Pagkalabas ay tila normal lang silang dalawa, tila walang nangyari sa loob ng dining room. Agad na yumukod sina Jela at Sam sa kanila. "Go and rest. Kakausapin ko lang si Dante," ani ni Xian sa kaniya. "Okay," nahihiyang turan saka pumanhik na. Nakita pang nakatingin sa kaniya ang dalawang babae. Marahil ay batid naman na nang mga ito ang nangyayari sa kanila ng kanilang boss. Nang makarating sa itaas ay nakitang tinungo ni Xian ang mini bar. Napabuntong hininga siya. Hinamig ang sarili dahil hindi alam kung tama ba ang ginagawa o hindi. Masyado siyang nadadarang sa ligayang pinapalasap ni Xian sa kaniya. Maya-maya ay nagtaas ng tingin ang dalawang babaeng naiwan doon. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi malaman kung pagkaawa o anuman ang nasa mata ng mga ito. Sa kanilang tatlo, sila