsang sinubukan n'ya, kasal agad ang gusto matapos n'yang maiharap ito sa mundong kanyang ginagalawan. At may ilan pang sumubok na pikutin s'ya at sinasabing buntis at s'ya ang ama pero pagdating sa salitang buntis, bisto na agad ang mga ito. Dahil kahit isang beses hindi n'ya nakakalimutang gumamit ng protection sa twing nakikipagsex s'ya. Boy scout kaya siya, laging handa.
At ngayon nga, sinisimulan na n'yang magbago. Inalis na n'ya ang gawaing nakasanayan ng kanyang katawan at lumipas ang mahigit na isang linggo na wala s'yang nakakaniig na babae. Mukhang nakiki-ayon din sa kanya ang nasa pagitan ng kanyang hita dahil hindi na muli yon humihingi ng atensyon kahit na may sumubok na umakit sa kanya. Kahit ito ay parang gusto na ring magbago at inirereserba ang sarili sa babaeng mamahalin n'ya. And he's hoping na sana dumating na agad ang babaeng iyon sa buhay n'ya dahil nong naghahanap s'ya hindi n'ya ito makita, kaya't hihintayin na lang nya na ibigay ito sa kanya ng tinatawag nilang 'destiny'. Dahil kahit naman mapaglaro s'ya noon, naniniwala pa rin naman s'ya na may itinadhana ang Dyos sa bawat isa. Sa single na katulad n'ya...
Bumalik ang isip n'ya sa kasalukuyan ng may umupo sa kandungan n'ya na ikinakunot ng kanyang noo. Ito ang kasalukuyang babysitter ng kambal na nahuli ni Danica na katalik n'ya noon. Hindi nga lang natuloy at natapos dahil nga dumating ang kanyang kapatid. At mukhang naghahanap ito ng continuation ngayon base sa kamay nitong dumadama na sa harap ng suot n'yang pang-ibaba. Humahaplos sa nanahimik at behave n'yang p*********i na hindi man lang naapektuhan ng ginagawa nito. Good job, buddy!
Kung katulad pa s'ya ng isang Darwin noon, baka nasa mainit na agad silang tagpo sa mga oras na iyon. Banging her hard and rough dahil ganon ang pamamaraan n'ya sa mga babaeng dumaan sa buhay n'ya. No emotions involved at ang tanging goal lang ay ang mailabas ang init ng katawan. Pero iba na s'ya ngayon dahil seryoso s'ya sa sinimulan n'yang pagbabago. Gusto na niyang iwasan ang mga bagay na alam niyang magiging sanhi ng gulo sa pagitan ng babaeng nakatadhana para sa kanya. Kaya habang maaga pa, magbabago na siya.
"I'm sorry Miss but my buddy is not in his mood right now. And we're trying to be good in here so you better leave and find another c*ck for your itching c*nt," he stopped her. Pero lumuhod lang ito sa harap n'ya habang naka-upo s'ya sa gilid ng kama. Aktong ibaba na nito ang short n'ya pero agad n'yang tinabig ang kamay nito. Nagsisimula na rin s'yang mainis dahil napakakulit nito na parang hindi narinig at naunawaan ang sinabi n'ya. Salubong ang kilay n'yang tiningnan ito at agad na bumakas ang takot sa mukha ng babae.
Sa ibabaw ng kama lang naman s'ya mapaglaro dahil seryoso s'yang tao. Kinatatakutan din s'ya lalo na pagdating sa Business World. Hindi rin papatalo ang company n'ya sa asawa ng kapatid n'yang si Christian pero hindi naman sila magkalaban pagdating doon. Sa katunayan balak nilang magpatayo ng isa pang business na magkasosyo silang dalawa. Nasa plano pa nga lang dahil inuuna muna nito ang pagpapagaling buhat sa pinsalang natamo nito sa aksidente.
Napailing na lang sya ng lumabas ang babae na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Mukhang hindi nito ini-expect ang pagtanggi n'ya. Sino nga ba naman ang tatanggi pa kung palay na mismo ang lumalapit sa manok di'ba? Pero pasensya na lang s'ya dahil seryoso ang isang Darwin Mendoza sa pagbabagong gagawin sa buhay n'ya. And he wanna change for the better...