MARK JADE “What’s keeping you so busy these past weeks?” Halos masamid ako sa sushi na nginunguya ko matapos iyong itanong sa akin ni Jared. We were having lunch sa paborito naming Japanese restaurant. It was a Sunday and kagagaling lang namin sa church para um-attend ng mass. We were both craving sushi kaya dito kami kumain. Tumaas ang kilay ni Jared nang makita ang reaksyon ko. Alam kong nahihiwagaan na siya sa mga ikinikilos ko. Nagtataka na rin siya kung bakit sa napakaraming beses niyang pagyayaya sa aking lumabas ay palagi akong tumatanggi. Kaya ngayong magkasama na kami, hindi niya na napigilang magtanong. Lagi naman siyang nagtatanong, lalo na pag tumatanggi ako, pero palagi akong umiiwas. I usually say na may lakad na ko or may kailangang asikasuhin or overti