Tahimik silang dalawa at nagpapakiramdaman. "Kailangan ko pa bang sagutin iyan?" Tanong habang nakatingin pa rin sa kesame. "It's up to you," turan naman ni Xian na tahimik pa rin. "You have to be ready," saad para maiba ang usapan nila. "So mahal mo pa rin siya?" Konklusyon nito. Doon ay tumingin na siya sa lalaki ngunit nakatingin pa rin sa kesame. "Wait a minute, are you jealous?" Maang na tanong rito. Nagkatinginan sila. Matagal na naghinang ang kanilang nga mata hanggang sa muling bumaling sa kesama si Xian. "If I should say yes, maniniwala ka ba?" Turan ni Xian. Natahimik si Heather. Umupo siya upang makita ang mukha ng lalaki. "Seryoso?" Tanong rito na hindi makapaniwala. Magseselos ang isang tulad nito na halos lahat ng babae ay kaya niyang kunin. Umupo na rin si Xian