Chapter 43

3094 Words

"Hindi mo ba talaga ako isusumbong," naninigurado pang tanong nito habang nakakulong pa rin sa mga bisig ko. "Hindi. Ang ipahiya ka ang pinaka-huling bagay na gagawin ko," umiiling na bulong ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at mariin akong pinagmasdan. "Bakit mo ba ito ginagawa?" nagtatakang tanong niya. Sunod-sunod siyang umiling na para bang nahihiwagaan sa inaasta ko. "Huwag mo nang alamin pa kung bakit? Siguradong hindi ka rin maniniwala sa lahat ng sasabihin ko," naka-iwas ang tingin na sagot ko. Mabilis na sinakop ng dalawang palad niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. "Gusto kong malaman, Bryle. Gusto kong marinig, please," nagmamakaawa ang seryosong tinig nito. Kaagad akong kinabahan. Hindi ako marupok pero sadyang hindi ko lang talaga kayang tumanggi sa kany

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD