Prologue
“Oh my goodness! Ngayon pa talaga, Camila?” ani Lara sa kapatid na kasalukuyang kausap nito sa kabilang linya.
“Sige na, Ate. Sandali lang naman ‘yon. Please! Expected naman nila na hindi ako makakarating because of my prior commitment and you know, I can’t take this for granted. Isa pa, ‘di ba sabi mo, you will support me in any way I need it? And here it is. This is the most appropriate time to show your support to your most beautiful sister, right?” anito sa pinakamalambing nitong boses.
Napaikot na lang ang kanyang mata saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Ano pa nga ba ang magagawa niya kung hindi pagbigyan ang kahilingan nito kahit pa nga may sarili siyang lakad sa araw na iyon?
And if she was not mistaken, isa ito sa mga strategy nito para patagalin ang pananatili niya rito sa Cebu.
Pero hindi naman nito kailangan pang gumawa ng anumang paraan para manatili siya roon. Dahil napagdesisyunan na niya na rito na rin manirahan kasama ang nag-iisang kapatid.
Hindi niya na kasi ito mapilit na sa America na lang manirahan at doon magsimula muli ng panibagong buhay tulad ng nauna na nilang plano.
Dahil nang malaman nila na nagdadalang-tao ito ay agad na nagpaalam sa kanya upang bumalik dito. Sa dahilan na kahit tutol siya ay wala rin siyang nagawa kung hindi ang suportahan na lang ito.
“I know right! Of course, do I have any other sister?” pa-sarkastikong birong tanong niya.
Narinig niya ang tila kinikilig na tawa nito sa kabilang linya. “Yes! You are really the best sister in the whole world!”
“Hmp! Just make sure to bring good news when you come back. Or else, you know—”
“Oo na, oo na,” natatawang sagot nito. “Bye, Ate! I love you!”
Hindi na niya nagawang sumagot pa dahil ibinaba na agad nito ang telepono.
Napangiwi siya habang itinatapik-tapik sa ulo ang hawak na telepono. Iniisip niya kung ano ang idadahilan sa kausap niyang ahente na ime-meet niya sana ngayon.
Isang buwan na mula nang dumating siya rito at halos isang linggo ang ginugol niya upang maghanap ng location para sa itatayo niyang restaurant.
At sa wakas ay may nagustuhan na siya mula sa ilang pinagpipilian niya pero dahil nga sa biglaang lakad ng kapatid ay siguradong hindi matutuloy ang negotiation nila.
“Ma..ma..ma..ma!”
Naputol ang malalim niyang iniisip at agad na napalingon sa pinagmulan ng maliit na boses kaya dali dali siyang lumapit dito.
“Hi, baby Bella! You’re up?” nakangiting tanong niya pero agad din nawala nang bigla itong umiyak.
“Hey! What’s wrong?” tanong niya habang kinukuha ito mula sa crib.
Napaawang ang bibig niya at biglang nataranta nang mahaplos ang mainit nitong balat.
“You’re sick?” natatarantang tanong niya. Kinuha niya ang cellphone upang tawagan si Camila pero agad din niyang pinatay iyon pagkatapos ng dalawang ring na hindi nito sinagot.
Ibinaba niya ito saglit at mabilis na kinuha ang susi ng kotse sa kanyang kwarto saka binalikan ang bata at dire-diretsong lumabas ng bahay.
At least she was still familiar with that place kaya mabilis siyang nakarating sa ospital. Her mind was full of worries about the child and nothing more. At dahil doon ay nabangga niya ang kotse sa parking lot ng ospital na nakaparada sa tabi ng bakanteng parking space.
She bit her lips. Hindi naman niya sinasadya kaya mamaya na lang niya iyon iintindihin. Mahalaga ay maipasok niya agad ang bata sa ospital.
Bella is still an infant in her sixth month of age. At talagang kinakabahan siya nang malaman na may sakit ito dagdag pa ang walang tigil nitong pag-iyak.
Nilingon niya ang bata nang tumahimik ito. Kumunot ang noo niya saka dali daling tinanggal ang seatbelt. Pero nang akmang bubuksan na niya ang pinto ng kotse ay may kumatok sa bintana niya.
Imbes na ibaba ang bintana ay binuksan niya ang pinto. Malamang na alam na niya ang sasabihin nito na una na niyang napansin na lumabas sa katabing kotse. Alanganing tiningnan niya ang may edad na lalaki na napakamot sa ulo nang tuluyan siyang makalabas.
“Eh, Mam, nasagi n’yo po ang kotse ng Boss ko,” nag-aalalang sagot nito saka itinuro ang tinutukoy nitong sasakyan.
Tiningnan niya ang katabing black Audi car na tingin niya ay mukhang kabibili lang. Sa sobrang kintab at linis nito ay kahit yata alikabok ay mahihiyang tumambay dito.
Napakagat siya sa labi dahil aminado naman siya na nasagi niya ito kanina at dahil doon ay nagasgasan ang right fender nito.
“Manong, pwede ho ba na balikan kita mamaya?” aniya habang binubuksan ang likurang pinto ng kotse saka kinuha ang umiiyak na muling si Bella. “Kailangan ko lang po na madala sa emergency room ang baby—”
“What’s going on here?”
Napalingon siya sa pinagmulan ng baritonong boses gayundin din ang matandang lalaki na tila naalarma.
“Ah eh Sir, nagkaroon po ng konting problema sa sasakyan n’yo.”
Ikinurap ni Lara ang mga mata at tila naman nabuhayan siya ng loob kasabay ng pamilyar na kaba sa dibdib niya nang makilala ang dumating na may-ari raw ng sasakyan.
“Lara?”
Sandaling nagtama ang mga mata nila. Bakas din sa mukha nito ang pagkagulat at biglang pagguhit ng mga ngiti sa labi ngunit dahan dahang bumaba ang mga mata nito sa batang yakap yakap niya kasabay ng pagkunot ng noo nito.
Napaawang ang labi niya nang sundan ang tinitingnan nito. She blinked her eyes at noon niya lang naalala ang dahilan kung bakit siya narito. Kasabay noon ang muling pag-iyak ni Bella na hibing hibi ang mataba nitong mukha.
“Hush, baby. Andito na tayo sa hospital,” aniya habang sapo sapo ang ulo nito at inilapit ang pisngi sa mukha nito upang patahanin.
“I’ll settle the score with your car later, Duke. Kailangan ko lang maipasok muna si baby sa loob. She’s sick and needed an immediate medical attention,” naalarmang sagot niya na hindi na hinintay ang sagot mula rito.
Mabilis niyang inihakbang ang mga paa pero bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ay humarang sa harap niya si Duke at seryoso ang mukha na tiningnan ang bata.
She almost protest dahil tingin niya ay mag-uusisa ito tungkol sa bata. This is an emergency at wala siyang balak na unahing harapin ito o lalo na ang makipagkumustahan dito.
Besides, they were on good terms after they both chose to live their lives separately. Nagpaalaman pa nga sila bago ang kasal nito. Kaya't ano ang dahilan ng galit na nakikita niya sa mga mata nito?
“Duke, she’s—”
Naputol ang sasabihin niya ng inilapit nito ang kamay sa mukha ng bata at tiningnan ang ilalim ng mata nito. Pagkatapos ay inilapat nito ang palad sa maliit na noo ni Bella gayundin sa leeg at mga braso nito.
Maya maya pa ay nagulat na lang siya nang bigla nito iyong kunin mula sa kanya.
“I’ll handle this. Follow me,” maawtoridad na utos nito sa kanya na agad siyang tinalikuran.
Napalunok siya at lalong nataranta sa nakitang reaksyon nito. He is a doctor, for Pete’s sake. Bakit ba nakalimutan niya iyon? At kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya.
But base on his reaction ay mas lalo siyang kinabahan para kay Bella.
His one step took her two steps to follow him behind.
Dumiretso ito sa loob ng emergency room na bakas ang pagmamadali sa bawat galaw nito na agad na sinalubong ng dalawang nurse pero hinarang siya ng mga ito nang akmang susunod siya rito.
Wala siyang nagawa kundi maghintay sa labas at magdasal. This is her first time to see Bella in her gloomy face and body. Madalas ay cheerful ito at pagmulat pa lang ng mga mata ay malulutong na tawa agad ang bumabati sa kanya. Pero ngayon ay halos mabiyak ang puso niya sa iyak nito na tila may kung anong masakit at dinaramdam.
She helplessly shed a tears. Pagkatapos ng halos dalawampung minuto ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng emergency room kaya agad siyang nag-angat ng mukha.
She wiped her tears at agad na lumapit kay Duke na unang lumabas doon.
Seryoso ang mukha nito na lalong kumunot ang noo nang makita ang mga mata niyang hilam sa luha.
“Si baby? Kumusta si Bella?”
Sa sobrang pag-aalala ay hindi niya na alintana ang pagtagis ng mga bagang nito. And when she hadn’t heard anything from him ay nilampasan niya ito at akmang papasok sa loob ng emergency room pero agad siyang hinawakan ni Duke sa braso.
Tiningnan niya ang kamay nito na mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Then she glared at him saka pumiksi at nagmadaling pumasok sa loob.
“Bella?” tawag niya nang makita itong buhat buhat ng isang nurse na nakangiting nakayuko sa bata na tila nilalaro ito.
Tumingin sa kanya ang nurse at nakangiting ibinigay sa kanya ang bata.
“Ok na po ang anak n’yo, Mommy. May irritation lang siya for common colds na bago pa lang nagsisimula pati na rin with her poops na hindi n’yo yata napansin,” tila natatawang paliwanag ng nurse. “Pero napalitan ko na siya ng diaper.”
Napatingin siya kay Bella na ngayon ay tumatawa na. Her big round eyes are smiling looking at her na parang sinasabi na okay na siya.
She heaved a long sigh of relief. Akala niya ay kung ano na ang sakit nito. Nagpasalamat siya sa nurse pagkatapos ay tuwang tuwang hinalikan si Bella sa pisngi.
Napalingon siya nang marinig ang tikhim mula sa kanyang likuran. Nasalubong niya ang mga matang wari’y walang emosyong kanina pa nakatitig sa kanya.
Nakangiting humarap siya rito. “Thank you, Duke! Pasensya ka na kanina, I was just too worried about Bella.”
Tumango tango ito habang titig na titig sa kanya. Ang mga kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon nito habang tila naman malalim ang iniisip. Bumaba ang mga mata nito sa bata at doon sandaling napako.
“Anak mo ba talaga siya?”
She was about to say something nang makita niya ang bahagyang pagngisi nito.
“I guess you’re not ready to be a mother yet. Because you don’t look and act like one.”