bc

MR. LISTLESS

book_age18+
656
FOLLOW
2.7K
READ
revenge
independent
brave
heir/heiress
drama
heavy
serious
realistic earth
seductive
like
intro-logo
Blurb

MR. LISTLESS

|Samantha|Lennon

Status:Ongoing

Will start updating soon:Waiting for it to be signed story.

Rated SPG

I don't believe in love anymore. The last time I fell in love, I lost myself. Durog na durog ako at hindi ko alam kung papaano ko sisimulang ayusin ang sarili ko.

He chose his career over me.

I beg.

He left me.

I'm broke.

Paano kung may dumating na isang lalaking bubuo uli sa pagkatao ko? Can his love really fix me? O mas ikadudurog ko?

chap-preview
Free preview
(1)
Kanina pa ako rito sa labas ng Montecorpuz Airlines. It's been 3 years no'ng huli akong tumapak sa lugar na ito. Mula sa pagkakatingala sa building na ito ay naibaba ko ang aking paningin sa kanina pang ring nang ring kong cellphone. Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang halos 50 missed calls na galing kay Tyron. Gustong-gusto kong pumasok at kamustahin si Lenonn. Pero wala akong lakas ng loob magpakita sa kan'ya. Nahihiya ako kaya kahit gustuhin ko mang puntahan ang lalaki ay hindi ko na pwedeng magawa. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa kung papaano ako nakapasok at nakapag-trabaho sa lugar na'to. Those days na wala akong ibang iniisip kung 'di ang asarin at pag-tripan ang lalaking bumihag sa atensyon ko. Akala ko noong una ay isa lamang laro iyong nararamdaman ko sa kan'ya. Inakala ko talagang masyado lang akong kuryoso sa pagkatao niya kaya nagagawa kong pagtuonan siya ng pansin. Pero mali ako, maling-mali. Ngayon, hanggang tingin na lang ako at hanggang alaala na lang ako sa lahat ng pinagdaanan namin. Mapait akong ngumiti at dahan-dahang tumalikod. Kailangan ko nang umuwi dahil baka ano na namang gawin ni Tyron. "Anak ng pechay!" sigaw ko nang muntik na akong masagasaan. Hindi ko kasi napansing may sasakyan pala sa likuran ko kaya muntikan na akong masagasaan. Hindi ko makita kung sino ang nagmamaneho dahil tinted ang salamin ng sasakyan. "Ayos ka rin eh no?!" Lumapit ako sa harap ng sasakyan at kinalampag ko iyon. Pinagpapapalo ko ang hood nito atsaka walang tigil ako sa kakabunganga. "Labas! Kamuntik mo na akong mapatay hudas ka! Akala mo sasantuhin kita kasi maganda itong rides mo? No way!" galit na ani ko. Hindi pa rin lumalabas ang kung sinuman ang nagmamay-ari nitong sasakyan. Hindi rin ito umaandar at naka-steady lang. Walang reaction ang nagmamaneho at parang walang pakialam kung mag-eskandalo man ako. Dahil sa ginagawa ko ay unti-unti akong pinagtitinginan ng mga tao. Ang iba pa nga'y nagbubulong-bulongan sa paligid at kung tignan nila ako ay para bang kinakaawaan nila. "Hoy! Kung sino ka mang Herodes na nasa loob nitong sasakyan, you need to get out at harapin mo ako." Hindi naman nagtagal at unti-unting bumukas ang pinto ng front seat at lumabas ang isang pamilyar na mukha. Nakasuot ng itim bestida ang babae at may nakapatong na puting blazer. Habang ang mataas na tuwid nitong buhok ang nakalugay lang at may nakalagay na puting headband sa ulo nito na mas lalong nagpaganda sa ayos niya. Hindi ko talaga maalala pero mukhang pamilyar talaga ang babaeng 'to hindi ko lang alam kung saan at kailan ko siya nakilala. "Sam," mahinang tawag ng babae. Napatitig ako sa kan'ya at mababakas sa mukha ko ang kalituhan sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung bakit kilala ako ng babaeng 'to. "How did you know my name?" nagtatakang tanong ko. "Hey, nakalimutan mo na ba ako?" tanong no'ng babae. "Sorry Ms, you seemed familiar pero hindi ko matandaan kung saan at kailan kita nakita," sagot ko naman. Nahihiyang nagkamot ng batok ang babae at yumuko ito. "Si Andrea 'to," wika niya. Andrea? Napaisip naman ako bigla. May kilala akong Andrea pero malayong-malayo ang hitsura nang isang iyon sa kaharap ko ngayon. Ang Andrea na kilala ko ay may malaking salamin sa mata at laging nakapusod ang buhok. Atsaka laging pang-manang suot no'n pero magaling at matalino naman. Tinignan ko ulit ang babae sa harap ko at kinilatis ng mabuti. Kahit saang anggulo talaga ay hindi ko makita ang pagkakapareho ng Andrea na kilala ko noon sa Andrea na nasa harap ko ngayon. Masyadong malayo ang kanilang ayos atsaka pananalita. No, hindi sila iisa. "Sorry ha? May Andrea akong kilala pero hindi naman kayo magkamukha," saad ko. Nagulat ang babae sa sinabi ko at hindi ito makapaniwala. Nakabuka lamang ang bibig nang Andrea na nasa harapan ko. "Uy okay ka lang?" I asked. "Hindi mo na ba talaga ako nakikilala?" ulit nitong tanong. Naglakad ito papaunti sa'kin at unti-unti niyang inilalapit ang pagmumukha niya sa mukha ko. "Look, wala ka ba talagang maalala?" Itinuro pa nito ang mukha habang ako ay na-weweirduhan lang sa pinaggagawa niya. "Hindi ka naman siguro si Andreang iyakin noon di ba?" tanong ko. Lumiwang ang pagmumukha ng babae at tumango-tango ito sa'kin. Does that mean? Ang babaeng ito ay si Andrea? Ang Andrea na nakilala ko 5 years ago?! "No way!" sigaw ko. Ngumisi naman ng pagkalaki-laki ang babaeng nasa harapan ko. "Yes way! Ano ka ba Sam, si Andrea 'to," masayang ani ni Andrea sa'kin. "Bumalik ka na pala" tanong nito. "Grabe! Hindi kita nakilala." Hindi talaga ako makapaniwala. Grabe ang glow up nitong si Andrea. Bigla tuloy akong nahiya dahil kung ikukumpara ko ang sarili ko ngayon sa kan'ya ay nagmumukha akong alalay. "Ano bang nilaklak mo at grabe naman ata ang glow up mo!?" "Hmm, huwag tayo rito mag-usap. Pinagtitinginan na kasi tayo ng mga tao." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila patungo sa sasakyan. Akala ko ay sasakay kaming dalawa. Iyon pala ay kukunin lang nito ang bag na nasa front seat. Nasa gilid niya ako kaya nakikita ko nang kaunti ang lalaking nasa driver seat. "Babe? Didiretso ka ba sa office?" tanong ni Andrea sa lalaki. Hindi ko masyadong maaninag dahil nahaharangan nang kaunti ni Andrea ang siwang ng pinto nitong kotse. "Hmm," tanging naisagot ng lalaki. Bad trip! Hindi talaga matatahimik ang chismosa kong kaluluwa kapag hindi ko nakikita 'tong boylet ni Andrea. Sa sasakyan pa lang kasi alam ko nang yayamanin. Parang si ano lang. Bigla naman akong napatigil sa kaka-monologue ko sa isip ko nang pumasok na naman sa utak ko ang pagmumukha ni Lenonn. "Tara Sam," saad ni Andrea. Hinatak na naman ako nito. Panay pa ako sa paglingon sa sasakyan nila kanina dahil naiintriga talaga ako sa boylet niya. "Starbucks muna tayo, we need to do a lot of catching ups," masayang wika ni Andrea. Napangiti na lang ako nang makita ko kung gaano kasaya ngayon si Andrea. She looks fresh and in love. Nakaka-inggit. Nang makarating kami ay ang babae na mismo ang pumunta sa counter para pumila para sa mga kape namin. Hindi pa rin talaga nagbabago si Andrea. Napakabuti pa rin ng puso nito. Hindi ko aakalaing sa loob lang ng tatlong taon ay ganito na ang pamumuhay nito ngayon. Nang makita kong medyo nahihirapan si Andrea sa dala-dala nitong cups sa kamay ay sinalubong ko siya at tinulungan. "Salamat." Umupo ito sa katapat kong upuan. "Masaya talaga akong makita ka Sam!" Nakangiti na naman si Andrea sa'kin. "Bigla ka na lang nawala kasi eh!" Napa-peace sign lang ako dahil sa tinuran niya. Masyadong malalim ang dahilan kung bakit bigla na lang ako nawala ng parang bula. Kating-kati na rin ako makibalita kay Andrea patungkol kay Lenonn. Kung ano na ang buhay niya ngayon. Kung kamusta na ito. Pinipigilaan ko lang ang sarili ko dahil napaghahalataan ako masyado. "Private matters lang. Kailangan ko lang talaga umalis kaya hindi ako nakapag-paalam. Pasensya ka na huh?" tugon ko. "No it's okay, masyado lang kita na-miss. Simula kasi nang nawala ka ay tumamlay ang opisina noon." I bite my tongue really hard para mapigilan kong maitanong sa kan'ya ang patungkol kay Lenonn. Wala na akong karapatan para malaman ang kalagayan niya kasi in the first place ako 'yong nang-iwan. Kahit si Abi na bestfriend ko ay di ko nagawang masabihan sa mga nangyayari sa'kin. Basta na lamang akong nawala ng walang pasabi. Napansin ko naman ang singsing na suot ni Andrea ngayon. Engage na ba siya? Mas lalo tuloy akong na-curious lalo pa't hindi ko nakita 'yung lalaki kanina sa driver seat. "May boyfriend ka na?" tanong ko na panay pa rin ang tingin ko sa singsing niya. "Ay ito ba?" sagot nito atsaka hinawakan ang singsing nito sa daliri nang makitang nakatuon ang paningin ko roon. "Fiancee," sagot ni Andrea atsaka kinilig nang matapos magsalita. "Oh My God? Sino ang maswerteng lalaki?" gulat kong tanong. Napakasaya ko para sa kan'ya. Akala ko boyfriend lang, 'yon pala engaged na siya! "Eh ano ba, nahihiya ako. Kilala mo kasi," nahihiyang ani niya. Huh? Kilala ko raw? Isa ba sa mga ka-opisina namin dati? Huwag mong sabihin iyong kasama kong si Andrew sa health dept. Dalawa kasi kaming nurse sa Montecorpuz Airlines. Si Andrew 'yong isa na lagi ko namang itinutukso sa kan'ya. Umiling si Andrea at nagsalita, "Si Lenonn," sagot nito. Parang may batong dumagan sa dibdib ko. Masyado ko na atang iniisip si Lenonn kaya saan-saan ko na lang naririnig ang pangalan niya. "Huh? Pakiulit nga Andrea, hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo." Kinakabahan ako pero alam kong nagkamali lang ako ng dinig. "Si s-ir Lenonn nga." Nginitian niya ako at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Si Lenonn? Engaged na siya kay Lenonn? Papaano? Biglang nanikip ang paghinga ko at naikuyom ko ang mga kamao ko. Wala na dapat akong pakialam bakit parang ang sakit? Bakit parang pinapatay ako ng unti-unti. "Hey, are you okay? Nahilo ka ba kanina no'ng muntik ka na namin masagasaan?" pag-aalalang tanong ni Andrea. Nginitian ko lang siya. Kailangan kong makaalis dahil alam kong tatraydurin ako ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas. "Sorry Andrea huh, gustong-gusto kitang ka-chismisan sana ngayon pero I have to go." Kunwaring tinignan ko ang cellphone ko para maniwala siya na kailangan ko na talagang umalis. "Ganoon ba? Sayang naman," sagot ni Andrea. Hinalikan ko siya sa pisngi at iniwan ko sa loob ng Starbucks si Andrea habang ako naman ay nagmamadaling lumabas. Ang kanina pang luhang pinipigilan ko ay nag-uunahan na sa paglabas. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luha sa mata ko. Panay lang ako sa pag-iyak at hindi ko alintana ang mga taong nakatingin sa'kin. Ayaw ko nito, ayaw ko nang sakit na ito. Masyado akong mahina para sa impormasyong ito. Para akong pinapatay. Lenonn? Bakit? Bakit hanggang ngayon ay masakit pa rin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook