bc

MR. BLUE EYES

book_age18+
4.9K
FOLLOW
20.5K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
pregnant
playboy
boss
drama
bxg
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Maria Abigail Chua is an excellent student who has dedicated her entire life to succeed. She will go to any lengths, even if it means putting her own happiness at risk, to gain the respect of her own parents.

When she met that mysterious guy, everything would change for her. A man he hardly knew, a stranger he only met at the pub. All she knew was that he had a pair of blue eyes.

Abi believed she could simply forget her mistake from that night and get on with her life as usual.

She is an idiot for thinking that way. Everything has its own consequences, and she will have to face the hard truth as a result of that one choice she made. She had no idea that a year later, she would be holding a child in her arms and gazing into the same blue eyes of the stranger

chap-preview
Free preview
Ang simula
May ilang minuto rin akong nakatitig lamang sa bahay na nasa harap ko ngayon. Ang bahay na nagsilbing panandaliang tahanan ko. Napapikit ako at dinama ang mainit na simoy ng hangin habang isa-isang nanumbalik sa alaala ko ang nakaraan. Nang imulat ko muli ang mga mata ko ay napagpasyahan kong pumasok sa loob. Hindi pa rin nagbabago ang anyo ng bahay. Kung paano ko iniwan ang buhay na 'to noon ay ganoon pa rin ang ayos nito ngayon. Nang tumingala ako ay ibang larawan na ang nakasabit sa itaas. "Lenoxx," sambit ko sa pangalan ng lalaking nasa larawan. Katabi nito ang bagong asawa na si Coreen. "Ma'am Abi! Salamat at bumalik na ho ulit kayo rito sa mansyon ma'am," ani ni Manang Ester na maluha-luha pa habang kinakausap ako. "May kukunin lang po akong gamit Manang. Hindi po ako babalik," magalang kong tugon sa matanda na siyang kasa-kasama ko noon. Nakita kong lumungkot ang mga nito nang marinig ang sinabi ko. Hindi naman kasi ako bumalik sa mansyon na 'to para bumalik sa buhay ko noon. May mga naiwan akong gamit dito na gusto kong kunin kaya nandito ako ngayon. Nang matapos akong makipag-usap kay Manang ay agad akong umakyat sa kuwarto na nasa second floor ng bahay. Naka-lock ang kuwarto kaya kinuha ko pa ang spare key sa bag na dala para lang makapasok. Kada hakbang ng mga paa ay nanginginig ako. Parang nanunumbalik sa akin lahat nang nangyari nang gabing iyon. Hindi mawala sa isipan ko ang pulang likidong lumabas galing mismo sa katawan ko habang naghihingalo at humihingi ng tulong. Nang makapasok ay dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko. It's been a three years ince I left pero ni hindi man lang nag-iba ang ayos ng kuwarto. Malinis naman ang loob pero sa natatandaan ko ay ganitong-ganito ko iniwan ang kuwartong ito. Mula sa bedsheets, sa comforter, sa mga unan, at sa lahat ng gamit, ganoon pa rin ang lahat. "A-Abi… you're back." Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko sa beywang ko habang nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Lenoxx ang nasa likod ko ngayon. Why is he here? Ang alam ko ay hindi na siya halos umuuwi rito at sa hotel na lang natutulog ang lalaki. Kaya nga nandito ako ngayon. Bakit alam niyang pupunta ako ngayon? Malakas kong tinabig ang mga kamay nitong nakayakap sa beywang ko. Hindi ako lumingon sa gawi niya. Itinuon ko ang sarili ko sa pag-aayos ng nga gamit ko nang makaalis na ako sa impyernong bahay na 'to. "H-hindi mo n-na ba ako u-ulit iiwan? Nakapag-isip ka na ba, mahal?" mahinang tanong nito sa akin. Tila ay bata ang boses nito habang tinatanong ako. Nahihimigan ko ang takot at pangungulila sa boses niya. Panay sunod naman si Lenoxx sa akin habang isa-isa kong nilalagay sa karton ang mga gamit ko. Hindi ako umimik. Kahit na nanggagalaiti ako ay hindi ko hinayaan ang sariling kausapin ang siya. Ni ayaw kong marinig ang boses nito at masulyapan ang pagmumukha nito. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay dali-dali akong naglakad papalayo. Bubuksan ko na sana ang pinto nang hatakin ako ni Lenoxx. Nahulog ang karton na siyang yakap-yakap ko. Gumawa iyon ng ingay sa sahig at kasabay niyon ay ang pagyakap ni Lenoxx sa akin nang mahigpit. "Iiwan mo na naman ako," ani nito. "Abi, huwag mo akong iwan. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" "Bitawan mo ako," malamig kong tugon. Ayaw ko siyang hawakan. Nandidiri ako sa kan'ya… diring-diri ako. "Wedding anniversary natin ngayon, mahal. Tanda mo ba?" tanong nito sa akin. Hindi ako pinansin ni Lenoxx. Patuloy lamang siya sa pagsasalita na animo ay nakikipag-usap siya sa hangin. Isang sampal ang pinakawalan ko. Lumagapak iyon sa kaliwang pisngi ni Lenoxx. Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon ay tiningnan ko sa mukha ang lalaki. Sinalubong ko ang tingin ng asulang mga mata nito. Wedding anniversary?! Siya mismo ang pumilit sa akin na pirmahan ang divorce paper tapos siya may ganang ipaalala sa akin ang wedding anniversary naming dalawa?! "A-Abi." Sapo-sapo ni Lenoxx ngayon ang pisngi nitong sinampal ko. Kulang pa 'yan! Gusto ko siyang bugbugin ng todo nang maranasan niya man lang kahit katiting ang sakit na naramdaman ko noon. Isang mapait na alaala ang siyang sumagi sa isipan ko at hindi ko napigilan ang emosyon ko. Naungkat ko ang isang pangyayari na nais ko sanang kalimutan at ibaon na lamang sa limot. Bawat pag-alala ko sa nakaraan ay tila may karayum na unti-unting bumabaon sa puso ko. "Habang nasa ICU ako at nag-aagaw buhay. Nasaan ka, Lenoxx? Nasaan ka?" nahihirapan kong tanong sa lalaki habang nakayuko. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko at gipit na rin ako sa paghinga dahil sa nagpupuyos na galit sa dibdib ko na tatlong taon ko ring kinimkim. Isa-isang pumatak ang mga luhang pilit kong nilalabanan kanina pa. Bumuhos iyon nang walang tigil. Naaalala ko na naman ang mapait kong karanasan sa mga kamay niya. Ang ipinangako nitong isang masayang pamilya ay tila bulang naglaho na lamang. Imbes na ligaya ay pait ang siyang dinanas ko dahil sa kaduwagan niya. Isang siyang taong walang paninindigan at isang salita. Ang sakit… sobrang sakit pala. Matagal na panahon kong hinayaang maghilom ang sugat sa puso ko at kalimutan ang lahat pero parang balewala lahat ng iyon. Makita ko lang ang mukha nito ay bumabalik agad ang mapait na alaala na 'yon. Tila ay isang malaking sugat na ang nakabaon sa puso ko at kailanman ay hindi na maghihilom. "A-Abi, please come back. Mababaliw na ako, Abi. Sinunod naman kita 'di ba? I gave you space. Hinayaan kitang mamuhay na wala ako, you left me at sinama mo si Primo. Isn't that enough already?" tanong nito sa akin habang pilit hinahagilap ang mga mata ko. Halos hindi ko makilala si Lenoxx sa ayos nito ngayon. Mahaba ang buhok at walang ahit ang balbas nito na tila pinabayaan na ang sarili. Amoy alak din ang lalaki at malaki ang eye bags sa mata na animo ay hindi siya nakakatulog nang maayos. Malamig ko lang tiningnan ang lalaki. Ni kahit awa ay wala akong maramdaman. Tila manhid na ang puso ko para makaramdam pa. Galit at sakit lang ang nararamdaman ko ngayon at wala ng iba pa. "It's far from enough, Lenoxx. Atsaka matagal ng natapos ang ugnayan nating dalawa. You have your own family now. Hindi mo na ako asawa o ano pa man," walang ganang saad ko. "N-no!" agad nitong pagtutol. Sinalubong ko ang mga tingin nito. Hindi ko hahayaan na muling masunod ang mga nais niya. I want to break free from him. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin? May anak na siya kay Coreen! Siya naman talaga 'di ba? Siya ang puno't dulo ng mga away namin noon. Now that they have a child already. Bakit hindi niya na lang ilaan lahat ng atensyon niya sa bago niyang mag-ina? "Bakit ha? May iba ka na ba?! Boyfriend mo na ba 'yong siraulong Raze na 'yon?!" sigaw nito sa akin. Marahan akong itinulak ni Lenoxx sa kama dahilan kung bakit ako napahiga habang nakapatong naman si Lenoxx sa akin at mariin na hinahawakan ang palapulsuhan ko para hindi ako makagalaw. "You're crazy," usal ko habang pinanlilisikan siya ng mata. Hindi ako pumalag bagkus hinayaan ko ang sarili kong titigan ang lalaki na ngayon ay may galit na ekspresyon sa mukha. "Oo, Abi. I'm crazy! Nababaliw na ako sa kaiisip sa 'yo! Akala mo ba madali sa akin ang lahat ng ito?" nanghihina nitong tanong sa akin. "Hindi lang ikaw ang nawalan. Ako rin, Abi… ako rin." Bakit kung umasta siya ngayon parang wala siyang ginawang masama?! Sino ba sa aming dalawa ang unang tumalikod? Iniwan niya ako noon. Naghirap at halos lumuhod ako sa harap niya para lang paniwalaan niya ako pero sarado ang teynga niya sa mga pakiusap ko. 'Yon pala ay may milagro na silang ginagawa ng babae niya! "Get off of me, Lenoxx. Hindi mo na ako asawa. Aalis na ako. Walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito. Dumalaw lang ako para kunin ang iba kong gamit na nandito. We're moving to the States for good at isasama ko si Primo. My son doesn't need a father like you," wika ko. Parang tinablan ata si Lenoxx sa sinabi ko dahil bigla na lamang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. Lumuwag din ang mahigpit nitong hawak sa kamay ko at nakasubsob ang lalaki sa may leeg ko dahilan kung bakit bahagya akong napa-ungol nang naramdaman ko ang mainit nitong hininga roon at ang kiliting dulot noon sa balat ko. "Don't leave me again. Don't–" "And why would I listen to you?" Tapos na tayo," mariin kong sabi. "Ahh!" napasigaw ako nang marahas na pinunit ni Lenoxx ang suot kong blouse. Nabigla ako at hindi agad nakagalaw. Bumalik lang ako sa katinuan ko nang maramdaman kong tinatanggal nito ang suot kong bra. "Lenoxx! Walanghiya ka talaga! Bitawan mo ako." Pilit akong nagpupumiglas sa hawak nito pero masyado siyang malakas kumpara sa kagaya ko. "Kung hindi ka rin lang naman mapapasakin, hindi ka rin mapupunta sa iba," tila baliw nitong saad habang nakasubsob ang mukha nito sa nakaumbok kong hinaharap. Anong nangyari sa kan'ya? Hindi ko na siya makilala. He's not the man I married before. Ibang-iba na siya. Para siyang napariwara! "Mas binigyan mo pa ako ng rason para lalo kitang kamuhian. Sige lang, gawin mo na lahat ng gusto mo. Katawan ko ba? Magpakasawa ka, Lenoxx. Kahit ilang ulit mo akong galawin, hinding-hindi na mababago ang lahat," saad ko. Napatigil si Lenoxx sa ginagawa nito at walang ano-ano na pinakawalan ako. "Leave… umalis ka na, Abi. Habang nasa katinuan pa ako," hirap na hirap nitong utos sa akin. "Leave!" sigaw nito sa akin. Mabilis na kumilos ang mga paa ko patungo sa pinto. Kahit na sira ang blouse ko ay hindi ako nagdalawang isip na umalis at iwan si Lenoxx sa loob. Nang sa wakas ay nakalabas ako ng kuwarto ay nasalubong ko naman si Coreen karga-karga nito ang isang batang babae sa bisig. Napatingin siya sa ayos ko at tumaas ang kilay nito nang makitang sira ang blouse na suot ko. Bigla na lamang akong napatigil at napatitig sa bata. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako nakaramdam ng pangungulila nang makita ko ang pagmumukha nito. Ganito na sana kalaki si–. Napabuntong-hininga na lamang ako. Isa-isa namang bumabalik sa isip ko ang bangungot na 'yon. "At bumalik ka pa talaga," saad ni Coreen. "Yaya, kunin mo nga 'tong si Lei." Agad namang kinuha no'ng isang kasambahay ang batang nasa bisig ni Coreen. Walang kamalay-malay ang batang 'yon sa buhay na sasapitin niya sa magulong pamilyang 'to. "May kinuha lang ako. Bakit? Bawal ba? The last time I checked, pamamahay ko pa rin 'to. Ikaw nga lang 'yong nakikitira sa bahay na pinagawa mismo ni Lenoxx para sa amin ng anak ko eh," sagot ko habang pinagmamasdan lang nang maigi ang mukha ng babaeng nasa harap ko. "Please do me a favor. Don't ever come back to this house again. Pati na rin sa buhay ni Lenoxx. He's better off without you atsaka kasal na kami. I'm now the new Mrs. Montecorpuz," mayabang nitong ani. Hanggang saan kaya dadalhin si Coreen ng obsesyon niya kay Lenoxx? Ilang tao pa kaya ang magdudusa dahil sa kasakiman niya? "Really? Kaya pala lumuhod si Lenoxx sa harapan ko kanina para lang bumalik ulit kami ng anak niya buhay nito" mapang-asar na sagot ko sa kan'ya. "Kung ako sa'yo bantayan mong maigi 'yang si Lenoxx. Kung puwede nga lang ay itali mo na 'yang si Lenoxx sa beywang mo. Sige ka, baka isang araw magising ka na lang at nasa ibang kandungan na 'yan." Biglang nanlisik ang mga mata ni Coreen nang marinig nito ang sinabi ko sa kan'ya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang takot at pangamba nito. Natatawa na lamang ako. Pagdusahan niya lahat, ginusto niya ito 'di ba? Kailanman ay hindi magiging mabuti ang pagiging gahaman! "How dare you–" Sasampalin na sana ako ni Coreen nang biglang napatigil ang babae sa gagawin nito. Sa likod nito ay naroon si Lenoxx, hawak-hawak nito ang kamay ni Coreen na nakabitin sa ire. "L-Lenoxx… babe!" gulat na tawag ni Coreen sa lalaki. Agad kong iniwan ang dalawa. Hindi ko na nais pa na marinig pa ang pag-uusapan nila at baka sumakit lang ang teynga ko. Parang pinaparusahan ko lang ang sarili ko kung gagawin ko 'yon. Hindi ko akalain na magiging ganito ang takbo ng buhay ko. Naghangad lang ako ng pagmamahal pero sinuklian iyon ng kataksilan. Saan ba ako nagkulang? Alam ko namang hindi ako perpektong tao. May mga pagkakamali rin ako pero sinubukan ko namang ayusin ang lahat. Pero talagang may mga tao na gustong tapusin na lang lahat kaysa ayusin ang mga bagay-bagay. At kapag huli na ang lahat ay riyan pa nila susubukang ayusin kung kailan sumuko ka na. "Tama na, Abi," sabi ko sa sarili ko. Nasa loob na ako ng sasakyan habang nakatanaw pa rin sa bahay namin ni Lenoxx. Parang ayaw kong pagalawin ang manibela ng sasakyan. Ayaw kong umalis sa lugar na 'to. Hahayaan ko na lang ba talaga na ganoon na lang? Ano 'yon? Magiging masaya sila habang ako, miserable? Hindi! Hanggang ano ba ang kaya kong isakripisyo para lang maramdaman nila ang galit ko? Hihintayin ko ba ang karma? Mukhang hindi ko na ata kayang hintayin 'yon. Hindi ko na hihintayin pa na ang karma ang maningil sa kanila. I can be their own karma. Ibabalik ko lang sa kanila ang ginawa nila sa akin. I can be his mistress too. Nagawa nga ni Coreen 'yon noon, bakit pa ako maaawa sa babaeng 'yon? I need to get even! Tingnan lang natin kung magkaroon pa sila nang tahimik na buhay sa gagawin ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook