Chapter 1 -Paalam, Amy-

2386 Words
-Prologue- "By the authority granted to me and with the blessings of all those present here today, I now pronounce you husband and wife. You may now seal your marriage with a kiss." Isang mapagparusang halik ang iginawad ni Calix sa kanyang asawa. May diin, may galit at walang pag-iingat. Matagal ang halik na iginawad niya kay Amy, gusto niyang iparamdam dito na hindi ito magiging masaya sa kanyang piling. Lihim ang kasalang naganap kay Amihan Amy Cervantes at kay Calix Adam Davis. Tanging silang dalawa lamang mag-asawa at ang abogado at kasambahay ni Calix ang naging saksi sa kasalang ginanap sa private resort ni Calix. Isang judge ang nagkasal sa kanila at sinigurado ni Calix na walang makakaalam ng kasalang ito maliban sa mga magulang ni Amy na galit na galit dahil sa ipinagbubuntis nito. Pinakasalan lamang ni Calix si Amy sa kadahilanang nagdadalang-tao ito ayon, dahil sa isang gabing nilukob sila ng matinding pagnanasa. Walang balak na magpakasal si Calix sa babaeng hindi naman niya mahal, pero dahil ipinagbubuntis nito ang kanyang anak at galit na galit ang mga magulang ng dalaga ay napilitan ito. Pero hindi niya mahal si Amy at pareho nilang ginusto ang nangyari ng gabing 'yon. May kasintahan si Calix, wala silang formal break up dahil bigla na lamang naging malamig ang pakikitungo sa kanya ng dati nitong nobya, pero hanggang ngayon, ang dating nobya pa rin niya ang laman ng puso niya. Minsan ay pinilit ni Calix na maibaling ang kanyang pagtingin kay Genevieve, ngunit ng malaman niya na naka arrange marriage si Genevieve ay iniwasan na niya ito. Si Amy naman ay dating isang assassin sa organisasyon na hinawakan ni Althea ngunit tumiwalag matapos ikasal si Althea at si Marcus. Matagal na niyang lihim na minamahal si Calix, kaya nang gabing 'yon ay sinuko niya ang kanyang sarili sa lalaking alam niya na walang pagmamahal sa kanya. Hindi niya nais na matuloy ang kasal na ito, dahil katulad ng sinabi niya kay Calix ay kaya niyang buhayin ang bata, ngunit hindi matanggap ng mga magulang ni Amy ang nangyari kaya tinutukan ng ama ni Amy ng baril si Calix, pinagbantaan na ipapaalam kila Marcus ang ginawa nito kay Amy, kaya nangyari ang kasal na hindi dapat. Pagkaalis ng judge ay inutusan agad ni Calix na dalhin sa mga magulang ni Amy ang kopya ng marriage certificate na parehong may lagda nila upang ipakita sa mga ito pinakasalan niya si Amy. Pinasabi rin nito sa mga magulang ni Amy na panatilihing sikreto ang kasal nila dahil hindi pa dapat malaman ng kahit na sino, at ang hindi nila alam, walang balak si Calix na ipagsabi kahit na kanino na kasal sila ni Amy. Pagkaalis ng abogado ay malamig na tinitigan ni Calix ang kanyang asawa, pagkatapos ay naglakad ito palabas ng library room. Ngunit bago pa man makalabas si Calix ng silid aklatan ay nilingon niya si Amy at saka ito nagsalita. "Take a shower and satisfy me tonight. This is what you wanted, isn’t it? You have no choice now. Follow me to my room... take a shower, and make sure you please me. Don't disappoint me, Amy. I didn’t put myself in this position, you did." Malamig na sabi ni Calix. Napalunok naman ng laway si Amy, may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata, ngunit tinatatagan niya ang kanyang sarili. Nagsimulang maglakad si Amy, inabutan niya si Calix na nakahiga na sa kama, walang kahit na anong saplot habang hawak nito ang kanyang alaga at hinahagod ng pataas-baba. Pumasok si Amy sa loob ng banyo at saka niya hinubad ang lahat ng kanyang saplot. Gusto niyang maiyak, gusto niyang pagsisihan na pumayag siya sa kasalang ito. Tumapat siya sa dutsa, pinihit niya bukasan ng tubig hanggang sa unti-unting pumapatak sa katawan niya ang malamig na tubig na inilalabas nito. Kasabay ng pagdaloy ng patak ng tubig sa kanyang katawan ay ang mga rumaragasa niyang mga luha. Damang-dama niya ang panlalamig ni Calix, ramdam niya na hindi magiging maayos ang kanilang pagsasama. Humimas siya sa kanyang tiyan, gusto niyang iparamdam sa sanggol na nasa sinapupunan niya na nandito lang siya, na mamahalin niya ang kanyang anak ng higit pa sa kanyang buhay. Naramdaman niya ang mga haplos ni Calix mula sa kanyang likuran, ang mga halik nito sa kanyang leeg na bahagyang nagpaungol sa kanya. Ang mga haplos ng malalaking kamay nito na gumagapang sa kahubdan niya ang nagpapainit ngayon ng kanyang katawan. "Ohhhhh...." Ungol niya ng sapuhin ni Calix ang kanyang dibdib habang walang pag-iingat na sinisipsip ni Calix ang balat ng kanyang asawa sa balikat nito. "I love you, Calix." Bulong nito sa kanyang asawa. "I know, but I can’t promise to love you back Amy, dahil wala akong pagmamahal na nararamdaman para sa'yo, kahit na katiting. But I can promise to be here whenever you need me... in your bed." Umaagos ang mga luha ni Amy nang marinig niya ang tinuran ng kanyang asawa. Nakakaramdam siya ng pagsisisi kung bakit nag I do siya kanina. Ilang beses niya itong pinag-isipan kagabi, ilang beses niyang tinimbang ang kanyang sarili kung dapat nga ba niyang pakasalan si Calix kahit alam niya na sa simula pa lang, wala itong pagmamahal sa kanya. Binuhat ni Calix ang hubad na katawan ng kanyang asawa at bumalik sa loob ng kanilang silid. Maingat niya itong inihiga sa kama at saka niya ito pinakatitigan. "Alam ko na sinadya mo akong akitin ng gabing 'yon kaya may nangyari sa ating dalawa. Alam ko na ginusto mong mabuntis upang masukol ako ng ganito, pero ang pagiging asawa mo sa akin ay paninindigan mo lamang sa pangangailangan ng aking katawan, maliban diyan ay wala ka ng makukuha pa sa akin na kahit na anong uri ng pagmamahal. Kapag isinilang mo na ang anak natin, magiging tatay lang ako sa kanya kahit wala ako sa tabi niya. Ang pagdadala mo ng anak ko sa iyong sinapupunan ay hindi nangangahulugan na makukuha mo na ang puso ko. Paligayahin mo ako Amy, iyan lang ang papel mo sa buhay ko bilang asawa ko." Malamig na sabi ni Calix. Halos madurog ang puso ni Amy dahil sa mga binitawan nitong salita sa kanya. Hinila ni Calix ang paa ni Amy hanggang sa halos nasa sahig na ang kalahating katawan ng kanyang asawa. "Paligayahin mo ako. Huwag mo akong bibiguin Amy, ipakita mo sa akin kung gaano ka kagaling sa kama. Isubo mo, gawin mo ang lahat upang hanap-hanapin ko ang gagawin mo sa akin." Halos tumirik ang mga mata ni Calix sa ginagawa sa kanya ng kanyang asawa, hinawakan pa nito ang ulo ni Amy at mas idiniin ito sa kanyang sandata. "Ohhhhh... fuuuuck!" Malakas na ani nito, pagkatapos ay bahagya niyang itinulak si Amy sa kama kaya napatihaya ito. Ibinuka niya ang mga hita nito at saka walang ingat na itinarak ang kanyang kahandaan sa yungib ng kanyang asawa, at walang sawa niya itong inangkin ng buong magdamag. ╰┈➤Lumipas pa ang apat na buwan. Anim na buwan ng buntis si Amy. Itinatago siya ni Calix sa binili nitong bahay sa Pampanga upang hindi malaman ng kanyang mga kaibigan ang tungkol sa kanila. Ngunit isang araw ay dumating si Calix na may kasama itong abogado. Nakatingin lamang si Amy, hindi alam kung ano ang nangyayari. Nakatayo lamang si Calix sa harapan ng kanyang asawa, pinagmamasdan ang malaking tiyan nito. "Mrs. Amihan Davis, ikinalulungkot kong sabihin sa'yo na ang aking kliyente ay nais ng maipawalang bisa ang inyong kasal. Ang dokumentong ito ay isang divorce paper. Ang iyong asawa ay isang US citizen kaya kung nanaisin niyang maipawalang bisa ang inyong kasal ay wala tayong magagawa. Ang inyong kasal ay hindi rehistrado dito sa Pilipinas kaya kapag pumirma ka sa papel na ito, sa loob ng isang buwang mahigit ay mawawalan na ng visa ang kasal ninyo na naka rehistro sa America. "Sa America? Pero dito kami ikinasal sa Pilipinas. Paanong nangyari na sa America nakarehistro ang aming kasal?" Bumabalong ang mga luha ni Amy. Ginawa niya ang lahat upang maiparamdam kay Calix ang pagmamahal niya dito, ngunit hindi pala ito sapat. "Makapangyarihan ang mga Davis, kaya nilang gawin ang kahit na anong nais nila." Tanging sagot ng abogado. Lumuluha si Amy ng tumingala ito upang tignan ang mukha ng kanyang asawa. "Calix, asawa mo ako. Huwag mong gawin sa akin ito. Isisilang ko na ang anak nating dalawa, bakit kailangan mong gawin ito sa akin? Please nakikiusap ako sa'yo, mahal na mahal kita." "I'm sorry. Hindi ako masaya sa piling mo. Napagbigyan ko na ang mga magulang mo. Ikinasal na tayo at nagsama tayo dito sa iisang bubong. Nagpanggap akong okay lang ang lahat, pero hindi kita mahal Amy, at kahit na anong gawin mo, hindi kita kayang mahalin. Hindi ako masaya sa sitwasyong ito kaya para hindi ka na mas lalong masaktan ay tinatapos ko na ang paghihirap mo at ng paghihirap ko. Patawad, pero hindi kita mahal." "No. Please Calix, don't do this to me. Magiging magulang na tayo, ilang buwan na lang ay lalabas na ang ating anak. Please Calix, nakikiusap ako sa'yo. Nagmamakaawa ako sa'yo na huwag mo itong gawin sa akin. Please..." Nagmamakaawang pakiusap ni Amy. Tumayo ito, lumuhod sa harapan ni Calix ngunit kahit na anong gawin niya, nananatiling walang emosyon ang kanyang asawa. Itinayo ni Calix si Emy, pagkatapos ay isang mahigpit na yakap ang ginawa niya dito, ngunit may pag-iingat dahil may kalakihan ang tiyan nito. "Goodbye Amy! Mananatili ang pagiging ama ko sa iyong anak, pero hindi na ako masaya na kapiling ka. Pinuputol ko na ang ating ugnayan, kaya nakikiusap ako sa'yo na pirmahan mo na ang dokumento. Huwag kang magpakatanga sa akin dahil hindi ako nababagay sa kabutihan ng iyong puso. Patawad, ngunit hanggang dito na lang ang kaya kong ibigay sa'yo." Halos manlumo si Amy sa kanyang mga narinig. Nanginginig ang kanyang mga kamay na pinirmahan ang divorce paper, pagkatapos ay matalim itong tumingin kay Calix. "Palalakihin ko ang anak ko. Hindi ako hihingi ng kahit na kaunting tulong sa'yo. Sayang lang ang pagmamahal na ibinigay ko sa'yo, akala ko magagawa mo akong mahalin. Apat na buwan tayong nagsama dito. Kahit na kung minsan isang beses ka lang nagpapakita sa akin sa loob ng isang linggo ay wala kang narinig na reklamo. Umuuwi ka lang dito dahil gusto mo akong ikama, pagkatapos ay iiwanan mo ako ng wala ka man lang paalam. Pagod na rin ako, kung ayaw mo na, ayoko na rin. Ayan na ang divorce paper na hinihingi mo. Isaksak mo sa baga mo!" Galit na sabi ni Amy. Hindi nagsalita si Calix, kinuha lamang niya ang dokumento at saka ibinigay sa kanyang abogado, pagkatapos ay tumalikod na ito. "Paalam, Amy." Halos magunaw ang mundo ni Amy ng tuluyan na siyang iniwanan ni Calix. Sapo ang kanyang tiyan ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. "Pagsisisihan mo ito Calix, pagsisisihan mo ito..." Umiiyak na bulong nito habang nakasalampak na ito sa sahig at umiiyak na lamang. ┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Makalipas ang anim na taon.- "So, how's your target? 'Yung mga tao sa paligid mo, hindi pa rin ba sila nakakahalata?" Napalingon si Amy. Ngumiti ito at saka niya nilapitan si Taruray. "Wala namang nakakaalam na isa ako sa assassin mo. Saka wala naman tayong hangad na masama sa kanila. Ang gusto ko lang ay makapaghiganti sa lalaking 'yon, gusto kong siya naman ngayon ang mabaliw sa akin. Apat na taon na nuong muli kaming nagkita sa isang party. Then muli akong nagpakita sa kanya sa iba pang okasyon na kasama ko si Kazmir. Gusto kong siya naman ang mabaliw sa pagmamahal sa akin. Balita ko, hinahanap niya kami ng anak niya. Hindi na kasi ulit ako nagpakita pa sa kanya, sinabi ko rin kay Kazmir na wala siyang sasabihin sa lalaking 'yon kung nasaan ako. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin. Ako naman ang makikipaglaro sa kanya. Paiibigin ko siya, at kapag baliw na baliw na siya sa akin, ako naman ang mang-iiwan sa kanya. Tignan ko lang kung hindi niya maramdaman ang sakit ng ginawa niya sa akin." "Are you sure you don’t love him anymore? Don’t play a game where you might end up being the one who loses in the end." Sabi ni Thessius, ang kanang kamay ni Taruray. "I’m finished with him. My love for him vanished six years ago nang iniwanan niya akong luhaan at lugmok sa sobrang pagkabigo. I pleaded with him, but he refused to listen. Katulad nga ng sinabi niya, anak na lang namin ang nag-uugnay sa aming dalawa." "Bakit kailangan mong gumanti kung wala ka na palang pagmamahal sa kanya? Hayaan mo na lang siya, kung ako sa'yo anak mo na lang ang intindihin mo. Isa pa, may nobyo ka na naman, si Kazmir, kahit alam namin na hindi mo naman siya totoong mahal. Tandaan mo lang, hindi dapat malaman ng Kazmir na 'yon ang tungkol sa organisasyon natin, lalong-lalo na tungkol sa akin. Hindi pa ako tapos sa kakambal ko. Hindi pa nila dapat malaman kung sino ako, hindi pa ngayon." Wika ni Taruray. Tumango naman si Amy at tumingin ito sa bintana. Nuong panahong lugmok na lugmok sa pagkabigo si Amy, ang grupo ni Taruray ang tumulong sa kanya nuong matagpuan nila ito sa gilid ng kalsada na duguan at walang malay, mabuti na lamang at dumating sila at tinulungan nila ito. Kung hindi dahil sa kanila, maaaring wala na ang ipinagbubuntis nuon ni Amy, kaya ng inalok siya ng mga ito na maging assassin ay walang pag-aalinlangan niya itong tinanggap. "I will see you soon again... Calix my love." Sarkastikong sabi ni Amy sa hangin kaya natawa na si Taruray. Si Taruray ay walang iba kung hindi si Tatjana Thary Fronda, ang kakambal ni Ajaziah Fronda na assassin ni Orion Dale. Inakala ng lahat na si Tatjana ay matagal ng patay ng lumubog ang bangka, ngunit nailigtas ito ng pinuno ng isang mafia organization ng matagpuan nila ang walang malay na katawan nito na nakayakap sa isang lumulutang na katawan ng puno. "Pagbutihin mo ang pang-aakit sa lalaking 'yon, pagkatapos ay turuan mong sumayaw. Ang papangit nilang sumayaw." Malakas na tawa ang maririnig mula sa kanilang lahat ng marinig nila ang tinuran ng kanilang pinuno na si Taruray Fuentebella.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD