DARREN POV "Sa kwarto lang kami, magpahinga na rin kayo," paalam ko sa kanila at saka inakbayan ang babaeng mahal ko patungo ng aking kwarto. Gusto ko lang siyang makasama at mayakap nang walang sagabal. "Hindi pa ako inaantok, dito muna tayo," reklamo nito sa akin habang nakapuot. Gusto pa nitong manatili sa sala upang makita ang kulitan ng mga luko pero gusto ko na siyang masolo. "Inaantok na ako mahal, samahan mo na ako," malambing ang tinig kong sambit sa kanya kaya kaagad siyang napangiti. Ginantihan ko ang matamis nitong ngiti at mabilis na dinampihan ng halik ang kanyang labi. Binitawan ko lang ang halik nito nang marinig ang mahinang tikhim ni Esha at nakangiting binuhat ko siya ng pang kasal. Palagi na lang sila istorbo, tsk. "Darren, ibaba mo na ako. Kaya ko naman m