Chapter 38

2052 Words

DARREN POV "Mahal, okay ka na ba?" nag-aalala na tanong ko sa mahal kong babae na naka-upo sa kandungan ko habang nakayakap ang mga braso nito sa leeg ko. Marahan siyang tumango bilang sagot sa katanungan ko. Ang masarap at mahimbing na tulog nito kanina habang nakadapa sa dibdib ko ay biglang nagambala nang makarinig siya ng malakas na pagputok. Sa subrang pagkagulat nito ay nagising siyang nanginginig dahil sa ingay ng putok na hindi inaasahan na biglang nangyari. Napakuyom ako ng kamao, kinakain ako ng matinding galit para sa kanila. Sa kanila na ayaw akong lubayan at ngayon ay nadadamay pa ang mga tao dito sa bahay lalo na ang mag-ina ko. Pag may mangyaring masama sa mga taong mahalaga sa akin ay sisiguraduhin kong mananagot ang sinuman na may pakana nang lahat ng ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD