CHAPTER 15 Malayo pa lang kami nang pinapaulanan na kami ng sibat at pana ng mga kalaban. Kung didretso kami at susuungin ang mga pana at sibat, maaring masugatan si Drako o mataan si Zoyd na maari nitong ikamatay. Hindi ko dapat ilagay sa alanganin ng buhay ng aking mga kasama. Wala dapat sa aming tatlo ang mamamatay. Bilang engkantado, may kapangyarihan din naman si Zoyd na wala ako. Pwedeng makatulong ang kapangyarihan ni Zoyd na iyon para sa aming paglusob. May espada rin naman siyang dala at kalasag. Siya rin naman ang nagpilit na sumama sa pagliligtas kina Mama at Fate kaya pinabayaan ko na muna kahit gusto ko talagang tumanggi. Batid kong tanaw na ng mga archers ang pagdating namin kaya naghanda na sila. Batid ko ring kung hindi namin gagawin ito sa mahusay na pagsugod, tuluyang