Ikasampung ka-date na ito ni Celina pero ni isa wala siyang napili. Nabobored na siya sa lalaking kaharap. Mas gustuhin pa niyang magbasa ng Dreame at magmukmok sa loob ng kanyang kwarto kesa makipag-usap sa taong puro negosyo lang ang topic. What the heck! Nagkunwari na lamang siyang sumakit ang kanyang ulo para lang makauwi sila nang maaga ng kanyang ka-date. Ang mga ka-date ba niya ang problema o sadyang nasa kanya lang ang problema? Sa inis niya'y napagdesisyunan niyang mag-bar. She missed dancing, and she missed her nightlife party. Nagpaalam muna siya sa ina. Ngumiti lang ang magandang senyora. Since medyo maginaw sa labas, naisipan ni Celina na magsuot ng Red Shirtdress and Red knee-high leather boots. Tinungo niya ang garahe at mabilis na pumasok sa sariling kotse. At mabilis it