' Ang istoryang ito ay tungkol sa love triangle, platonic at one sided love. Na magpapasakit , magpapakilig , magpapasaya at mag-iiwan ng ngite sa iyong pisngi.
Si Thea ang nag iisang anak na rebelde. Laging nasa guidance , lapitin ng gulo at madaming barkada, pero maganda. Kilala siya sa school na walang pangarap,isa na rin dahilan yung mukha niyang angelicface kaya naging sikat siya sa school. Palaging muse at kahit anong isuot aakanya bagay.
Meron siyang childhood friend si tarot, kabaligtaran niya , walang barkada , sobrang taas ng pangarap, walang ibang inatupag kung hindi ang pag aaral at gawaing bahay. Kuntento na siya sa ganoon na setup ng buhay niya, si thea , ang ate crystal niya at ang papa benj niya yung kumukumpleto sa buhay niya. Simula pagkabata, sila na magkakasama.
Pero magbabago ang buhay nila sa pagdating ni william . Isang tagapagmana ng mga lupain ng pamilya niya dito sa pilipinas,lubog siya sa utang dahil sa casino, online sabong at iba't ibang klase ng sugal. Halos naibenta niya na din lahat ng iniwan ng daddy niya sakanya, negosyo , mga bahay at mga bank accounts. Isa lang ang solusyon upang makapagbayad siya sa mga pinagkakautangan niya, ang makuha ang mana niya sa mommy niya.
Ngunit may kondisyon. Kailangan niyang maikasal kay Thea.