Napatingin ako sa malawak na kakahuyan habang nasa balcony ako ng tree house kung saan ako nagpapahinga, kakatapos ko lang kasi mag pinta ng family picture at sayang naman ang bayad dahil medyo malaki ito kaya makakabayad na ako ng aking upa sa ilang buwan. Medyo may kalakihan at mayaman ang customer ko ngayon halata naman sa kanilang pag-aari dahil ang lapad ng lupa nila at may tree house pa sila dito at nagpapahinga pa ako. Mabuti nga naman at nagustuhan nila ang gawa ko at may bonus pa ako sa kanila pero habang umiinom ako ng juice dito at nakatingin sa malakawak na kakahuyan at sobrang sarap ng isang naisip kuna naman ang nangyar sa akin kung saan muntik na akung mamatay at mawalan ng buhay sa islang iyon. Halos isang taon nadin ang nagdaan at hindi ko parin ito makakalimutan.
Dahan-dahan kung tinignan ang tagiliran ko kung saan nandoon ang tattoo na gintong rose at sobrang gandang tattoo ito pero alam kung ito naman ang magiging mitsa ng kalbaryo ng buhay ko. Alam kung hinahabol nila ang tattoo na ito at hindi ko naman alam kung ano ito pero basi sa sinabi sa akin ng lalaki na hahanapin niya ako tandang-tanda ko pa ang paningin niya sa akin. Walang ibang nakakaalam nito kundi ang aking matalik na kaibigan lang at hindi na siya nagtataka kung bigla-bigla nalang akung nawawala dahil kapag pakiramdam ko may nakatingin sa akin mabilis akung aalis at ilang buwan ako bago bumalik at sanay na sanay na si Gerther Glance Lim sa akin, iyan ang pangalan ng aking kaibigan habang ako naman ay si Xenia Blanche. Nagtapos ako sa Bachelor of Fine Arts kaya hindi naman ako nahihirapan maghanap ng trabaho at minsan madami din ang nagpapagawa sa akin hanggang sa may napatayo na akung gallery at si Gerther ang nagbabantay doon habang ako saang lupalop ako ng lugar nakakarating sa paghahanap ng magandang magawa. At higit sa lahat upang hindi ako mahanap ng lalaking iyon, kitang-kita ko kung gaano siya kasama at kung ano ang kanyang kayang gawin kaya natatakot ako na mahanap niya kaya hindi din ako ma permi sa isang lugar.
Hinahaplos ko pa ang aking tattoo at napatawa ako ng pagak kasi kung ano man ito mukhang sobrang importante nito sa kanila at kaya hindi ko ito pinapakita sa iba kasi hindi normal na tattoo ito at wala akung nakitang ganitong klase ng tattoo na kapag nasisinagan ng araw ay nagiging itim ang guhit habang kung buwan naman ang magsisinag dito nagiging silver kaya tinatago ko ito ng maigi dahil baka kung mapano pa ako kung makita ng iba at kung normal na ilang lang ginto ang kulay nito. Kung ano man ang tattoo na ito bahala na dahil hindi ako magpapahuli sa lalaking iyon at baka kung ano ang gawin niya sa akin at kapag kinuha niya ito malamang patay ako dahil nakaukit na ito na ito sa aking balat. Bakit ba naman kasi sa akin niya tinusok an gang syringe na iyon at sa akin pa niya binigay bakit hindi nalang sa kanyang katawan. Mapait nalang akung napangiti kasi sa daming pwedeng mangyari sa akin ito pa talaga, wala na nga akung kasama sa buhay at tanging kaibigan ko nalang binigay pa sa akin ang lintik na problema na ito!
Binaba ko ang baso kuna may lamang juice at bumaba na ako sa tree house kasi baka hinahanap na nila ako doon sa loob at kailangan ko ng umalis, may kailangan pa kasi akung puntahan at asikasuhin may pupuntahan pa akung opening ng gallery at titignan ko kung ano ang mga painting nila doon at kung may makukuha ba ako o may mabibili sa auction nila. Sa pagpasok ko palang sa kanilang bahay sinalubong na ako ng kanilang mga kasambahay sabay turo sa akin kung nasaan sila hanggang sa makarating na nga kami sa sala.
“There you are Miss Blanche!” natatawang salubong sa akin ni Mrs. Rodriguez habang hindi mabilis ang kanyang ngiti sa labi habang ako naman ay nakatingin sa painting ko kung saan nakasabit na ito sa kanilang pader. Kahit ako nagandahan mismo sa ginawa ko dahil gayang-gaya ko kung ano man nasa litrato. “Thank you very much!” bigla ako nitong niyakap kaya niyakap ko din naman siya pabalik habang hindi mapawi ang kanyang ngiti, kahit sino naman talaga mapapangiti.
“Your welcome Mrs. Rodriguez, salamat at nagustuhan niyo ang gawa ko,” mahinahon kung saad sa kanya pero ang ganda din naman ng ngiti ko sa kanya.
“Sobrang ganda ng gawa mo at dahil diyan bibigyan kita ng remembrance sa akin,” medyo nagulat pa ako sa kanyang sinabi pero kaagad niyang nilagay sa aking kamay ang paper bag na kanyang hawak sabay bigay sa akin ng sobre siguro ito ang bayad nila sa akin. “Dinagdagan ko din ang bayad namin sayo dahil mabait ka at sobrang ganda ng iyong gawa,” tinanggap ko naman ito ng buong puso sabay hawak sa kamay ni Mrs. Blanche.
“Maraming salamat po talaga,” sagot ko dito dahil hindi naman ako ganon kayaman at naghahanap nga ako ng extra na trabaho upang kahit paano makaipon ako. “Maraming-maraming salamat po talaga,” mas lalong siyang napangiti sa aking sinabi.
“Dito ka nalang kumain ng makapag-usap pa tayo at may ipapagawa ako ulit sayo at tumawag din ang kaibigan kuna pupunta siya dito at may ipapagawa din siya sayo,” hindi ko napigilan ang aking sarili sa biglaang saya kasi mukhang makakahanap na naman ako ng pera kuna pwedeng gamiton sa pag-improve ng aking gallery.
“Talaga po ba? Maraming salamat po talaga!” napatawa nalang sa akin si Mrs. Rodriguez at inaya na ako sa kanilang harden upang doon daw kami kakain ng lunch namin at hindi ko naman mawala ang ngiti sa aking labi. Habang naglalakad ako kasunod niya napapatingin ako sa paligid kung saan sobrang laki ng kanilang bahay at madami din silang katulong dahil sa tatlong anak nitong lalaki na mukhang wala pang pamilya. Swerte ko lang talaga siguro ngayon kaya grab the opportunity nalang ako dahil kailangan ko naman talaga.