Chapter 31

2435 Words

DARREN POV "Mahal," mahinang bulong ko bilang pagbasag sa katahimikan na namayani sa pagitan namin ni Kiera nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Mac. Nakangiti siyang bumaling sa akin at mahina pang natawa nang tumama ang mga mata nito sa mukha ko. "Bakit ganyan ang mukha mo? Para ka namang binagsakan ng langit at lupa niyan," natatawa nitong sabi. Marahan ko silang hinila at ikinulong sa mga bisig ko. Pasimple ko pang sinipa ang pintuan upang isarado 'yon na mas lalo pang nagpatawa sa kanya. 'Natatakot ka bang harapin si Tito?" natatawa pa nitong tanong. Sunod-sunod akong umiling at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayap sa kanya ngunit hindi sa paraan na masasaktan ko sila ng anak ko. "Mahal, nabitin ako," dismayado kong sambit. Mahina akong dumaing bilang pagpoprotesta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD