Malakas kung binato ang aking hawak na bato sa tubig habang pinipigilan ko ang galit ko kay Monican kasi naman sinira na niya ang buong araw ko, tangina talaga ang babaeng iyon! Ang yaman-yaman naman niya pero sinasalot parin niya ang buhay ko at sinisira ang kung ano ang meron ako! Hindi ko naman kasi kasalanan na bobo siya at nagawan kung maging mas magaling sa kanya at ayaw niya kasing tanggapin ang kanyang pagkatalo na ang nais niya ay siya lang ang mataas sa lahat at siya lang ang nangunguna sa lahat. Hindi ko nalang inisip ang bagay na iyon kasi alam kung madami pa akung opportunity at madami pa kaung pwedeng makita na trabaho pero ang lintik na iyon kung nasaan ako nandoon din naman siya at talagang inuubos niya ang pasensya ko! Nilalait pa niya ang buhay na meron ako kaya sobrang tangina talaga! Kahit anong sabi ko sa aking isipan na hayaan nalang siya at huwag ng pansinin pero talagang siya pa mismo ang lumalapit sa akin at sinira ang buhay ko! Kung wala lang akung pinag-aralan baka pinatulan kuna siya at sinubsob sa putik ang mukha niya pero hindi ko sisirain ang aking pinaghirapan para lang sa lintik na babaeng iyon na walang ibang ginawa kundi ang pakialaman ako at bantayan ang aking bawat galaw na hindi ko naman siya inaano at wala naman akung ginagawa sa kanyang buhay pero kung pakialaman niya ako akala niya siya ang may hawak sa buhay ko. Tangina naman!
Tinignan ko ang mga lumalangoy na isda sa pond at malalim na napabuntong hininga kasi saan na ako maghahanap ng raket ko ngayon kasi kinuha na ng lintik na iyon at sayang sana ang bayad baka pwede ko pa iyon mabayad sa upa ko at mabili ng pagkain ko pero dahil sa kinuha ni Monica kailangan kuna namang kumuha sa aking savings at iyon ang gamitin. Ganito talaga ang buhay sobrang hirap kaya kailangan kung mag-tiis at magsumikap kahit na mukhang lagpas na ang edad ko sa kalindaryo kapag nagtagal pa, twenty nine na ako kaya dalawang taon nalang lagpas na ako sa kalindaryo at wala pa akung balak na magkaroon ng pamilya kasi sobrang busy naman ako sa buhay ko at kung paano ako makakahanap ng pera ko upang mabuhay ako sa pang-araw-araw. Kung magkakaroon pa ako ng pamilya kailangan na may trabaho ang makikilala ko kahit mapakain lang kami nito tatlong beses sa irang araw ayos na iyon, naghahangad din naman ako magkaroon ng maayos na pamilya pero hindi pa ngayon, sobrang hirap pa ng buhay ngayon at kawawa ang magiging anak namin dahil sa hirap at isa pa may problema pa ako sa mga lintik an lalaking humahabol sa akin at hindi naman nila sinasabi sa akin kunhg ano ang kanilang kailangan at panay lang ang kanilang habol sa akin kung hindi mga baliw. Pero kung hindi naman magiging mabuti ang buhay ko mas mabuti na tatandang dalaga nalang ako kaysa sa maghirap ang magiging pamilya ko ayaw ko ng ganon lalo pa at naranasan ko kung paano kumain lang ng isang araw upang sa susunod na araw may makain kapa. Nakakaiyak ang naranasa ko na buhay pero wala naman akung magawa dahil iyon ang buhay na binigay sa akin pero kahit ganon nagsumikap ako upang makapag-tapos ako ng aking pag-aaral at kahit paano magkapera at habang nag-aaral ako naghahanap din naman ako ng trabaho at nakapag-ipon ng pera. Ngayon kailangan ko pang maging mas masipag upang kahit paano may pera ako at kung kailangan na tipidin ko ang aking sarili gagawin ko at maghahanap pa ako ng extra na trabaho dahil baka malugi ang gallery ko at ayaw ko namang mangyari iyon, pinaghirapan ko ang gallery na iyon at buong buhay ko pinaghirapan ko iyon at bata palang ako pangarap kuna iyon at hindi ko hahayaan na masira at mawala ang pangarap kuna iyon. Dahan-dahan kung tinignan ang ibat-ibang kulay ng mga isda at kaagad naman akung napangiti dahil mabuti pa sila ang tahimik ng kanilang buhay at pagkain lang ang hinahanap nila pero ako ang mga wala dito sa mundo ang hinahanap ko at kahit siguro ilaan ko ang aking buhay sa pagpapataas ng aking pangarap at umasinso ang buhay hindi ko magagawa dahil sa isa lang naman akung dukha at kulang na kulang ang paghihirap ko upang makamit ang ibang mga pangarap ko. Tinignan ko ang mga namumulaklak na lutos flowers at isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko dahil iiyak lang ako pero ako susuko sa aking pangarap at hindi ko hahayaan na mawala ang lahat ng mga pinaghirapan ko dahil hanggat humihinga ako kailangan kung lumaban at ipagpatuloy ang buhay na meron ako, kailangan kung maging masinop at magsikap at panahon na siguro upang maghanap ako ng ibang trabaho at siguro kailangan kung mag-post online ng mga gawa dahil baka may bibili at sayang naman ang benta kapag ganon kahit sa murang halaga nalang kahit paano.
Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan sabay buntong hininga at kumuha ng lakas ng loob dahil panibagong pagsubok na naman ito na kailangan kung subukan at harapin dahil baka dito maging swerte na ako kahit paano, kahit paunti-unit lang ang mahalaga umuusad ito. Dahan-dahan na napunta ang aking kamay sa aking tagiliran at malalim na napabuntong hininga kasi kung pwede lang ibinta ang ginto na nasa tagiliran ko baka ginawa kuna pero buhay ko naman ang magiging kapalit at baka kung ano ang gawin sa akin ng mga lalaking iyon. Alam naman natin na mukhang bigatin sila lalo nasa galaw palang nila at mukhang boss nila ang lalaking naka gintong maskara pero kung tutuusin kailangan ko paring ipagpatuloy ang buhay ko kahit sinusundan nila ako wala naman silang ambag sa buhay ko. Tumango sa kawalan at kinumbinsi ang sarili kuna kaya ko at magagawan namin ng paraan ang kung ano man ang problema na meron ako at makakaya namin itong malampasan. Hindi ang kagayang problema na ito ang magpapabagsak sa akin sa dami ba naman ng problema na kinaharap ko ngayon paba ako susuko, hindi dahil magagawan ko ito ng paraan.
“As I can see you’re a painter?” mabilis akung napatingin sa kung sino ang nagsalita at bumungad sa akin ang lalaking naka polo at mukhang nasa fifties na ito at nandito kasi ako sa parang isang park at madaming hayop dito na pamasyalan. Dahan-dahan naman siyang napatingin sa box na dala ko at halatang lalagyan ito ng mga gamit pang-painting kaya kaagad naman akung tumango sa kanya.
“Uho,” mahina kung sagot sa kanya kaya mabilis naman siyang napangiti sa akin sabay lahat ng kanyang kamay.
“Im Mr. Sanchez the owner of this place,” mabilis ko namang tinanggap ang kanyang pakikipag-kamay sa akin.
“Xenia po,” sagot ko sa kanya at ngumiti dito sabay kuha ng aking kamay kasi himala na notice niya ako dito mukhang napadaan siya at nakita ako dito na kinakausap ang sarili ko.
“Wala kabang trabaho ngayon? Kung gusto mo may ipapagawa ako sayo na pwede mong maguhitan babayaran naman kita kapag tapos muna ito,” parang isang bombilya na umilaw ang aking utak dahil sa kanyang sinabi kasi kanina nag-iisip pa ako kung paano ako makakahanap ng trabaho tapos ngayon trabaho pa mismo ang lumapit sa akin.
“Wala po akung ginagawa ngayon ano po ba ang ipapagawa niyo? Magaling po ako mag-paint,” nakangiting sagot ko sa kanya at kaagad namang ngumiti sa akin ang lalaki at tumango nalang sa akin.
“Magpapagawa ako ng parang isang dagat doon sa pader na pwede makakakuha ng litrato ang mga bisita at medyo may kalakihan iyon,” hindi ko alintana ang kanyang sinabi na may kalakihan ito dahil ang nasa utak ko ay ang makapag-trabaho at may kita ako.
“Kahit anong pa po nito magagawa ko po ito, nasaan po ba?” mabilis kung tanong sa kanya at ang saya ko ngayon ay sobra-sobra dahil sobrang bilis nga naman ng swerte sa akin at hindi niya hinayaan na umuwi akung walang pera o makuhang trabaho kasi sayang din naman ang aking pamasahi at nagdala pa ako ng lunch ko upang makatipid ako kahit na pritong itlog lang ang ulam ko ayos lang sa akin ang mahalaga busog ako at may laman ang tiyan ko habang may trabaho ako.
“Halika ka sumama ka sa akin,” mabilis naman akung sumama sa kanya at nakasunod lang ako sa likod nito habang hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Kung minalas ako kanina mukhang swerte naman ako ngayon kahit paano at sobrang pasalamat ko talaga. Dinala ako ni Mr. Sanchez sa dulo ng pool kung saan wala gaanong tao at napakamot naman ako sa noo ko dahil akala ko pool pero may mga isda pala dito at sa dulo nakikita kuna ang pader na sinasabi nito at sobrang laki nga nito at mukhang hindi ko ito matatapos sa isang araw lang dahil sa laki at hindi ko pa alam kung ano design ang gagawin ko dito na parang dagat. “Ito ang sinasabi ko sayo magagawa mo naman siguro magawan ito ng paraan upang mapaganda na parang nasa ilalim ka ng dagat,” saad sa akin ni Mr. Sanchez kaya dahan-dahan ko namang binaba ang mga dala ko at inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at naghahanap ako ng babagay dito at kung ano pa ang aking pwedeng gawin.
“Akon a po ang bahala dito,” sagot ko kay Mr. Sanchez at hindi naman ganon kahirap ang pinapagawa niya sa akin medyo malaki lang talaga ang space at kailangan ko pa ng hagdan dito. “Kailangan ko lang po siguro ng hagdan at lahat ng kulay ng pintura at siguro po mga buka ko pa po ito matatapos dahil sa sobrang laki ng pader,” pagsasabi ko ng totoo kay Mr. Sanchez kaya mabilis naman siyang tumango sa akin.
“Ipapadala ko dito kaagad sayo tsaka magpapadala nadin ako ng meryenda mo umupo ka muna ipapahatig ko lang ang mga kailangan mo,” mabilis niyang saad sa akin kaya tumango ako sa kanya bago ito umalis at naiwan ko dito na nakatingin sa pader at nag-iisip ng kung ano pa ang aking gagawin o ano ang bagay na iguhit ko dito. Hinilot ko pa ang aking noo habang nag-iisip ng pwedeng gawin at sisiguraduhin kung maganda ito dahil swerte ako ngayon at nakahanap ako ng raket ko kahit na kinuha sa akin ni Monica ang para sa akin. Pasalamat nalang pala ako na pumunta ako dito at kahit paano nakahanap ako ng pwedeng gawin pero paano nalaman ni Mr. Sanchez na pintor ako at talagang siya pa ang lumapit sa akin at inalok ako ng trabaho. Umiling nalang ako at hindi iyon inisip kasi baka nagkataon lang ito at isipin ko nalang na swerte ako ngayon araw at hindi ako uuwi na luhaan.
Hanggang sa dumating ang mga inalok ko sa kanila at may mga bagong paint brush pa ito at sobrang mamahalin pa ng mga brush at pintura na kanilang binigay sa akin at mukhang kakabili lang ng mga ito dahil may mga price pa ito at ang mamahal. Iba talaga kapag mayaman walang pigil sa paglabas ng pera lalo na ang paint brush nila parang pwede na nitong mabayaran ang upa ko sa isang buwan kung pinagsama sila dito. Isang matamis na ngiti ang aking pinakawan habang binubuksan ang mga pintura at pinaghahalo ito sa malaking pallet at ako naman ay uminat at naghanda na upang magtrabaho. May dumadaan na mga tao at napapatingin sa akin at ang iba ay naghihintay pa ng kung ano ang gagawin ko kaya hindi ko nalang pinansin kasi ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makapag-simula na ako at mag tiwala naman ako sa aking kakayahan. Kinuha ko ang malaking hoose at binaba ang pallet na hawak ko at nilinis ko muna ang pader at parang wala lang sa akin kahit na nababasa ako kasi ang mahalaga malinis ang pader na ito at hindi ko alintana kung mahihirapan ako kasi kahit mahirap hanggat ginagawa ko matatapos at matatapos ko ito, nababasa naman ako pero kaunti lang naman ito at uuwi naman ako mamaya at wala na naman akung puntahan dito lang kaya ayos lang kahit na mabasa ako.
UMINAT ako habang nakatingin sa ginawa ko at kahit ako nagandahan ako sa gawa ko pero hindi na ako makakagawa dahil malapit ng dumilim at bukas ko nalang ito ipagpapatuloy at wala nadin masyadong tao dito sa park at ang ibang trabahador nalang ang nandito na mukhang naglilinis at umaasikaso ng mga hayop at kung ano pa. Naligpit kuna din ang mga pintura at gagamitin ko pa ang iba nito bukas at siguro maaga pa ako bukas upang mas maaga ko itong matapos ng makahanap pa ako ng ibang pwedeng pagkakitaan at hindi naman ako nahihirapan kasi masaya ako sa kung ano ang ginagawa ko at trabaho ko. Isang matamis na ngiti ang aking pinakawalan habang nakatingin sa hindi ko pa natatapos na gawa pero alam kung maganda na ito at wala namang masama kung ako mismo ay nagandahan sa gawa ko dahil kagaya ng sinabi ko may tiwala ako sa mga gawa ko at may tiwala ako sa kakayahan ko, buong buhay ko ito ang hinangad ko kaya confident ako sa bawat gawa na ginagawa ko at buong puso ko itong ginagawa kaya kahit ano pa ang maging kalalabasan nito nagugustuhan ko dahil buong puso ko itong ginawa.
“Babalik kapa bukas?” mabilis akung napatingin sa nagsalita at bumungad sa akin si Mr. Sanchez at mukhang secretary niya ang kanyang kasama dahil may mga dala itong case at kung ano pa ang laman nito habang nakangiti siya sa akin. Bigla itong napatingin sa ginawa ko at kaagad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi kahit ang kanyang secretary ay biglang napa ‘wow’ sa kanyang nakita habang ang kanyang kamay ay nasa bibig nito kaya mas lalo akung naganahan sa aking ginawa. “Magaling ka nga talaga at kahit hindi pa tapos ang gawa mo sobrang ganda na nito,” isang matamis na ngiti naman ang aking pinakawalan sa kanyang sinabi kasi na appreciate niya ang aking gawa.
“Maraming salamat po Mr. Sanchez at nagustuhan niyo at bukas matatapos kuna po ito at mas lalong gagalingan ko at pagagandahin,” sagot ko sa kanya habang hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi.
“Paano bukas ulit at mag-iingat ka pauwi,” paalam niya sa akin habang ang kanyang secretary ay ngumiti din naman ito sa akin at ako naman ay ngumiti sa kanila.
“Mag-iingat din po kayo,” magalang kung sagot dito at hanggang sa makaalis sila sa aking harapan ako naman ay kinuha na ang ibang gamit ko at nilagay ko ito sa box ko at sinuot ang aking jacket at mabuti nalang ay may dala ako dahil malamig ito mamaya sa bus kapag umuwi ako at medyo madilim nadin kaya mukhang gagabihin na ako. Mabilis akung naglakad ng maayos kuna ang buong lugar at tumango nalang ako sa mga nandito pang tao siguro sila ang nagbabantay sa lugar na ito kung gabi kaya hindi na sila umuuwi at mabilis naman akung lumabas ng gate. Medyo may lalakarin pa ako dahil sa dulo pa ng daan na ito ang daanan ng bus at kailangan kung maghintay doon ng mga nasa thirty minutes bago dumaan ang bus. Habang naglalakad ako sa labas naramdaman kung may nakasunod na naman sa akin at ngayon naka kotse na ito at binundol na naman ng sobrang kaba ang aking puso kasi talagang hindi nila ako tatantanan. Humigpit ang hawak ko sa aking bag habang ang kotse ay nakasunod sa akin at halata na sinusundan niya ako at iniilawan pa nito ang daan ko.
Kung hindi ko alam na sila ang sumusunod sa akin magpapasalamat pa ako dahil iniilawan niya ang daan ko pero alam kung sila ang sumusunod sa akin at wala naman akung lakas ng loob na lumingon sa likod pero sa bawat hakbang ko dahan-dahan naman ang pagpapatakbo nito sa kotse at talagang iniilawan niya ang daan ko. Ilang minuto pa akung naglalakad at hindi naman bumaba ang nagmamaneho at nanatiling nakasunod siya sa akin at mukhang binabantayan pa ako,madami namang dumadaan na mga taxi pero kasi kapag sa taxi ako sobrang mahal naman kasi ng bayad kaya mas mabuti na maghihintay nalang ako ng bus doon kahit na sobrang tagal kaysa naman magbayad ako sa taxi ng triple kung magpapahatid ako, nagtitipid ako kaya hindi pwedeng magwawaldas nalang ako ng pera ng sobra-sobra lalo pa at sobrang hirap maghanap ng pera ngayon.
Ipinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad at tuloy parin ang kotse na iyon sa pag-iilaw ng aking daan at kung hindi manlang niya ako sasaktan at hahayaan ako ayos lang naman sa akin kasi kahit anong tago ko sa kanila mahahanap at mahahanap parin nila ako na parang alam na alam nila ang location ko kahit sobrang tago na ang ginagawa ko, matagal na naman nila akung sinsundan at hindi naman nila ako nilapitan o sinasaktan maliban nalang noong isang araw dahil nilapitan talaga nila ako pero binigyan lang naman pala nila ako ng payong dahil sa umuulan pero hindi ko naman ginamit at tinapon ko ito. Sa malamang bakit ko iyon gagamitin baka kung may ano doon at biglang sumabog at mamatay pa ako walang magpapatakbo ng aking gallery. Tuloy-tuloy lang naman ang aking lakad at ng makarating ako sa street light at hindi kuna kailangan ng ilang bigla nalang akung nilamig ng sumabay sa aking gilid ang kotse na umiilaw sa akin kanina at nakita ko kung anong kotse nito. Aston Martin ito na kulang dark blue at tangina sobrang gara ng kotse at sports car pa. Kumikintab sa steet light ang ganda nito at mabilis kung iniwas ang aking tingin at mas lalong binilisan ang aking paglalakad pero parang wala lang sa nagmamaneho at sinundan parin ako nito, hindi ko alam kung ano ang balak na sumusunod sa akin kasi hindi ko naman nakikita kung sino ang nasa loob ng kotse hanggang sa makarating ako sa sakayan ng bus at hindi naman umaalis ang kotse sa tabi ng sakayan ng bus at naka park lang ito doon. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan at tumayo na nga ako dahil sa ako lang naman mag-isa s dito na naghihintay habang ang kotse naman na ito at nandito padin at hindi umaalis. Napapalunok pa ako ng ilang beses habang naghihintay ng bus at may mga nakikita pa akung nakatambay sa gilid ng daan at mukhang mga lasing pa ito kaya mabilis kung sinuot ang hood ng jacket ko at yumuko ng kaunti upang hindi nila ako mapansin at baka ako naman ang pag-tripan ng mga tambay kahit sabihin natin na madaming dumadaan dito at maraming tao baka ako ang makita nila mahirap na.
Kung pwede lang siguro akung sumigaw dito kung nasaan na ang bus kanina ko pa ginawa dahil sobrang bored at kinakabahan na ako dito lalo pa at may dadaan na group ng kalalakiha at mukhang hindi naman sila lasing kasi ang lakas ng kanilang tawanan at may mga babae pa silang kasama na akala mo naman kinulang sa tela ang damit nila at kauntin galaw lang masisilipan na sila, hindi na ako nagtataka kasi sa dulo ng daan na ito may bar doon at kilala ang bar na iyon sa dami ng bayaran na babae at lalaki kaya hindi na ako magtataka kung sobrang daming lasing ito at naglalakad na mga binata at dalaga nasa tingin ko ay nasa early age palang. Hanggang sa makarating sila mismo sa aking harapan mabilis kung sinuot ang aking mask at tumabi sa gilid habang naglalakad sila at mukhang minalas na naman ako dahil biglang tumigil ba naman sila sa aking harapan at pinagtawanan ako. Alam ko naman na mukhang pulubi ako dahil sa madaming pintura ang damit ko at luma ang damit ko kasi sayang din naman kung gagamit ako ng bago kung dami tapos malalagyan din naman ng pintura kaya kung makatingin sila sa akin akala nila pulubi ako.
“Miss baka gusto mo ng pambili ng pagkain mo?” biglang tanong niya sa akin habang nakangisi at parang pagkakatuwaan pa nila ako. “Kawawa ka naman kasi,” tapos sunod-sunod na tawanan na naman ang narinig ko sa kanila at kung titignan ko sobrang bata pa nila siguro mga nasa eighteen palang ang mga bata na ito at kung makapag-salita sa akin akala nila kaedad ko lang sila. Ako pa ang nakita nilang pagkatuwaan dito at hindi nalang sila umalis at hayaan na ako dito at umalis nalang sila, wala akung panahon sa mga kagaya nila at hindi pa nila alam kung ano ang hirap ng buhay at kung ano ang kailangan nilang gawin upang mabuhay sa mundo na ito. Ang sa kanila saya lang ang kanilang ginagawa at iyon lang ang sa utak nila, ganyan ang edad ko noon nasa restaurant ako at nasa trabaho habang sila ay nasa bar at mukhang may mga magulang pa ang mga hayop na ito at mga palamunin sa bahay nila pero kung umasta akala mo kung sino sila.
“What a shame,” babae naman ngayon ang nagsalita at halata sa kanyang boses ang pandidiri sa akin at dahan-dahan kung tinignan ang kanilang mga mukha at tangina mukhang mga bata na hindi pa mabubuhay kung wala ang kanilang mga magulang pero kung umasta akala mo naman kung sino. Dahan-dahan na tinanggal ko ang aking mask at binaba ang hoodie ko habang napapailing akung tumingin sa kanila. Kahit ako na hindi nila kaano-ano ay sobrang disappoint sa mga ugali nila at kung anong buhay ang kanilang sinayang, kung nag-ara sila ng mabuti sana may ngiti pa sa labi ng kanilang mga magulang pero ang mga walang kwentang bagay kanilang inuuna.
“Bakit hindi kaya mag-aral ng mabuti hindi na ang ibang buhay ng tao ang inuuna niya,” may diing saad ko sa kanila kaya kaagad naman silang nagkatinginan habang nakatingin sa akin. “Hindi porket luma ang damit ko at madaming dumi pulubi na ako at mas mabuti pa ang pulubi dahil nagsusumikap sa buhay pero kayo na mga palamunin ng magulang niyo sinasayang niyo ang buhay niyo, sobrang bata niyo pa pero kung umasta kayo akala niyo lagpas sa kalindaryo na ang edad niyo,” walang nakasagot sa kanila sa aking sinabi at nagkatinginan lang sila. “Sigurado ako na ang dala niyong pera ngayon ay pera ng mga magulang niyo at mga pinaghirapan nila tapos saan niyo gagamitin?” mukhang napatahimik ko sila at tama ako dahil biglang umiba ang mukha nila na parang nasapol ko ang mga ginawa nila. “Umalis na kayo sa harapan ko ang kapal ng mukha niyang pag-tripan ko dito na may mga gatas pa kayo sa labi,” mabilis na umalis sila habang ang sama ng kanilang tingin sa akin at sa utak ko naman nagsasaya ako dahil mukhang natama ko ang ginawa nila at kahit ako naaawa sa kanilang mga magulang kahit hindi ko naman sila kilala. Lumaki kasi ako na walang magulang kaya alam ko kung ano ang hirap ng umaasa sa sarili mo mismo upang makakain ka at wala kang mahingan dahil sa wala kang mga magulang at sobrang swerte nila dahil meron sila pero ang ginagawa nila at ginagastos nila sa walang kwenta ang pera ng kanilang mga magulang. Malalim akung napabuntong hininga ng tuluyan na silang umalis at hindi na lumingon sa akin habang ako naman ay napatingin sa suot ko kung saan mukhang pulubi nga ako dahil sa dmaing pintura nito isama mo pa ang kamay ko pero ayos lang naman ito sa akin kasi ganito talaga ang buhay kung nais mong magpatuloy kailangan mong madumihan at magsumikap upang mabuhay ka.
Muli na naman akung napatingin sa kotse na sumusunod sa akin kanina at sigurado ako na nakita niya kung ano man ang nangyari kanina at nasaksihan niya ang ginawa ng mga batang iyon, hindi nalang ako umimik at tumanaw sa kalsada baka may dumaan ng bus dito pero kanina pa ako dito pero wala namang dumaan dito at napatingin ako sa relo ko malapit ng mag-nine ng gabi at hindi parin ako nakakauwi. Bigla akung nagulat ng biglang gumalaw ang sasakyan at huminto ito sa aking harapan at dahan-dahan na bumaba ang bintana ng kotse at ang unang bumungad sa akin ay ang lalaking naka mask ng kulang dark blue at hindi ko makikita ang kanyang buong mukha.
“Sumakay kana walang bus na dadaan na dito,” malamig nitong turan habang ang kanyang mukha ay nakatutok lang ito sa daan at hindi tumitingin sa akin habang ako naman ay parang natulos sa aking kinatatayuan at tandang-tanda ko ang boses na ito hindi ako pwedeng magkamali dahil ang boses na ito ay ang boses ng lalaking nasabi sa akin na hahanapin niya ako. Dahan-dahan akung umurong kasi biglang pumasok sa buong isipan ko ang ginawa niya at kung paano siya pumatay at kung ano ang kanyang mga galaw habang pumapatay. Parang may kung anong kirot sa aking dibdib habang nakatingin sa lalaki sa loob ng kotse at awra niya palang ay sobrang nakakatakot niya at kahit sino naman siguro matatakot lalo pa at sobrang lamig ng kanyang boses at nakakatakot. Mas lalo akung napaurong ng dahan-dahan siyang tumingin sa akin ng hindi ako siguro gumalaw at nanatiling nakatingin lang sa kanya, sino ba naman ang hindi matatakot kung ang kagayang lalaki niya ang sasalubong sayo at nakita mo pa kung gaano siya kasama pumatay ng walang awa at siya ang sumusunod sayo na hindi nagpatahimik sa buhay mo. “Sakay na!” lumakas na ang kanyang boses pero hindi ako tanga para sumakay sa kotse niya! Siya ang humahabol sa akin kaya bakit ako sasakay sa kanya baka kung saan ako ito dalhin at saktan niya ako! Nanginginig pa ang aking kamay habang nakatingin sa kanya at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin o sasabihin habang hindi maalis ang tingin ko sa kanya at binabantayan ko kung ano ang kanyang galaw. Damn!
“Ayoko,” iyon lang ang sagot ko sa kanya at ginamit ko ang natitirang lakas ko at kumaripas ako ng takbo at narinig ko pa ang kanyang malutong na mura habang kumakaripas ako ng takbo at biglang umilaw ang kanyang kotse na mukhang hahabulin pa ako nito kaya mas lalong binilisan ko ang takbo ko kahit alam ko naman na mahahabol parin niya ako kahit anong bilis ng aking takbo. Hanggang sa makakita ako ng taxi mabilis koi tong pinara at pumasok sa loob.
“Sa malapit na mall po tayo!” nahihingal kung saad sa driver at hindi ko pwedeng dalhin kung ako nakatira ang lalaking iyon at mukhang susundan niya talaga ako at baka masundan niya ako sa bahay ko at pasukin ako doon kaya mas mabuti nasa mall muna ako at doon madaming tao kaya mabilis ko siyang mawawala doon at makauwi na ako. Mabilis na pinatakbo ng driver ang taxi niya at ako naman ay panay ang aking lingon at kinakabahan ng sobra-sobra dahil baka sundan niya talaga ako, hindi kuna inalala ang mahal ng pamasahe ko dahil kahit gagastos ako ng malaki sa pamasahe ko ang mahalaga buhay ako at hindi ako nakasakay sa kotse ng lalaki na iyon, kung sumakay ako doon baka kung saan niya ako dadalhin at patayin pa niya ako, alam ko naman na ang habol nila ay ang nasa tagiliran ko pero mukhang kailangan nila akung patayin bago nila makuha sa akin ang tattoo na ito at bakit ko naman ibibigay ang buhay ko sa kanila nasa una palang ay kasalanan naman ng lalaki na iyon dahil siya ang nagtusok sa akin ng tattoo na ito tapos kukunin nila ang buhay ko hindi naman ata tama ang gagawin nila, mahal ko pa ang buhay ko at madami pa akung pangarap sa buhay.
Hawak-hawak ko pa ang dibdib ko habang panay ang tingin ko sa likod kung sinusundan ba naman ako ng kotse na iyon at tama nga ako na sinusundan pa niya ako pero hindi naman ako nagpahalata sa driver kaya hindi na ako lumingon at mamaya tatakbo nalang ako papasok nalang sa mall at sa exit ako lalabas upang kahit paano maligaw ko ang lalaki na iyon. Nasanay na naman akung sundan-sundan nila pero hindi naman sila lumalapit sa akin pero nitong mga sumusunod na araw lumalapit na sila sa akin at ngayon ang lalaki pana iyon ang lumapit sa akin at pinapasakay pa ako nito sa kanyang kotse at inilawan ako habang naglalakad ako, kung hindi ganon kalaki ang kailangan nila sa akin hindi nila ako susundan ng ganito na parang binabantayan nila ang bawat galaw ko.
“Nandito napo tayo Maam,” bigla akung nabalik sa aking wisyo ng marinig ang boses ng driver kaya mabilis akung napatingin sa labas ng kotse at tama nga ako dahil nandito na kami kaya mabilis akung humugot ng limang daan sa wallet ko at kaagad na binigay ito sa driver at lumabas na ako doon at mabilis na tumakbo na naman papasok sa mall, hindi na ako nagawang tignan ng guard dahil sa mabilis na nga akung tumakbo papasok habang lumilingon pa ako sa aking likod at kahit sobrang ingay ng buong paligid rinig na rinig ko parin ang lakas ng kabog ng aking puso. Aminad naman ako na kinakabahan ako pero kailangan kung maka-alis dito at huwag magpahuli sa kanila, madami pa akung nababangga dahil nga sa lumilingon ako sa likod ko pero wala naman akung magawa kundi ang tumakbo nalang hanggang sa makarating ako sa likod na bahagi ng mall kung saan ang exit at mabilis akung lumabas doon at napapatingin pa sa akin ang guard pero mabilis akung napatigil ng makita ang kotse ng lalaki at nakabukas ang bintano nito habang nakatingin sa akin na parang hinihintay ako.
“Putangina!” malutong kung mura at napahilamos sa mukha ko.