Chapter 9

2115 Words
Habang nakaupo ako sa semento at nakatingin sa lalaking naglalaban at walang kahirap-hirap nitong pinapatumba ang mga lalaki at parang wala lang sa kanya ang kanyang ginagawa at ako naman ay mas lalong napatulala at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Isa-isa niyang napatumba ang mga lalaki at ang isa naman ay mabilis na natuma sa akin at akmang tatayo ako ng hinahawakan nito ang aking binti. “Saan ka pupunta hayop ka!” malakas niyang sigaw at ako naman ay napasubsob sa semento sa kanyang ginawa at akmang sisipain ko siya ng mabilis na lumapit ang lalaki sa kanya at malakas siyang sinipa at mukhang nawalan ito ng malay at dahan-dahan na gumaan ang kanyang pagkakahawak sa akin. “Akala ko magkakapasa ako sa inyo hindi din pala,” dahan-dahan akung napatingin sa lalaki at nakita ko siyang tumingin sa akin sabay kindat at ako naman ay hindi ko alam kung ano ang aking gagawin o sasabihin. “Are you okay Miss?” mabilis niyang tanong sa akin at kaagad naman akung tinulungan na tumayo at habang tinutulungan niya ako nakatingin lang ako sa kanyang mukha at mukhang wala naman siyang gagawing masama dahil ang lambot ng kanyang tingin sa akin at mukhang mabait naman siya. Ngumiti siya sa akin upang ipaalam sa akin na hindi niya ako aanuhin at wala siyang gagawin sa akin. “Mabuti nalang napadaan ako dito at nakita kita kung hindi baka kung ano na ang ginagawa sayo ng mga hayop na iyan,” saad pa niya sabay ngiti na naman sa akin hanggang sa tuluyan na akung makatayo at mukhang hindi naman siya masamang tao at hindi siya kasamahan ng mga lalaking sunod ng sunod sa akin. Kakaiba kasi ang kanyang aura at palagi pa siyang nakangiti sa akin at tinulungan pa niya ako. “Salamat,” mahina kung saad sa kanya at siya naman ay kinuha ang kanyang bag na parang lagayan ng laptop sabay pulot nito at tumingin na naman siya sa akin. “Salamat ulit,” saad ko pa sabay tayo ng tuwid at ngumiti sa kanya, mukhang mabait naman siya at hindi niya ako aanuhin dahil tinulungan nga niya ako nito kaya malamang hindi niya ako sasaktan. Bigla siyang tumingin sa akin sabay kunot ng kanyang kilay at tinignan ako mula ulo hanggang pa sabay ngiti na naman, hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng lalaking ito pero mukhang may sayad ata at panay ang ngiti niya sa akin. “Hindi na ako magtataka na natipuhan ka nila dahil maganda ka nga talaga,” bigla akung napatahimik sa kanyang sinabi at tinignan siya ng masama. “Maganda sa mga mata nila pwede pa,” tinignan ko ng masama ang lalaki dahil sa kanyang sinabi lalo na ng ngumiti ito sa akin ng nakakaluko. “Pinapangiti lang kita at kinukuha ang takot mo,” biglang saad niya sabay tingin sa kalsada at tumingin sa akin. “Gabi na at mukhang delikado ang daan dito pero dito kapa dumaan tapos wala pang taong dumadaan dito,” mabilsi niyang saad sa akin kaya mabilis naman akung napatingin sa aking paligid at tama nga ang kanyang sinabi na wala talagang dumadaan dito. “Hindi ko naman kasi alam na may mga tambay pala dito,” sagot ko sa kanay sabay hawak sa aking panga na hinawakan kanina ng lalaki. “Salamat ulit,” mahina kung saad sa kanya kaya ngumiti lang siya sa akin sabay buntong hininga ng malalim. “Im Ysmael Ranchor,” mabilis niyang nilahad ang kanyang kamay sa akin at isang matamis na ngiti ang pinakawalan na naman nito. “Xenia Blanche,” nilahad ko ang aking kamay sa kanya sabay shake hands dito at ngumiti nadin naman ako sa kanya. Tumango ito sa akin at muli na naman ako nitong tinignan sabay ngiti at napailing nalang. “Bakit?” tanong ko sa kanya kasi baka may nakakatuwa sa mukha ko kaya kanina pa siya sa akin nakatingin at kung ano ang may dumi sa mukha ko. “Wala naman kasi muntikan ka ng magahasa,” tinignan ko siya ng masama at tama naman siya dahil kung hindi siya dumating malamang nagahasa na talaga ako kaya utang ko sa kanya ang buhay ko. Pasalamat nalang ako na dumating siya at tinulungan ako at ang galing pa niya makipag-laban dahil sa ilang sandali nagawa niyang patumbahin ang mga lalaking ito. “Kaya nga nagpapasalamat ako sayo,” sagot ko sa kanya sabay kuha ng aking kamay na kanyang hawak at ako naman ngayon ang napangiti. “Hatid na kita sa inyo baka kung mapano kapa hindi naman ako nagmamadali,” nagulat pa ako sa kanyang sinabi pero naisip ko naman ang kanyang sinabi na baka kung mapano pa ako kung ako lang mag-isa. “Malayo paba ang bahay mo?” tanong niya sa akin kaya dahan-dahan akung tumango sa kanya. “Hintayin mo ako dito kukunin ko lang ang kotse ko,” hindi na niya hinintay ang aking sasabihin at mabilis na nitong binigya sa akin ang bag ng kanyang laptop sabay takbo sa ibang direction kung nasaan siguro ang kanyang kotse. Tinignan ko ang bag niya at mabigat ito mukhang laptop nga ang laman nito at tumingin ako sa mga nakahandusay na lalaki kung saan wala silang malay at ng makita kung dahan-dahan na gumalaw ang kamay ng isa mabilis akung tumakbo sa direction kung saan si Ysmael tumakbo kanina. Ang bilis ng aking takbo habang parang ma tumba pa ako sa bigat ng kanyang bag hanggang sa may nakita akung ilaw ng kotse at kulay pula pa ito at bigla akung napatigil ng bumukas ang bintana nito at bumungad doon si Ysmael na nakakunot ang noo niya. “Ginagawa mo?” natatawang saad niya sa akin at hindi ko napigilan ang sarili ko ng parang matatawa siya sa akin at sa sitwasyon ko siguro ngayon pero napatingin ako sa kotse niya dahil mukhang mamahalin dito at mukhang sports car pa. Damn! “Sakay na dali,” saad niya sa akin at mabilis na bumukas ang pinto ng gilid nito at pataas pa talaga itong bumukas hindi kagaya ng ibang kotse. “Hoy sakay na!” doon ako nabalik sa aking wisyo ng tawagin na naman niya ako kaya mabilis na akung umikot sa kabilang pinto ng kanyang kotse at mabilis na pumasok doon. “Basa ako,” saad ko sa kanya at mabilis naman siyang napangiti sa sinabi ko habang may kinukuha ito sa likod ng kanyang kotse at mabilis na binigay sa akin ang parang isang jacket. “Ayos lang yan ipapalinis ko nalang sayo mamaya,” hindi ko napigilan ang aking sarili at napangiti ako sa kanyang sinabi kasi talagang nagagawa pa niyang biruin ako. “Saan ka nakatira?” mabilis niyang tanong sa akin at umayos na ito ng upo. “Isuot mo muna iyan mukhang lalamigin ka dito sa kotse ko,” dahan-dahan ko naman tinignan ang kanyang jacket at sa tela palang mukhang mamahalin na ito at ang bango pa. “Sa San Nicholas Street ako nakatira sa Zone five pangalawang bahay,” sagot ko sa kanya actually nangungupahan lang ako doon ng ilang buwan kasi babalik na ako sa Manila sa susunod na buwan, sabi ko nga hindi ako mapirmi sa isang lugar lang dahil sinusundan ako ng mga lalaking iyon na hindi ko alam kung ano sila o ano ang kaya nilang gawin sa akin kapag nahuli na naman nila ako. “Okay,” sagot lang niya sa akin at pinatakbo na ang kanyang kotse at sasabihin kuna sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakasakay sa ganitong kotse at ganito ka mahal na kotse. Nakita ko sa manubela ang kotse ang parang bull kaya palihim akung napanganga kasi Lamborghini ang kanyang kotse. Damn sobrang mahal nito! Nakatingin lang ako sa labas at hindi naman ako tumitingin sa lalaki kasi baka kung ano pa ang sabihin ng damuho na ito akala mo naman kung sino pero kahit paano nagpapasalamat parin naman ako sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya sa malamang nagahasa na ako at kung ano na ang nangyari sa akin. Pasalamat nalang ako at dumating siya at akala ko kanina baka kung mapano siya dahil nasa lima ang kalaban niya pero parang wala lang naman sa kanya at natalo niya kaagad ang mga ito, mukhang may pinag-aralan ang lalaking ito sa pakikipaglaban at ang galing-galing niya. Bumuhos na naman ang ulan at mas lalong lumakas pa ito kaysa kanina pero parang wala lang naman ito sa lalaki at tuloy-tuloy ang kanyang pagpapatakbo. May ipagmamalaki nga ang lalaking ito at aaminin kuna gwapo siya at ang bango niya isama mo pa ang matangos niyang ilong at kulay brown na mga mata ang kapal pa ng kanyang kilay. “Baka matunaw ako sa kakatingin mo ha,” mabilis kung iniwas ang aking mukha kasi mukhang nahalata niyang tinitignan ko siya. “Alam ko naman na gwapo ako,” mabilis na nilingon ko siya sabay kunot ng aking kilay kasi ang hangin niya talaga at kung ano-ano pa ang kanyang sinasabi. “Kapal mo naman!” sita ko sa kanya pero isang malakas na tawa lang ang kanyang pinakawalan sabay tingin sa akin at kinindatan ako. “Walang epekto sa akin ang kindat mo!” sita ko sa kanya, aaminin ko gwapo nga siya pero hindi naman ako nahuhumaling sa kanya. “Halata nga mukhang bulag ka kasi,” mas lalong tinignan ko siya ng masama sa kanyang sinabi. “Ang iba ang linaw ng mata sa gwapo pero ikaw hindi ka manlang na attract sa akin niligtas pa naman kita, ako ang night and shining armor mo,” hindi ko napigilan ang aking sarili at napatawa ako sa winika nito dahil talagang may action pa ang kanyang kamay habang ginagawa niya ito, walang hiya talaga! “Hindi kaya kita bet,” sita ko sa kanya na mas lalong nagpatawa sa kanya at mukhang hindi niya pa inaasahan na sasabihin ko ang salitang iyon. Nasanay lang siya siguro na marami ang nagkakagusto sa kanya at bawat babaeng nilalapitan niya nagkakagusto sa kanya. “Tahimik na,” sita niya sa akin at inirapan ako hanggang sa makapasok na kami sa Street kung nasaan ang bahay ko at mukhang kabisado niya ang lugar na ito at bigla niyang tinigil ang kotse niya sa harapan ng bahay ko mismo sabay kindat na naman niya sa akin. “May payong ako sa likod kunin mo,” hinubad ko ang jacket niya sabay bigay sa kanya pero kanya lang naman itong tinignan at tinignan muli ako sabay iling. “Labhan mo muna kaya bago ibalik sa akin,” inirapan ko siya kahit na ngayon ko palang siya nakilala at siya naman ay mas lalong napatawa sa aking ginawa. “Ang sama mo,” sita ko sa kanya pero hindi naman ako galit mukhang ganito lang talaga ang ugali ng lalaking ito. “Pasok ka muna magluluto ako kakain tayo pasalamat ko sayo,” biglang napatango naman siya at hawak sa kanyang tiyan habang nag-iisip ito. “Hindi kita lalasunin kung iyan ang nasa utak mo kaya pumasok kana,” binuksan ko ang pinto ng kanyang kotse at tumakbo nalang ako papasok sa bahay kasi basa na naman ako at hindi kuna kailangan ang payong habang iniwan ko namang bukas ang pinto ng bahay kasi alam kung papasok naman ang lalaking iyon. Habang ako naman ay dumiritso na ako sa silid ko at nagpalit ng damit ko at pinunasan ang aking ulo. Hindi namna ako gaanong nagtagal sa silid ko at paglabas ko nga nandito nasa loob si Ysmael at naglilibot sa loob ng bahay ko at may hawak na itong waffer na mukhang kinuha niya sa loob ng ref ko. Napailing nalang ako kasi parang ang tagal na naming magkakilala dahil sa inasal niya. “Nagnakaw na ako ng pagkain mo doon kaya magluto kana gutom na ako,” kinindatan na naman niya ako sabay pasok ulit sa aking kusina habang ako naman sumunod nalang doon. “Ang sarap nito saan mo to nabili?” biglang tanong niya sa akin sabay taas ng kanyang hawak na waffer, halata masyado na laking mayaman ang lalaking ito at hindi sanay sa hirap sa damit at paraan palang ng kanyang galaw sobrang halata na. “Diyan ko lang nabili sa tabi-tabi,” mabilis kung sagot sa kanya sabay kuha ng kawali ko at nag saing nadin naman ako. “Malinis yan kaya kainin mo nalang,” sita ko sa kanya kasi talagang tinignan pa niya ang waffer na kanyang hawak. Sa mall ko nabili naman kasi yan binibiro ko lang siya. Pinagmasdan lang naman niya ako habang nagliligpit at nagluluto ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD