Napatigil si Heather sa halik na iyon ng lalaki. Matapos ay nagmadali itong nagpaalam na. "I'm going, kung may kailangan ka. Magsabi ka lang kina Jela and Sam, they will give you what ever you want. Huwag mo na akong hintayin, baka umagahin na ako." Dagdag na paalam nito. "Okay. Ingat ka," hindi napigilang turan. Napatigil rin si Xian. Ngayon lang may nagsabi noon sa kaniya. "Thanks," wika saka ngumiti at umalis na. Nang mawala ang lalaki ay agad niyang ginala ang tingin sa buong paligid ng silid nito. Very masculine iyon, malinis at masinop. Sa gilid ng banyo ay makikita ang mga built in closet. Binuksan ang isa at namangha siya sa dami ng damit at maayos at masinop. By color ang pagkakahilera. Binuksan ang kabila. Sa totoo ay hinahanap niya ang bag na pinaglagyan niya ng damit niy